TUTOK na tutok ang mga mata ko sa red punching bag habang sinusuntok-suntok ng pasalin-salin gamit ang aking mga kamaong may suot na boxing gloves. Ala sais y media pa lang ng umaga at maaga akong nagpapapawis dito sa balkonahe ng k’warto ko. “Tang ina mo ha! Walang hiya kang lalake ka! Makikipagdate ka sa ‘kin tapos may reserba ka pa pala?! Ginawa mo akong side chick na hayup ka!” mariing usal ko habang pinagsusuntok ng sunod-sunod ang punching bag. Naka-sabit 'to sa kisame na kanina ko pa pinagpapraktisan para mas lalo pang lumakas ang bawat sapak ko.
Ini-imagine kong si Tyron ang binubugbog ko ngayon. Paano ba naman kasi, five days na kaming nag-d-date! Tapos kahapon, last date na araw namin ‘yon dahil ayaw n’ya sa ‘kin? At ang rason... “Porke ayaw kong makipag-holding hands, tututulan mo akong hayp ka?!” nanggigigil kong usal habang tagaktak ang mga pawis ko sa mukha at wala pa rin tigil ang pag-suntok.
Ilang beses na ‘tong nangyari. ‘Yong si Liam, niligaw-ligawan ako nu’ng mga nakaraang buwan lang tapos malaman-laman ko may napili na raw s’ya?! So ibigsabihin, nasa choices ako?! Hindi n’ya raw ako gusto dahil kasing tapang ko raw ang Nanay n’ya. Aba’y nakakapanggigil talaga.
Sa buong buhay ko, hindi man lang ako naka-tikim ng lalake! Puro mga duwag! Takot yata ma-under ko! “Anak! Kain na tayo!” Napa-hinto ako sa sigaw ni Tatay at narinig ko pa ang sunod-sunod n'yang pag-katok sa pintuan ng k’warto ko.
“Opo! Susunod ako!” pabalik kong sigaw habang nahihingal.
“Bilisan mo riyan anak!” Um-oo pa ako at umalis na s’ya ro’n. Binalingan ko ulit ng matalim na tingin ang punching bag sabay inangat ang kaliwang kamao ko at dinapuan ng malakas na suntok. Napa-atras naman agad 'yon dahil sa puwersa ko.
Hinubad ko na ang boxing gloves sabay nag-lakad sa mesa at nilapag doon. Dinampot ko na rin ang white towel na naka-sablay sa sandalan ng upuan. “Sheet... ang init,” mahinang sambit ko sabay unang pinunasan ang mukha pababa sa leeg ko. Sinunod ko naman ang sa tiyan ko dahil may pawis ding tumutulo ro’n at naka-sports bra lang kasi ako ngayon.
Sinablay ko muna ang towel sa kanang balikat ko at nag-lakad patungong k’warto. Tinungo ko muna ang closet cabinet na nasa kaliwang gilid ng kama ko. Kumuha muna ako ng over-sized na t-shirt at sinunot. Naka-walking shorts naman ako kaya no need na palitan. Umalis na ako sa k’warto at sinara ko muna bago bumaba ng hagdan. “Nagugutom na ako ‘Tay. Konti lang kasi ang kinain ko kagabi,” maktol ko na’ng pinasok ko na ang kusina rito sa ground floor namin.
Naabutan kong kumakain na si Tatay kaya dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa umupo na ako sa kan’yang harapan. “Nag-d-diet ka kasi ‘nak. Damihan mo kasi kung ayaw mong magutom,” natatawang saad ng Tatay ko. Kinapitan ko na ang kutsara at kumuha ng sinangag na naka-lagay sa malapad na pinggan.
“Hindi naman p’wedeng ganu’n. Malakas na nga ako kumain tuwing agahan pati tanghalian tapos isasabay ko pa ang hapunan?” magalang na tugon ko sa kan’ya na’ng nilagyan ko na rin ng isang hiwang fried chicken ang plato ko.
“Ayaw mo ‘non, ‘Nak? Magkasing taba na tayo?” pagbibiro n’ya sabay humalaklak kaya natawa na lang din ako. Ganito kami ng Tatay ko, close na close kami sa isa’t-isa. Ang pangalan n’ya, Fernando Glamora. Ako naman si Yucefina Glamora, ang maangas n’yang anak.
Ang totoo... stepfather ko s’ya. Tinakwil kasi kaming dalawa ni Mama ng tunay kong ama kahit nasa sinapupunan pa lang n'ya ako.
Nag-asawa ulit ang Mama ko at ikinasal sila ng Tatay ko. ‘Yon nga lang, iniwan n’ya rin kami ng maaga pero kahit ganu’n... inalagaan pa rin ako ng mabuti ni Tatay kagaya ng pagaalaga n’ya sa ‘kin dati. S’ya na ang tumayong Ama at Ina kaya mahal na mahal ko ‘to. “’Tay, bukas na lang tayo magbabayad ng upa. Bukas pa ang sahod namin.”
Nagtatrabaho ako sa isang malaking mall dito sa syudad namin bilang cashier. Malaki naman ang sahod kaya kasyang-kasya sa pang araw-araw namin ang 17 thousand.
“’Nak, kailan ka ba magaasawa? Bente singko anyos ka na, baka masubukan mong mag-landi minsan.” Inangat ko ng ng tingin si Tatay sabay napa-kamot ng marahas sa likod ng ulo ko.
“Ayan ka na naman, ‘tay. Alam mo namang nakikipaglandian din ako pero walang pumapatol sa ‘kin. Imbes na ma-inlove... natatakot sila. Anong magagawa ko kung ganito ako. Hindi ko naman keri na magpanggap na mabait tapos mala-dragon pala ang ugali,” sagot ko sa kan’ya at tumang-tango s’ya habang nanguya.
“Tumatanda na ang Tatay, ‘nak. Gusto ko magkaroon ng apo bago pa ako mamatay. Ikaw ang bahala kung kailan ka magaasawa ‘nak pero huwag mo na’ng patagalin. Ako ang bahala sa kasal kung kinakailangan. Kung gusto mo naman ‘yong lalakeng napili mo at kapag na-develop na kayo isa’t-isa... kasalan na agad. Hindi natin alam ang takbo ng panahon, gusto ko pang makasama ang mga apo ko ‘nak kaya mag-boyfriend ka na. Puwede mo namang bawasan ang pagiging matapang ‘di ba ‘nak?” mahabang sambit n’ya na ako naman ‘tong napa-tango.
“Binabawas-bawasan ko naman ‘tay ‘e... pero ayaw talaga nila sa ‘kin. Siguro ang pangit ko kaya ganu’n,” mahinang usal ko sabay napa-titig na lang sa plato at kumain ng malaking subo.
Ilang beses na akong kinumbinsi ni Tatay na mag-asawa na raw ako. pero wala akong makita. Hindi naman ganu’n kadali. Iniisip ko ngang magpabuntis na lang at ako na lang ‘yong magaalaga dahil konti na lang, over age na ako.
Napapagod na akong makipag-entertain sa mga lalake. Buntisan na agad para mabilis!
“Ang ganda-ganda mo ‘nak. Singkit ang mga mata mo, maputi ka naman at balangkinitan ang katawan. Malaki lang ng konti ang braso mo pero asset mo ‘yan! May iba’t-ibang depinis’yon ang kagandahan!” pagmomotivate ng tatay ko at kaagad ko s’yang binalingan ng tingin sabay tinaasan ng kaliwang kilay.
Nginisihan ko pa s’ya. “Maganda ako kasi malaki ang braso ko?” sarkastikong usal ko na ikinatikhim n’ya ng pilit kaya napa-iling ako. “Baka pangit talaga ako ‘tay...” mahinang usal ko pero gumusot ang mukha ko na’ng bigla s’yang tumango.
“Pangit lang ang ugali mo minsan ‘nak,” natatawang saad ng tatay ko na kinagat ko agad ang ibabang parte ng labi ko para maiwasan ding matawa.
Itong tatay ko talaga... oo!