The ranking battle has already began. The students are all excited to put everything they have learn to use. Maraming hindi na makapaghintay para gamitin ang mga technique at atake na nagawa nilang buohin base sa mga theory at principle ng spirit summoning na itinuro sa kanila ng mga propesor. Isa-isa na silang sumakay sa mga karwahe na maghahatid sa kanila sa kani-kanilang posisyon. At isa sa mga hindi na makapaghintay ay si Raol Hartiss, isang maharlikang nagmula sa pamilya ng mga spirit summoner na kilala sa kanilang serbisyo sa tatlong malalaking clan ng Nossec maliban sa royal family. Isa sa pinagsisilbihan nila ay ang clan ng Runebraid. Hindi niya mapigilang mapangisi habang iniisip kung paano niya hahanapin ang nag-iisang rason kung bakit siya nagsanay at nagpalakas. Hindi na niy