Mataman akong nagmamanman sa paligid. Sa sobrang alerto ng senses ko ay halos mabingi ako sa sariling pintig ng puso ko. Hindi ko rin naiwasan ang pamamawis ng aking mga kamay, ganoon din ang pamumuo ng malalamig na butil ng pawis sa aking noo. Hindi ko magawang gumalaw sa takot na baka makagawa ako ng ingay, na siyang maging dahilan para matunton ng kung sinumang nasa malapit ang posisyon ko. "Sunne, stay on guard. Ihanda mo ang sarili mong umatake," saad ko sa aking isipan. Tumango naman si Sunne bago ko naramdaman ang unti-unting pagkaipon ng hangin sa aming palibot. "Mukhang may napadaan na rito, a?" rinig kong sambit ng isang lalaki. "Mukhang marami nang dumaan sa lugar na ito," dagdag niya pa. Agad kong pinatigil si Sunne sa pag-iipon ng hangin. The gushing wind that gathers aro