CHAPTER 10

1377 Words
LILAC POV PAGOD na pagod na akong umuwi sa bahay namin nang matapos ang maghapong puno ng aming examination at isama pa ang hindi inaasahang pangyayari kanina. Alam mo iyong sobrang unexpected talaga na ako ang makakita at makasagip sa kambal na anak ng Parker. Iyong feeling na late ka na sa examination mo pero may mangyayari pa pala na hindi mo inaasahan. Hindi ko tuloy alam kung good news ba iyon for me, or not. Kasi kung hindi ko ba sila tinulungan, papayagan kaya akong mag—exam pa rin ng Professor namin? Hindi ko talaga alam. Binuksan ko na ang main door namin at bumungad sa akin si Papa na nakaupo sa sofa namin at nanonood. Nangunot ang noo ko nang makitang ang aga niyang umuwi. “Ang aga mong umuwi, Pa?” takang tanong ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. “Naalala kong laban pala ng paborito kong team sa PBA kaya maaga akong umuwi. Hindi lang iyon sobrang traffic din sa buong Manila kaya nagpasya na akong umuwi.” Nakita ko ang masayang mukha ni Papa. Kahit traffic ay masaya pa rin siya. “Kaunti lang din pumasok na booking sa akin. Kaya nagpasya na talaga akong umuwi,” dagdag na sabi ni Papa sa akin. “Ganoʼn po ba, Pa?” Tumango siya sa sinabi ko. “Oo nga pala, Lilac. Kumusta? Hindi ka ba na—late? Mahaba—haba rin ang tinakbo mo kanina, ʼdi ba, anak?” tanong ni Papa. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Ang traffic. Ang food pushcart. Ang kambal na Parker. Ang Police Station. At ang examination. Hindi ko napigilang kagatin ang ibabang labi ko. “Sasabihin ko ba ang totoo kay Papa?” tanong ko sa aking isipan. Pero agad kong naisip si Papa. Kapag nalaman niyang nakipag—usap ako sa dalawang estrangherong bata at nagpunta pa sa Police Station mag—isa... Paniguradong mag—aalala siya sa akin. “Anak, narinig mo ba ang tanong ko sa iyo?” Muli akong napatingin kay Papa nang magtanong muli siya sa akin. “Ah, opo, Papa. Narinig po kita,” mabilis na sabi ko sa kanya. “Na—late ka ba?” tanong niya muli habang nakatingin sa akin. Nakatingin lang din ako sa kanya. “Um, h—hindi naman po, Papa. Hindi po ako na—late,” sabi ko sa kanya. I lied to him. Ayoko naman kasing mag—alala siya sa akin. “Buti naman kung ganoʼn, Lilac. Akala ko ay na—late ka.” Nakita ko ang pagngiti ni Papa sa akin. “Sabi ko na nga ba. Akala ko ay hindi mo naabutan ang exam mo dahil wala talagang usad ang traffic kanina... Nang bumaba ka ay dumaa na ako sa isang eskinita para bumalik... Wala talagang galawan.” mahabang sabi niya sa akin. “Hindi naman po, Papa.” Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko habang gumagalaw ang aking mga daliri. “Sige, pumasok ka na. Umakyat kaa na sa kʼwarto mo at magpalit ng damit. Magpahinga ka na muna before tayo kumain ng hapunan. Naghahanda na rin ng dinner ang mama mo,” sabi ni Papa sa akin. “Okay po,” sagot ko at lumakad na ako papunta sa kʼwarto ko. Napasandal na lang ako sa pinto ko nang maisarado ko na iyon. Nawala na gaano ang kabang nararamdaman ko habang kausap ko si Papa kanina. “Sorry, Pa... Ayokong mag—alala ka lang sa akin,” bulong ko sa aking sarili. Nagpalit na ako ng aking damit at nang pagkatapos ay nahiga na ako sa kama dahil sa daming nangyari ngayong araw. Hindi ko na ma—digest lahat—lahat ng nangyayari. Sobrang nakaka—overwhelmed ang nangyari sa akin ngayong araw. “Ah! Totoo bang tayo ang nakahanap sa kambal na anak ni Mr. Parker, Lilac?” tanong ko sa aking sarili habang hindi pa rin makapaniwala. “Alam mo iyong feeling na... Late na ako... Then, biglang nagkaroon ng plot twist si God. Siguro iyon ang plano ni God sa akin kanina... Na ma—late ako dahil ako ang makakahanap sa kambal na iyon. Hindi ko alam pero I feel relieve kasi safe na sila and they are nice kahit na galing sila sa mayaman na angkan. Cameron and Lauren, right?” Hindi ko na napigilang mapangiti nang malaki. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko na napigilan ang antok na nararamdaman ko “Lilac, anak, gumising ka na?” Nakaramdam ako ng pagtapik sa akin ng braso. “Lilac, gumising ka na. Luto na ang hapunan natin.” Doon ay narinig ko ang boses ni Mama kaya napadilat na ako, nakita ko si Mama na nakatingin sa akin. Napahikab ako at napaunat ng aking braso. “Mama...” mahinang sabi ko sa kanya. Ngarag ang aking boses nang bumangon ako sa kama. Hindi lamang iyon dahil magulo rin ang aking buhok. “Bumangon ka na, Lilac. Kakain na. Magmumog ka na dʼyan,” sabi pa ni Mama sa akin kaya tumango ako. Nakita kong lumabas na siya sa kʼwarto ko kaya ako ay bumaba na sa kama habang kakamot—kamot sa aking buhok. Inayos ko muna ang buhok ko hanggang lumabas na ako sa kʼwarto at lumakad papunta sa banyo namin dito para makapagmumog at makapag—hilamos. Nang matapos ay bumaba na rin ako, doon ay naamoy ko ang mabangong amoy. “Nandito pala ang isang dalaga natin, mahal!” Narinig ko ang malakas na boses ni Papa at nakita ko roon na nakaupo na siya sa table. Naupo na rin ako sa tabi niya at nakita kong nandoon na ang pagkain na niluto ni Mama. Ilang minuto ang lumipas ay tahimik kaming kumakain ng aming hapunan, isama pang sobrang lakas ng ulan mula sa labas. Sana walang pasok. Pero naalala kong college student pala ako. Nakatingin ako sa pagkain namin, simpleng lang ito, adobong manok, ginisang gulay at mainit na kanin. Hindi pʼwedeng walang gulay sa lamesa namin. Kumakain kami habang naka—on ang television sa sala na kita hanggang din sa pʼwesto namin. Biglang lumabas ang pamilyar na mukha ng news anchor, sikat ang isang ito. “Breaking News!” Bumalik na lamang ako sa pagkain ko dahil nagugutom na rin ako at gusto ko ng magpahinga. “Masayang ibinabalita ng Parker family na...” Nawala ang tingin ko sa plato at nalipat sa television nang marinig ko iyon. Doon ay nakita ko ang larawan nina Cameron and Lauren na naka—flash sa television. Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki. “Safe na sila.” kausap ko sa aming sarili. “...ligtas nang natagpuan ang kambal na sina Cameron and Lauren Parker matapos ang ilang araw ng pagkawala nila.” Kasunod nuʼn ay ipinakita sa television ang footage ni Mr. Levi Parker habang yakap ang kambal sa harap ng police station. Tahimik lamang akong nanonood habang mahigpit ang hawak sa kutsaraʼt tinidor. Kita ko sa television na halatang umiiyak si Mr. Parker habang yakap—yakap niya ang kambal niyang anak. Hindi ko na napigilang mapangiti nang malaki. “Iʼm glad theyʼre finally home.” Muli na akong kumain, kahit anong nangyari pala kanina ay nawala na iyon sa akin dahil nagkaroon ng magandang nangyari. “Ayon sa impormasyon, isang college student mula sa Maravilla University ang nakakita sa kambal at nagdala sa kanila sa Pureza Police Station...” Nabitawan ko ang aking kubyertos nang marinig ko ang balita. “Isang college student pa pala ang nakakita sa kambal... Anak, taga—campus ninyo pa.” Napatingin ako kay Papa nang marinig ang kanyang sinabi. “Kilala mo ba, anak? Swerte naman niya pero bakit ayaw niyang kunin ang rewards?” Si Mama ang nagsalita. “Siguro, mahal... Gusto niya lang talaga tumulong at wala na sa kanya ang rewards na iyon,” sabi ni Papa. “Sa ngayon ay patuloy siyang hinahanap ng Parker Family upang personal na pasalamatan at ibigay ang ipinangakong malaking reward.” Lagot talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD