LEVI POV
NAGPASYA na rin kaming umalis sa Police Station. Buhat—buhat ko pa rin si Lauren papunta sa SUV ko.
“Daddy, please, search for ate Calil, ha?” sabi ni Lauren nang makapasok na muli kami sa sasakyan.
Naupo ako sa gitna nilang dalawa habang si Dino ay pumunta na sa driverʼs seat.
“Yes, daddy! Sheʼs great girl! We want to thank her—”
“Not thanks her, Cameron! We want us her to be our mom, right?”
Napapikit ako nang marinig ang matinis na boses ni Lauren at tinignan si Cameron.
“I know... But, first, we need to thanks her first then, after that we can ask her if she wants to be our mom, Lauren,” kalmado na sabi ni Cameron.
“Hmmp! I want her to be our mom!”
Nakita ko ang pagtingin ni Dino sa akin na gustong—gusto ang nangyayari ngayon.
Bibigyan ko siya aking maraming trabaho starting tomorrow.
Ipaalala ninyo sa akin, ha?
Hinaplos ko na lamang ang buhok ni Lauren na sobrang tigas. Kailangan ng pamper ng anak kong babae.
“Iʼm sorry... Daddy is sorry.” mahinang bulong ko sa kanilang dalawa.
Napatingin silang dalawa sa akin. “Daddy, donʼt say sorry po. Hindi naman ikaw ang may fault... Iyong bad guys. If hindi nila kami akuha... Hindi kami awala sa iyo, daddy.” mahinang sabi ni Cameron at pinalupot ang kanyang maliit na kamay sa aking braso.
Heʼs my junior.
“Iʼm sorry I wasnʼt able to protect you,”
Lalong humigpit ang pagkakayakap nilang dalawa sa akin.
“Itʼs okay, daddy. Love—love ka pa rin namin ni Cameron!” malakas na sabi Lauren sa akin at hinaplos ang aking mukha.
“Yes, Cameron and Lauren. Gagawin ang lahat ni daddy para mapakulong ang mga bad guys na kumuha sa inyo... Sa ngayon, pumunta na muna tayo sa hospital para ipa—check ka, okay?” sabi ko sa kanilang dalawa.
Nakita ko ang pagtango nilang dalawa. “Okay po, daddy!” malakas na sabi ni Lauren.
Kailangan ko talaga silang ipa—check para makasigurado ako sa kanilang kalusugan.
Huminto na rin ang sasakyan sa tapat ng Lazaro Hospital. Nagpasya akong dalhin agad silang dalawa sa hospital para ipa—check if may problema sa kanilang kalusugan lalo naʼt ilang araw rin silang walang tamang pagkain.
“Daddy, doctor kasi ilang days kami awala?” malumanay na tanong ni Lauren habang buhat—buhat ko pa rin siya ngayon.
“Yes, Lauren. Kailangan ninyong i—check ng personal doctor natin para we can assure na safe and okay lang kayong dalawa ni Cameron. Do you understand?”
Tumango siya sa akin. “Of course, I am, daddy!” malakas niyang sabi at kumapit sa aking kamay.
Nang makarating kami sa pediatrician room ay naghintay lang kami roon hanggang sinalubong na kami ng family doctor namin.
Hindi na siya nagtanong pa at agad na isinailalim sina Cameron and Lauren sa ibaʼt ibang laboratory test.
Nasa tabi lamang nila ako habang kinukuhanan sila ng dugo at kung ano—ano pa ang ginagawa nila sa kanila.
“Sir Parker, maghintay na lang muna kayo at tatawagin muli kayo para sa result,” sabi ng nurse kaya tumango ako sa kanya at naghintay lang kami rito sa labas ng kanyang office room.
Halos dalawang oras ang lumipas bago lumabas ang results nilang dalawa. Kaya pumasok muli kami sa loob ng family doctor namin.
“Mr. Parker.”
Napatingin ako sa kanya. “How are they?” I asked him.
Nakita ko ang pagbanat ng kanyang labi sa akin. “Good news, Mr. Parker. Wala silang serious injuries,” nakangiting sabi niya sa akin .
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang tungkol doon.
“But...” Biglang kumunot ang aking noo. “Malnourished silang dalawa.” dagdag na sabi ko.
Tinignan ko sina Cameron and Lauren. “Bumaba ang timbang nilang dalawa dahil kulang sila sa pagkain nitong mga nakaraang araw.”
Hindi ko napigilang maikuyom ang aking kamay nang marinig ko iyon. Nang marinig ko iyon ay muling bumalik ang galit sa akin lalo na sa mga taong dumukot kina Cameron and Lauren.
“Weʼll take care of them.”
Tumango ang doctor sa akin. “Proper food, vitamins, at pahinga lang ang kailangan ng kambal.”
Tumango—tango ako sa kanyang sinabi at binigay na sa akin ang reseta na bibilhin. Halos puro vitamins ang nandoon at gatas na ni—recommend niya.
“Bibilhin namin ang mga nakasulat dito,” sabi ko sa kanya at binigay kay Dino ang reseta.
Lumabas na rin kami sa office room niya. Hinawakan ko muli silang dalawa at hinintay si Dino para bilhin ang vitamins na nandoon.
Hindi lamang iyon dahil habang hinihintay namin siya ay dinala ko naman sina Cameron and Lauren sa private room ng hospital na ito para paliguan naman sila lalo naʼt hindi pa sila nakakaligo.
“Gusto ninyo bang maligo, Cameron and Lauren?” I asked them.
“Can we, daddy? Itʼs itchy despite nag—change na kami clothes ni Cameron. Can we take a bath po?” tanong ni Lauren sa akin.
Tinignan ko siya at tumàngo ako. “Of course, you can. Come on? Maliligo na kayo. May binili pa si Dino ng clothes para sa inyo.”
Nakita ko ang malaking ngiti sa kanilang labi. “Okay, daddy!” sabay nilang sabi.
Hindi rin naman nagtagal ay nakaligo na rin sina Cameron and Lauren. Pinalitan ko na silang dalawa ng komportable nilang damit.
Nang makita ko muli na malinis sina Cameron and Lauren ay hindi ko napigilang mapangiti nang malaki sa kanilang dalawa.
Pakiramdam ko ay unti—unti nang bumabalik sang kulay ng aking mundo.
“Daddy, look!”
Napatingin ako Lauren at bigla na lang siya umikot sa harapan ko habang ipinapakita ang pink niyang dress.
Napangiti ako sa kanya. “My princess looks beautiful.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“Daddy, tignan mo rin po ako!”
Napalingon naman ako kay Cameron na masayang tumatalon habang suot ang bago niyang polo shirt.
“And my prince looks handsome.”
Nakita ko ang pag—giggles nilang dalawa.
“Weʼll know, daddy!” malakas at sabay nilang sabi.
~~°°~~
Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa paboritong restaurant nina Cameron and Lauren. Pumasok kami sa loob at umorder na rin kami, hinayaan ko silang pumili ng pagkaing gusto nila.
Halos mapuno ang mesa ng ibaʼt ibang pagkain na kanilang inorder, may pizza, fried chicken, pasta, steak, soup, and fresh juice.
“Daddy, so much food! Namiss po namin ito!” malakas na sabi ni Lauren.
Nilagyan ko ng pasta ang kanyang plate. “Really? Kumain lang kayo kumain, ha? Ubusin ninyo ang lahat ng ito, okay? Para sa inyo ang mga ʼto,” sabi ko sa kanya.
“Okay, daddy! Thanks po. Paniguradong mabubusog kami ni Lauren. Namiss talaga namin ito!”
Maging si Cameron ay nilagyan ko na rin ng pasta ang kanyang plate.
Napangiti ako habang tahimik ko silang pinapanood na masayang kumakain.
“Thanks, God... Nakakain na ulit sila nang maayos.”
Pagsapit ng gabi, nakarating na rin kami sa aming bahay. Bumaba na kami sa SUV at kita sa masayang mukha nila na namiss nila ang aming bahay.
“Welcome back, Young Master Cameron and Young Miss Lauren!”
Nagulat kami nang marinig ang boses ng ibang kasambahay namin. May iilang sa kanilang umiyak nang yakapin sila nina Lauren and Cameron.
Masaya ang lahat sa pagbabalik nila kaya bago pa lumalim ang gabi ay pinagpahinga ko na sila.
Paniguradong pagod na pagod na sina Cameron and Lauren. Kaya hinatid ko na silang dalawa sa kanilang kʼwarto. Pinahiga ko na silang dalawa at tinakpan ng kumot.
“Sleep well.” sabi ko sa kanila.
Paalis na sana ako nang hawakan ni Cameron ang aking kamay.
“Daddy...”
Napalingon ako sa kanya. “Hmm?”
“Huwag mong kalimutan si ate Calil, ha?” sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanila. “I wonʼt.”
“Daddy!”
Narinig ko naman ang boses ni Lauren.
“Yes, Princess?”
“Hahanapin mo siya, right?”
Tumango ako sa kanyang tanong. “Yes, I promise.”
Nakita ko ang masayang ngiti nina Cameron and Lauren.
“Daddy... Kapag nakita mo si ate Calil... Gusto naming maging mommy namin siya!”
Napahinto ako sa gulat nang marinig ang sinabi ni Cameron.
Napatigil ako sa kanyang sinabi. “M—mommy?”
Tumango ang kambal sa akin. “Yes!” sabay nilang sabi sa akin.
“She protected us.”
“She gave us candies and biscuits.”
“She held our hands kahit marumi.”
“Sheʼs kind.”
“Sheʼs pretty.”
“Sheʼs warm.”
“We want her to become our mommy!” sabay na naman nilang sabi pagkatapos nilang isa—isa nagsalita.
Tahimik akong napangiti habang hinahaplos ang buhok nina Cameron and Lauren.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magugulat dahil sa kanilang sinasabi.
Hindi ko pa nakikita at nakikila ang babaeng iyon... Ngunit nakuha na niya agad ang tiwala at pagmamahal ng pinaka—mahalagang tao sa buhay ko.
“Who are you?”
Iyon ang tanong sa isipan ko.
“At bakit pakiramdam ko... Hindi aksidente ang pagkikita ninyo ng mga anak ko?”