LEVI POV
TAHIMIK kong isinara ang pinto ng kʼwarto nina Cameron and Lauren nang makita kong mahimbing na silang natutulog.
Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki dahil sa pagkakataon na ito. Nakita ko na muli ang mga anak kong mahimbing na natutulog.
Kanina ko pa sila kinuwentuhan ng bedtime story hanggang sa tuluyan silang nakatulog. Ilang beses ko pang hinaplos ang kanilang buhok bago pa ako tuluyang lumabas.
Pagkalabas ko sa kanilang room, nakita kong naghihintay si Dino sa hallway. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo nang tuwid.
“Sir Levi.”
Napatingin ako sa kanya. “May update na ba, Dino?” tanong ko sa kanya.
Tumango sa akin si Dino. “Yes, Sir Levi.” Tinignan ko lamang siya. “Nabalita na sa buong Philippines na ligtas nang nahanap sina Cameron and Lauren.” sabi niya sa akin.
Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ni Dino sa akin.
“At ayon din sa balita, patuloy na hinahanap ng media at ng police ang college student na mula sa Maravilla University na tumulong kina Young Master Cameron and Young Miss Lauren,” dagdag pa niyang sabi sa akin.
Napabuntong—hininga ako sa kanyang sinabi. “I expected that,” sabi ko sa kanya.
Alam ko namang mangyayari iyon.
“Sir Levi... I have a bad news for you.”
Napatingin ako sa kanya. “What it is?”
Nakita ko ang seryosong mukha ni Dino. “Hindi pa rin po natin alam ang tunay na identity ng babaeng tumulong kina Young Master Cameron and Young Miss Lauren,” sabi niya sa akin.
Napahinto ako sa kanyang sinabi. Ilang segundo muna akong nag—isip bago nagsalita.
“Dino.”
“Yes, Sir Levi?”
Tinignan ko siya. “Gusto kong makuha ang lahat ng CCTV footage sa paligid ng Pureza at sa mismong police station,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko kung paano namilog ang kanyang mga mata. “CCTV, Sir Levi?” naniniguradong tanong niya sa akin.
“Yes, it is, Dino. Get the copies of CCTV footage.”
Seryoso ako.
Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon.
“Noted, Sir Levi.”
“Simula mo sa mga kalsadang malapit sa food pushcart kung saan nakita sina Cameron and Lauren,” sabi ko sa kanya. “Pagkatapos ay sundan ninyo ang ruta papunta sa police station... Paniguradong makikita sila sa CCTV kung mayroʼn man doon.” Tinignan ko siya. “Hanapin ninyo ang babaeng nagdala sa kanila.” pagtatapos na sabi ko.
Tumango—tango si Dino sa akin. “Okay, Sir Levi. Iʼll coordinate with the police immediately para makakuha agad ng copy ng mga CCTV,” sagot niya sa akin.
“Good.” Tinignan ko siya. “Huwag kayong titigil hanggaʼt hindi natin siya nakikita,” sabi ko.
“Yes, Sir Levi!” sagot niya sa akin at bahagyang yumuko siya sa akin bago umalis upang gawin ang utos ko sa kanya.
Akita kong bumaba na siya at ako ay naiwan na rito na mag—isa sa harap ng pinto ng kʼwarto ng kambal.
“Iʼ find you...” bulong ko sa aking isipan. “I owe you more than a simple thank you.”
Napahagod ako sa aking buhok. “Hindi lang iyon... Gusto rin kitang makilala dahil sa sinasabi nina Cameron and Lauren about you.”
Iyon talaga ang dahilan kaya gusto ko siyang makita at makilala rin.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok ako sa aking kʼwarto. Binuksan ko ang ilaw at napansin ko ang magulong kʼwarto ko.
May mga damit na basta na lang naitapon sa sofa na mayroʼn ako rito.
May mga dokumentong nakakalat sa mesa.
Hindi ko na kasi maasikaso ang sarili ko nang simula mawala ang kambal sa akin.
Huminga akong malalim habang nakatingin sa magulong kʼwarto ko.
Bukas na bukas ay magpapalinis ako sa mga kasambahay namin.
Sa ngayon ay kukunin ko mamaya ang mga damit na nakakalat.
Tahimik na muna akong nagtungo sa bathroom, naghubad na ako at saka binuksan ang shower. Bumuhos ang malamig na tubig sa aking katawan.
Napapikit ako.
Pakiramdam ko ay ngayon lamang muli ako nakahinga nang maluwag.
Ilang araw na akong halos walang tamang pagtulog.
Wala ring maayos na kain. Pati nga pagligo ay hindi ko magawang bigyan ng oras.
Ang nasa isip ko lamang ay sina Cameron and Lauren, tanging sila lamang.
Habang umaagos ang tubig na mula sa shower sa aking mukha, naalala ko ang sandaling muli kong nayakap sina Cameron ang Lauren.
“Theyʼre finally home...”
Napahawak ako sa tiles ng bathroom habang patuloy ang pag—agos ng tubig sa mukha ko.
“F**k!” madiin na sabi ko habang hindi maisip na naranasan ko iyon.
Nagmadali na akong maligo para makapagpahinga na rin ako. Kailangan ko na rin ng pahinga.
Pagkatapos kong maligo, nagsuot na ako ng simpleng gray pajama at tanging white shirt sa pang—itaas.
Lumakad ako palabas ng walk—in closet at nahiga sa aking king—sized bed.
Pagod na pagod ang buong katawan ko.
Ipinikit ko pa lamang ang mga mata ko at baka ko na sana matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko ang aking phone and nakita ko roon ang name ni dad.
Dad Calling...
Paniguradong nalaman na rin niyang nahanap na ang kanyang mga apo.
Agad kong sinagot iyon.
“Hello, dad?”
I heard something sa kabilang linya.
“Levi.”
Finally, nagsalita na rin siya.
“Totoo ba ang balita? Nakita na ba talaga sina Cameron and Lauren?” tanong niya sa akin.
Sina dad and mom ay nasa Canada ngayon, doon sila naka—stay ang doing our company there.
“Yes, Dad.” Napangiti ako. “Ligtas na sila.” dagdag na sabi ko.
Narinig ko ang malalim na buntong—hininga ni dad sa kabilang linya.
“Thank God!” Iyon ang narinig mo mula sa kanya. “Akala ko...”
Hindk na niya na ituloy ang kanyang sasabihin.
“I know, dad,” mahina kong sagot sa kanya. “Huwag na kayong mag—aalala... Okay na sila ngayon.”
“Napa—check mo na ba sila? Anong nangyari sa health nila?”
“Yes, na—check na rin sila sa Lazaro Hospital. Malnourishedlang, pero wala naming serious injuries,” sagot ko muli.
“Thatʼs good.”
Hindi na ako tumango sa kanyang sinabi, pero pagkatapos ng katahimikan na iyon ay narinig ko na naman ang boses ni dad.
“I heard na may college student na tumulong sa mga apo ko? Tama ba iyon?”
“Yes, it is, dad. Ngayon ay pinaghahanap ko na siya.”
“Hindi mo ba siya nakita? Hindi mo naabutan?”
umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. “Nang makarating kasi ako sa police station, nakaalis na siya. Bumalik daw sa University kung saan ako nag—aral dahil may examination,” paliwanag ko sa kanya.
“Interesting.” I heard his voice amused. “Ilang taon na akong nasa business world... Pero bihira akong makakita ng taong hindi naghihintay ng reward, ha? Panigurado namang alam niyang may reward kung sino ang makakahanap at makatutulog sa kambal.” dagdag na sabi ni dad sa akin.
“Exactly. She didnʼt even leave her full name. Ang narinig lang nina Cameron and Lauren ay Calil from her.”
Wala akong narinig na boses muli pagkatapos kong sabihin iyon.
“Levi.”
Finally, magsalita na muli siya.
“Yes, dad?”
“Dagdagan mo ang reward niya.”
Kumunot ang aking noo. “Dagdagan?”
“Yes.” Muling hindi siya nagsalita. “Hindi sapat ang pera para bayaran ang taong nakaligtas sa mga apo ko kaya i—double mo,» sabi niya sa akin. “Ako na bahala sa ibang pabuya.”
Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko. “Are you sure?”
“Iʼm very sure. Levi. Ipapadala ko agad sa iyo ang pera. At sabihin mo rin sa kanya... Kung may kailangan pa siya saa buhay. Huwag siyang mahihiyang lumapit sa pamilyang Parker,” mahabang sabi ni dad sa akin.
Napatahimik ako sa kanyang sinabi. “Iʼll do that dad.”
“At isa pa... Huwag kang titigil hanggaʼt hindi mo siya nahahanap, Levi.”
Tumango ako. “I promise.”
Pagkatapos ng tawag ay ibinaba ko na ang phone ko, nilapag ko iyon sa side table. Nahiga na ako sa kama at napatingin sa kisame.
Hindi ko pa nakikita ang mukha ng babaeng nagligtas sa mga anak ko. Ngunit habang tumatagal ay mas lalo akong naging interesado sa kanya.
“Who are you?” bulong na sabi ko.
“At bakit pakiramdam ko... May dahilan kung bakit ikaw ang nakatagpo kina Cameron and Lauren?”
Kailangan ko na sigurong matulog.