CHAPTER 2

3073 Words
ALAM ko namang masama ang ugali ko pero not all the time. Talagang maangas lang ako pero sa lugar lang naman. “Wala kang trabaho ngayon ‘nak. Ano ang plano mong gawin?” Linggo kasi ngayon tapos huling araw pa ng buwang Hulyo at day off ko pa. Buong araw akong mag-re-relax muna. “Pupunta ako sa mans’yon ni Veranica, ‘tay. Alam kong nag-s-sunbathing lang ‘yon ngayon sa pool nila. Kahapon n’ya pa akong inaaya pero hindi natuloy dahil may trabaho ako,” tugon ko sa kan’ya na ikinatango n’ya habang patuloy lang kami sa pag-lamon ng agahan. Kaibigan ko ‘yang si Veranica simula nu’ng second year college pa kami. Transferee s’ya pero nu’ng una, naaartehan ako sa kan’ya at hindi ko inasahan na magiging kaibigan ko ang babaeng ‘yon dahil napaka-opposite ng ugali namin. Ayaw na ayaw ko pa naman sa mga maarte. Naging ka-close ko s’ya nu’ng tinulungan n’ya akong bugbugin ang lalakeng hangal. Pinagkalat ba naman n’ya kasi sa buong campus na naglaplapan daw kami? Aba’y hunghang. Naka-tikim tuloy s'ya sa ‘min. Simula nu’n, kasama ko na sa katarantaduhan si Veranica. Masuwerte nga ako dahil may nabingwit akong mayamang kaibigan dahil sa kan’ya ako umuutang dati kapag wala na akong allowance at dahil friend ko s’ya, hindi ko na binabayaran. Joke lang. S’yempre, sinasauli ko ‘yong hiniram ko ‘no. “Anong oras ka uuwi mamaya, ‘nak?” tanong ni Tatay sa kalagitnaan ng kan’yang pag-nguya. “Hindi ako magpapagabi ‘tay. Baka mag-tampo kasi ang gagang ‘yon kapag hindi ko s’ya pinuntahan,” sabi ko sabay tumawa ng mahina. Spoiled brat ang babaeng ‘yon ‘e. Nagiisa lang kasing anak kaya ganu’n. Sa kan’ya ko nga natutunan ang lahat ng mga kalokohan na hindi ko alam. “Magiingat ka sa biyahe, ‘nak. Doon ka na mananghalian?” Tinanguan ko ng dalawang beses si Tatay. “Opo. Hindi naman ako papaalisin ng babaeng ‘yon na hindi ako naka-kain do’n,” magalang kong sagot sa kan’ya. Nakipagusap pa ako kay Tatay hanggang sa natapos na kami. Ako na ang nag-hugas ng pinagkainan namin at papakainin naman n'ya ang mga alaga naming kuneho sa likod ng aming bahay. Na’ng matapos ko na’ng mapunasan ang lahat ng pinughugasan ko, umakyat na ako sa k’warto para maka-ligo na. Na’ng maka-labas na ako sa banyo, sinuklay ko muna ang lagpas dibdib kong itim na itim na buhok. Hindi ko na patutuyuin gamit ang hair blower dahil kina Veranica lang naman nag destinas’yon ko. Na’ng okay na, nag-bihis na agad ako ng plain yellow oversized ulit na t-shirt. Favorite color ko ‘yong napili kong suotin pangitaas ngayon. Sa pangibaba ko naman, nag-maong na ako na shorts, tatlong inches above the knee. Long legged kasi ako tapos 5’6 ang height kaya ganito ang pormahan ko kapag hindi naman importante ang lakad. Hindi na ako nag-lagay ng kahit anong pulbura o pangkulay sa mukha dahil sayang ang oras. “’Tay! Aalis na ako ha!” sigaw ko na’ng maka-labas na ako sa bahay. “Magiingat ka anak!” pabalik n’yang sigaw at nandu’n pa rin s’ya sa likod ng bahay base sa boses n’ya. Humakbang na ako palabas sa madamo naming bakuran. Natatakpan ang lupa ng Bermuda grass. “Uy mare. Tingnan mo... ang anak ni Fernand. Aalis na naman na hindi naka-uniporme. Siguradong makikipagdate ‘yan.” Napa-hinto ako sa pag-hakbang na’ng may naririnig akong namumuong bulungan na parang bubuyog. Napa-tingin ako sa kaliwang pader namin. Dikit-dikit ang mga apartment sa street na ‘to at pader lang ang bakod palibot sa bahay maliban sa gate. Napa iling-iling ako habang naka-titig sa tatlong ulong lumagpas sa taas ng simentadong pader at ‘yon ay ang ulo ng mga chismosa. Alam kong sinilip nila ako ngayon lang. Simula nu’ng tumira kami rito at habang nagdadalaga ako, ako na lang lagi nag binabantayan nilang tatlo! Mga human CCTV ang mga ‘yan dito sa ‘min! Gustong-gusto ko ngang lumipat pero nagiipon pa lang ako at malapit ko na’ng mabuo. Lilipat kami sa ibang village na malayo rito. May nahanap naman akong mas magandang apartment at may kalayuan ang agwat ng mga bahay para iwas sa mga chismosang kapit-bahay! Malamang, naranasan ko na’ng talakan ang trio na ‘yan pero hindi pa rin tumitigil. Sana nga magkakatotoo ang chismis nila dati na mabubuntis daw ako ng maaga! Pero ni isang beses, hindi pa nga ako nakakakita ng b*rat sa personal! “Sabi ng anak kong babae, nakita raw n’yang may kasamang lalake ‘yang si Yucefina kahapon!” pasigaw na pabulong ng isa. Si Aleng Marisol ang pangalan n’yan, sa boses pa lang 'e. Huminga na lang ako ng malalim sabay pinagpatuloy ang pag-hakbang palabas ng gate. Wala ako sa mood makipagaway ngayon. Minsan lang ako mag-day off kaya susulitin ko na. Hindi ko ibubuwis ang laway ko sa tatlong ‘yon. Kung d’yan sila masaya, ‘e ‘di bahala sila. Basta nagiipon ako para maka-lipat na kami. Na’ng tuluyan kong nilisan ang bahay namin, sakto dahil may dumaan na taxi kaya sumakay na agad ako. “Maraming salamat po sa pag-hatid,” magalang kong sambit sabay inabot ang bayad sa driver. Na’ng matanggap na n’ya ang pera, lumabas na ako sa taxi sabay hinarap ang matarik na gate. Nakita ko agad ang mga bantay na naka-uniporme. Naka-tayo sila ng tuwid sa magkabilang gilid ng poste ng gate. “Good morning Miss,” magalang na bati ni Mister Bert. “This way, please.” Humakbang agad ako na’ng binuksan na n’ya ang maliit na entrance sa kaliwang side ng poste. Hindi naman kinakailangang buksan talaga ang kabuoan para mahati sa dalawa itong main gate. “Maraming salamat po,” mahinahon kong saad na’ng tuluyan na akong maka-pasok sa malawak nilang bakuran. Kilala na ako ng mga guard dahil labas-masok na ako rito simula nu’ng collage pa ako ‘e. Pinagmasdan ko naman ang paligid habang naglalakad na sakto lang ang bilis ng aking paghakbang. Napa-titig ako sa namumulaklak na yellow santan plant sa left side nitong daanan. Naka-tanim ang mga ‘yon sa gilid mula sa gate hanggang sa dulo na rectangular ang ang mga hugis. Mayroon din naman sa kaliwang side pero pink naman ang kulay no’n. Pumapagitna ‘tong brownish rough tiles. Hanggang baywang ko na ang taas ng halamang ‘yon samantalang dati, hanggang tuhod ko pa lang. Natanaw ko naman agad ang malaking layered fountain sa gitna nitong daanaan. Kung ilalarawan, parang cake na may limang andana. Bawat layer ng fountain, doon umaagos ang tubig. Hindi lang ‘yan, may statwa pa sa ibabaw na roon naka-tayo ang bulto ni kupido yata ‘to. May hawak kasi s’yang palaso at pana na parang inaasinta main gate dahil do’n s’ya naka-harap. Lumiko ako na’ng nilagpasan ko na ang fountain dahil paliko rin ‘tong daan ‘e. Umakyat pa ako sa ilang andana ng hagdan para marating ang naka-bukas nilang malaking main door. Huminto muna ako sa bungad ng pintuan na’ng matanaw kong patungo na ang butler sa aking kinaroonan. “Magandang umaga, Miss Yucefina. Kanina pa kayo inaantay ni Senyorita Veranica,” pormal na bati ni Mister Gregor. Dalawang dekada na s’yang naninilbihan sa pamilya Vades. Kaedad siguro ‘to ng Tatay ko. Kilalang-kilala na n’ya ako kaya komportable s'ya sa 'kin. “Nasa swimming pool po ba s’ya ngayon?” magalang kong tanong. “Oo, Miss. Puntahan mo lang si Senyorita roon,” sagot n’ya sa ‘kin na agad akong sumangayon. Nag-paalam na s’yang aakyat sa itaas habang ako naman, pinagpatuloy ko na ang pag-hakbang patungo sa passageway sa gitna nitong ground floor. Pumapagitna iyon sa dalawang hagdan. Nag-lakad lang ako hanggang sa makarating na sa dulo. Pa-slide kong binuksan ang sliding door para masilayan ang pool nila. “Hey gurl! Maghahanap ba ulit tayo ng lalake ha? Huwag ka na’ng malungkot sa pagpapaasa sa ‘yo ni Tyron!” Napa-titig agad ako sa kinaroroonan ng maarteng boses na ‘yon. Nakita ko agad na naka-higa si Veranica sa sun lounger sa dulo ng pool. Sinasabi ko nga bang nag-s-sunbathing ‘tong babaeng ‘to. Tingnan mo naman... may suot pang malapad na sunhat ang gaga tapos naka-sunglasses pa. S’yempre, naka-suot din s’ya ng bikini. Alangan namang mag-p-pajama s’ya habang nagbibilad sa araw. Mamumula lang naman s’ya at hindi iitim. Mestiza ang babaeng ‘to ‘e. Mas maputi pa s’ya kaysa sa ‘kin. “Wala na akong pakealam sa lalakeng binanggit mo ‘no. Burado na ang pagmumukha n’ya sa utak ko,” seryosong usal ko sabay pabagsak na umupo sa malambot na water proof na kutson ng sun lounger. “Binanggit ulit ni Tatay na gusto n’yang magkaroon ng apo. ‘E paano ko naman magagawa ‘yon kung lahat ng lalakeng napupunta sa ‘kin, hindi tumatagal at hindi natutuloy ang panliligaw. ‘Yon pala... naligaw na sa iba,” maktol ko. Umupo s’ya sabay inangat ang sunglasses n’ya at nginisihan ako. “If you want... hahanap ulit ako. Kapag isasama ako ni Daddy sa party, mag-h-hunt ako! For sure... may boys do’n. Alam kong hindi ka sasama kaya ako na lang ang mag-a-ajust para sa ‘yo...” maarteng usal n’ya sabay kinuha ang cellphone na naka-lapag sa gilid n’ya at nag-selfie ang babaita. “Gusto ko na lang magpabuntis kahit wala akong lalake sa buhay. May ipon naman ang Tatay ko tapos may natabi naman akong pera. Alam kong hindi s’ya magagalit kapag wala akong naiharap na Ama sa dinadala ko. Baka tatalon ‘yon sa tuwa ‘pag nalaman n’yang buntis ako. Pero s’yempre... secret lang muna. Isusurpresa ko s’ya,” mahinang usal ko. Naaawa rin kasi ako ng Tatay ko dahil 51 years old na s’ya tapos lagi s’yang mag-isa sa bahay. Araw-araw ko s’yang iniiwan dati pa. S’yempre kung nagaaral, aalis ka talaga. Tapos nu’ng nakapagtapos na ako, umaalis pa rin ako dahil nagtatrabaho. Isa pa... ‘di hamak ang paghihirap ng Tatay ko dahil inalagaan n’ya talaga si Mama nu’ng nagkasakit. Hindi n’ya kami iniwan. Nu’ng namatay ang mama ko, hindi pa rin nag-bago ang pakikitungo n’ya. Minahal n’ya ako na parang sarili n’yang anak. Mabuti na lang, kahit bigo si Mama sa una n’yang pagibig... bawing-bawi naman dahil napakabait ang nakilala n’ya. Siguro mga 4 years old lang ako nu’ng kinasal silang dalawa. Tinanggap ni Tatay si Mama kahit single Mom s’ya. “Nasa right age ka naman gurl kaya support ako riyan. Ninang agad ako sa baby mo,” malumanay n’yang sambit habang nag-s-selfie pa rin. “Oo, nandu’n na nga tayo sa right age pero wala nga akong mahanap na lalake ‘e. Ang dami kasing magaganda rito sa ‘tin kaya ang dami kong kakompetens’ya,” naiinis kong usal na tinawanan lang ako ni Veranica. “Yes... you’re right but I am the prettiest girl here!” sigaw n’ya na napa iling-iling ako. “Pero seryoso na, gurl. Ako ang hahanap para sa ‘yo and of course... you will seach too! Paunahan na lang tayo! Pero malay mo mas worth it pa ‘yong napili ko.” Sumangayon agad ako sa sinabi n’ya. “Ako na lang bahala makipagusap. Bubuntisin lang n’ya ako at wala na s’yang pananagutang responsibilidad. Napapagod na ako makipagdate sa iba’t-ibang lalake na hindi naman pala seryoso. Buntisan na agad para dire-diretso na,” nagmamadaling usal ko. “Ang gagawin... pipiliin ko ‘yong may magandang lahi para sulit naman. Ipapakita ko sa guy ang picture mo para magiging interesado s’ya sa ‘yo,” sabi n’ya habang tutok na tutok sa screen ng kan’yang cellphone. “Anong klaseng picture?” seryosong sambit ko. “Hoy! Baka ‘yong mga stolen shots ko ‘yong ibabalandra mo ha!” sigaw ko sabay sinampal ng mahina ang hita n’yang naka-patong lang sa kutson. “No! Are you crazy?! Bakit ko naman ipapakita ‘yong mga picture mong nag-d-deposit sa inidoro or ‘yong natutulong ka na naka-nganga o ‘di kaya ‘yong nahuli kitang kinakamot ang sarili mong butt!” sigaw n’ya sa maarteng paraan habang naka-ngiwi pa. Sinamaan ko agad s’ya ng tingin. “Burahin mo na nga ‘yan!” singhal ko pero nilabas n’ya lang ang dila n’ya. “Never. Ikaw din naman ah? Kumukuha ka rin ng stolen pictures ko!” pabalik n’yang sigaw na napa-ngisi naman ako ro’n. Tama s’ya, may sarili pa ngang folder ‘tong babae na ‘to sa phone ko na punong-puno ng kalokohan naming dalawa at kabilang na ro’n ang mga stolen shots n’ya. “Remember last month? Nu’ng pumunta tayo sa beach?” Tinanguan ko s’ya ng dalawang beses. “I have a picture here that you’re wearing two piece swimsuit. Ang sexy-sexy mo rito kaya ito ang gagamitin ko.” Gumusot ang mukha ko. “Wala bang mas disente r’yan ha?” Inilingan n’ya ako. “Paano ma-h-horny sa ‘yo ang guy ha? Hayaan mo na ako, basta ako ang bahala!” masiglang sambit n’ya. Hindi naman masama ang kutob ko at may tiwala ako sa babaitang ‘to. “At may isang bagay pa pala akong hihilingin...” seryosong usal ko na tinutok n’ya agad ang atens’yon sa ‘kin na tila naghihintay ng susunod kong sasabihin. “Sana hindi naman malaki ‘yong berdugo. Alam mo na kung ano ‘yon. I am a virgin like you ‘di ba? Sabi nila masakit daw kaya okay lang sa ‘kin ‘yong average size lang,” request ko sa kan’ya sa seryosong paraan. Pero imbes na sagutin, bigla na lang umalingawngaw ang nakakabingi n’yang pag-tawa sa buong pool. “Are you crazy?! At paano ko naman malalaman ‘yo ha?!” singhal n’ya sa ‘kin kaya napa-buntong hininga ako. “Pero sige. Ako na ang gagawa ng paraan. Kabaliktaran nga lang ng gusto mo gurl,” maarteng usal n’ya kaya sinalpukan ko agad s’ya ng magkabilang kilay. “At ano naman ‘yon?” mariing sambit ko. “Pipiliin ko ‘yong mga 10 inches talaga para wasak na wasak ka! Good luck to you, gurl!” Mas lumakas pa ang kan’yang halakhak at nakikita ko na ang ngala-ngala ng gaga. Hinayaan ko s’yang tumawa ng tumawa kahit wala namang nakakatawa sa sinabi n’ya. ‘Pag hindi ko lang ‘to kaibigan, kanina ko pa hinila ang dila nito. “At ikaw, kailan mo balak mag-asawa ha? Hindi ba’t gusto rin ng Daddy mo na maikasal ka? Ilang lalake na ang pinakilala n’ya sa ‘yo pero hindi ka naman interesado.” Kaedad ko lang ang gagang ‘to ‘e. Twenty-five years old rin s’ya pero mas matanda s’ya sa ‘kin ng isang buwan. “Duh! I don’t want to get married! Ini-enjoy ko pa ang pagkadalaga ko ‘no. At least... in this age, birhen pa rin ako. I am just a playgirl but I am not a s-lut kagaya ng mga pinsan ko,” seryosong wika n’ya pero totoo naman. “Love na love ako ni Daddy. Aartehan ko lang ‘yon tapos hindi na natutuloy ang mga balak n’ya,” maarteng sambit pa habang nagtitingin sa screen ng cellphone n’ya. “’Yong Mama mo pala kumusta? Hindi ko na s’ya nakita ilang buwan na ah.” Tumawa s’ya ng pagak sabay pabagsak na sumandal sa sandalan ng sun lounger. “Wala namang ibang ginawa ‘yon kun’di mag-bakas’yon. I am sure, may kasama s’yang lalake ngayon. Sana mag-file na ng divorce si Dad para hindi na magamit ni Mom ang mga pera n’ya. P'wede pa nga s'yang makasuhan.” Biglang sumeryoso ang kan’yang boses sabay binaba ang sunglasses para matakpan ang kan’yang mga mata. Hindi kasi sila close ng Mama n’ya kaya ganito s’ya. Lalakero kasi ‘e at nakita ko nga mismo nu’ng tumambay ako rito. Third year college kami nu’n tapos vacant kaya nag-decide na lang kami ni Veranica na mag-movie marathon sa silid ng Mama n’ya. That time, mas malaki pa ang flat screen T.V do’n kaysa sa k’warto n’ya. So ayun nga... nu’ng may narinig kaming mga yapak na papasok, pinatay agad namin ang T.V tapos nag-tago sa walk in closet pero hindi na namin sinara ng tuluyan ang pinto baka marinig. Laking gulat ko nu’ng sumilip na kaming dalawa. Nahuli naming may kahalikan ang mama n’ya tapos ang worst part pa... Sinubo n’ya ang t*ti ng lalake. Kinikilabutan ako kapag naalala ko ‘yon dahil ang galing ng Mama n’ya ha? Ungol ng ugol ang lalake ‘e. Parang mga nasa under 20s pa lang ang guy. Mas matanda ang Dad ni Veranica sa Mom n’ya. 53 years old na siguro ‘yon ngayon tapos ang asawa n’ya... mga nasa 43 pa lang. Matanda na rin sa edad pero gusto pa rin ng young hot dog. Bata pa tingnan ang Mama n’ya ‘e kaya may asim pa. “Ayaw pa rin ni Dad mag-file dahil hindi n’ya gustong masira ang pamilya namin. Eh sinira na nga ni Mom. Nagpabulagbulagan lang dahil alam kong mahal n’ya pa.” Malaki ang galit nitong babaeng ‘to sa Mom n’ya dahil mahilig nga sa talong. Mabuti na lang hindi minana si Veranica ang ganoong ugali ng Mama n’ya. Malandi lang ‘to at maarte pero nand’yan pa rin ang tinatawag na ‘Limitation’ pati ‘Boundaries’. “Hayaan mo na lang ang Daddy mo. Kung doon s’ya komportable, ‘wag mo na lang pilitin nakipag-divorce sa Mom mo.” Mabilis n’ya akong tinanguan. “Yeah, I didn’t force him anymore. Basta ‘wag lang talaga subukan ni Mom na ipaapak ang kabit n’ya sa bahay namin,” mariing pagbabanta n’ya. “I feel pity for my Dad. Mas’yadong abusado ang Mom ko...” Humina bigla ang kan’yang tono. “Anyway change topic na. Ayaw ko na’ng pagusapan ang old woman na ‘yon.” Nag-bago naman agad ang boses n'ya kaya um-oo na lang ako. "So... Kapag isasama ako ni Daddy sa mga party o events, pagkakataon ko na ‘yon para mag-hanap ng guy for you.” Sumigla na ulit ang kan’yang boses. “Okay sige. Update mo lang ako kapag me’ron na,” paalala ko na mabilis naman s’yang sumangayon. Sa totoo lang, hindi naman ako kinakabahan sa gagawin ko dahil personal ko naman ‘tong desis’yon at sangayon naman si Tatay. Napa-isip tuloy ako kung sino kaya ang lalakeng kukuha ng p-agkababae ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD