LILAC POV
“SA NGAYON ay patuloy siyang hinahanap ng Parker Family upang personal na pasalamatan at ibigay ang ipinangakong malaking reward.”
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon. “A—ano?” malakas na sabi ko na siyang pagtingin nina Mama at Papa sa akin.
“Anong nangyari sa iyo, anak?”
Umawang ang aking labi. “Ah, w—wala po, Mama. Nabigla lang po ako kasi... Ang sarap ng pagkain na niluto po ninyo,” sabi ko sa kanila at muling kumain.
“Ikaw talaga... Binobola mo naman ako. May pupunta na naman kayo nina Zephanie and Umara, ano? Kaya kailangan mo ng allowance na naman?”
Tinignan ko siya at napatingin sa kabila. “Wala pa naman po. At saka, minsan ay libre naman po nina Zephanie or Umara iyon kapag aalis kami,” sagot ko sa kanya.
“Oo nga naman... Ang babait naman kasi ang dalawang iyon. Mabuti na lang talaga ay magkakakilala na kayo simula noong high school.”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Mama.
“Totoo iyan, mahal. Kaya si Jackson ay pinapa—partner niya ako sa isang negosyo nila pero nakakahiya naman. Kaya tinanggihan ko, sabi ko kapag lumago ang grocery natin,” natatawang sabi ni Papa kaya mahina na rin akong tumawa.
Mabait naman kasi si uncle Jackson, iyon lang ay wala siyang time for Zephanie.
Anyway, balik tayo sa balita...
Naku, kahit huwag na.
Huwag na nila ako hanapin pa.
Napatingin na naman ako sa television, nandoon po rin ang balita tungkol doon.
“Hinahanap talaga nila ako?”
Bigla kong naalala ang nangyari sa police station kanina.
“Hindi ko naman sinabi ang pangalan ko... Calil ang binanggit kong name... Tama ba ako?” kausap ko sa aking sarili.
“Ayon sa kambal na Parker ay sinabi ng isang college student ang kanyang pangalan...”
Napahinto na naman ako sa paghinga nang marinig ko na naman boses ng newscaster.
Unti—unti kong inangat ang aking tingin at doon ay nakita ko pa rin ang tungkol sa Parker twins na nasagip ko.
Sinabi ko ba ang totoong pangalan ko?
Alam ko ay Calil ang sinabi ko.
“... Ang pangalan ng sumagip sa kambal na Parker ay isang nagngangalang Calil.”
Nagkaroon ng dead air sa aking isipan nang marinig ko iyon.
Calil nga ang nasabi ko.
Thanks, God.
Iyon ang binanggit ko at hindi kong totoong pangalan.
Napabuntong—hininga ako. “Mabuti na lang... Calil ang pangalan ko sa kambal.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matutuwa dahil sa nalaman ko.
“Calil?”
My heart skip nang marinig ko ang boses ni Papa kaya napatingin ako sa kanya.
“Ang gandang pangalan, ha?”
Napabuga ako nang mahina nang iyon lang pala ang sasabihin niya, akala ko ay sounds like my name.
Hindi ko napigilang mapangiti dahil kahit hanapin nila ang Calil na pangalan, hindi nila malalaman na ako iyon.
Kung may pangalan man na Calil na nag—aaral ngayon sa Maravilla University, sorry sa kanya.
Napahawak ako sa aking puso. “Nakahinga rin ako nang maluwag.” Humihinga ako nang maluwag.
Pero ang isang kinatatakutan ko ay sina Zephanie and Umara, baka magsalita sila... Maging ang Professor namin.
Sana hindi sila magsalita.
Kasi naman ay hindi ko kailangan ng reward.
Masaya na akong nailigtas ko ang kambal niyang anak.
Kaya huwag na niya ako hanapin, pakiusap.
Natapos na rin ang balita about sa Parker Twins kaya nawala na ang kabang nararamdaman ko.
“Ma, Pa, babalik na po ako sa kʼwarto ko,” sabi ko sa kanila at kinuha ang pinagkainan ko.
“Sige, Nak! Paniguradong pagod ka... Nakatulog ka nga.”
Ngumiti na lamang ako sa sinabi ni Papa at mabilis na dinala sa lababo ang aking pinagkainan.
Palabas na sana ako nang marinig ko ang boses ni Mama.
“Alam mo, Belson...”
Napahinto ako at napalingon ako kina Mama at Papa na nakaupo pa rin sa dining table namin.
“Napaka—swerte naman ng babaeng nakahanap sa kambal na Parker, ano?”
Napalunok ako sa sinabi ni Mama.
“Oo, mahal. Paniguradong napaka—swerte niya. Hindi lang siya dahil maging ang kambal na Parker dahil siya ang nakakita sa kanila at ligtas na rin sila ngayon.”
Tumango—tango ako sa sinabi ni Papa.
“Magkano kaya ang rewards na ibibigay ni Mr. Parker, mahal?”
Hindi ako maka—akyat sa kʼwarto ko dahil gusto kong marinig ang pinag—uusapan nilang dalawa.
“Siguradong milyon ang reward na ibibigay sa kanya.”
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon.
“Hindi lang reward,” dagdag pang sabi ni Mama. “Baka habang buhay nang magbago ang buhay ng babaeng iyon.”
Napalunok ako sa kanyang sinabi.
“M—Milyon?”
Totoo ba ang sinabi ni Mama.
“Hindi biro ang yaman ng Parker Family.” Narinig ko ang boses ni Papa. “Kung ano ang nakahanap sa dalawang bata na iyon, baka hindi na tayo mamoblema pa sa gasto.” dagdag na sabi ni Papa.
Nakarinig ako ng tawa nang malakas.
“Ikaw talaga, Belson.”
Tahimik pa rin akong nakatayo rito sa unang hamba ng hagdan namin. Pero, ramdam kong unti—unti nang bumibilis ang t***k ng puso ko.
“Sana... Saka hindi nila ako mahanap,” mahinang sabi ko.
Mabilis akong umakyat sa kʼwarto ko. Ni—lock ko ang pinto habang nararamdaman ko na naman ang kaba sa puso ko.
Milyo ba talaga ang rewards ni Mr. Parker?
Huwag naman sana.
Napaupo ako sa kama at kinuha ang phone ko, mabuti na lang ay wala pa akong nare—receive mula kina Umara and Zephanie, paniguradong busy na naman sila sa boyfriend and brother in law.
Napahiga na lang ako sa kama habang iniisip ang nangyari kanina.
Gusto ko lang naman tumulong... Kaya sana huwag ninyo na akong hanapin.
Pero, gwapo rin pala ni Mr. Parker, ha?
Ganoʼn ang ideal man ko—
Napailing ako sa aking iniisip. “Ano ba itong pinag—iisip natin, Lilac?” kausap ko sa aking sarili.
Tinapik—tapik ko ang aking magkabilang pisngi ko dahil kung ano—ano ang iniisip ko ngayon.
“Pero, gwapo naman talaga siya...” Inalis ko ang aking unan sa mukha ko. “Hindi ko maitatanggi iyon. Gwapo talaga si Mr. Parker. May lahi siguro sila, ano? Kasi sina Cameron and Lauren ay sobrang ganda and gwapo rin nila. Mukha silang mestiza.”
Napabaling ako sa kabilang side at naisip kong huwag na alalahanin ang pinagsasabi ko.
Paniguradong hindi naman kami maglalandas ang aming tadhana.
Dahil sure aking hindi niya ako makikita.
Tumango—tango ako sa aking sarili at winala na iyon sa aking isipan.
Hindi ako makikita ni Mr. Parker... Kung walang magsusumbong.