LEVI POV
“DADDY, wake up!”
May naramdaman akong tumatapik sa aking mukha kaya hindi ko na napigilang idilat ang aking mga mata, doon ay nakita ko sina Lauren and Cameron.
Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki habang mahigpit na nakayakap sa aking magkabilang braso ang kambal kong anak.
“Daddy!” malakas na sabi ni Lauren sa akin.
“Finally, you are awake! Kanina ka pa namin ginigising po,” nakangiting sabi ni Cameron sa akin.
“Kanina ninyo pa ako ginigising, Cameron and Lauren?” I asked them.
Tumango—tango sila sa akin. “Yes po, daddy! By the way, good morning po!” dagdag na sabi ni Laure habang nakangiti sa akin.
Napahikab ako bago ko hinaplos ang buhok nina Cameron and Lauren.
“Good morning, my babies.”
Nakita ko ang pag—pout ni Lauren nang halikan ko siya sa kanyang pisngi.
“Daddy...” sabi niya sa akin.
“Hmm?” Hinahaplos ko pa rin ang kanyang buhok.
“Kanina pa namin ikaw ginigising, daddy.”
Napakunot—noo ako nang marinig ang sinabi ni Lauren. “Kanina ninyo pa ako ginigising? Really?” I asked them again.
Sabay silang tumango sa akin. “Yes, daddy!” sabi ni Cameron. “Nasa baba po si Uncle Dino... Tinatawag kayo.”
Nang marinig ko iyon ay napatingin ako sa wall clock. Itʼs already seven in the morning.
“No wonder...” Napatawa ako nang mahina.
“Daddy, wake up ka na. Kanina pa ahintay si uncle Dino po,” sabi ni Lauren sa akin.
Napaupo ako sa kama at hindi ko na naman napigilang tumawa nang mahina.
“Sige, daddy will get ready na,” sabi ko sa kanilang dalawa.
Tumango—tango sina Cameron and Lauren sa akin at binitawan nila akong dalawa. Kaya agad akong bumangon sa kama at iniwan ko silang dalawa roon. Mabilis akong nagtungo sa bathroom para makapag—asikaso na rin ako. Nagsisipilyo ako ngayon nang may marinig kong nag—uusap sina Cameron and Lauren sa labas ng bathroom.
“Daddy!” sigaw ni Cameron.
Nagmumog ako ng aking bibig para makasagot ako.
“Yes, Cameron?” sagot ko mula sa loob ng bathroom.
“Nakita na po ba si ate Calil kaya nandito si uncle Dino?”
Napahinto ako sandali habang nakatingin sa mirror na nandito sa sink.
“I donʼt know, Cameron. Itatanong ko pa lamang kay Dino kung may balita na about sa Calil na iyon,” sagot ko sa kanya.
Narinig ko na biglang nagpalakpakan ang kambal ko sa labas, mukhang masaya sila.
“Yay!”
“Mahahanap din natin si Mommy Calil, Cameron!” masiglang sabi ni Lauren.
Napabuntong—hininga at napailing ako sa aking narinig habang hindi ko mapigilang mapangiti, mukhang gustong—gusto talaga nina Cameron and Lauren na maging mommy ang isang iyon.
“Mommy agad talaga...”
Hindi talaga ako makapaghintay na makita ko siya.
Naligo na rin ako para makausap at makita si Dino. Sana may good news siyang masabi sa akin ngayong araw.
Nang matapos akong makaligo ay nakita ko pa rin sina Cameron and Lauren na nasa kama ko.
“Daddy, bababa ka na po ba?” tanong ni Cameron sa akin.
Tumango ako sa kanya. Lumakad ako palapit sa kanila at hinalikan ang kanilang noo.
“Nag—breakfast na ba kayong dalawa?”
Tinignan nila ako at sabay na tumango. “Opo, dad! Nag—breakfast na kami ni Lauren!”
Tumango ako sa kanila. “Good. Just stay here, okay? Watch a TV. Kakausapin ko lang si uncle Dino ninyo,” sabi ko sa kanilang dalawa.
“Okay po, daddy! Maghihintay na lang kami rito ni Cameron! Sana may good news, daddy. Sana nahanap na ni uncle Dino si mommy Calil!” malakas na sabi ni Lauren sa akin.
“I hope too, Lauren. Okay, bababa na ako.” Tumango—tango na muli silang dalawa sa akin.
Ilang minuto ang lumipas ay bumaba na rin ako sa living room. Naghilamos na lamang muna ako dahil pinagmamadali talaga ako nina Lauren and Cameron na bumaba dahil baka may update na about kay Calil.
I sighed.
Nang makababa ay nakita ko si Dino na nakaupo sa sofa namin. Mukhang kanina pa siya naghihintay dahil may dalawang cup of glass na sa coffee table and may breads na rin. Hindi lang iyon dahil may nakalagay sa coffee table na isang brown envelope.
“Good morning, Sir Levi!” sabi niya sa akin.
Tinignan ko siya. “Good morning too...” Napatingin ako sa paligid, maraming tao ang nandito.
Wala na akong tiwala sa mga kasambahay namin lalo naʼt nalaman kong kasabwat ang driver nina Cameron and Lauren dahil sa nangyari pagdukot sa kanilang dalawa.
“Tara... Sumunod ka sa akin, Dino.”
Nauna na akong lumakad palabas ng bahay namin. Naglakad ako patungo sa gazebo namin na nasa gitna ng aming hardin. Pumasok ako roon at naupo.
Napatingin sa akin si Dino. “Wala ka ng tiwala sa mga kasambahay ninyo, Sir Levi?” tanong niya sa akin.
“Wala na. Hindi ko alam kung sino ang tauhan ko sa kanila. Lalo naʼt nalaman kong ang driver nilang dalawa ang kasabwat sa gagawing pagkidnap sa kanila. Kaya ayokong marinig nila ang pinag—uusapan natin,” sabi ko sa kanya.
“Mabuti kayang... Tanggalin na silang lahat, Sir Levi?”
Tumingin si Dino sa main house.
“Donʼt. Gusto kong mahuli sila at ako mismo ang magto—torture sa kanila. Kung sino—sino man sila,” sabi ko sa kanya.
“Paniguradong mag—iingat sila dahil sa nangyari, Sir Levi. Hahanap na ba ako ng bagong nanny nina Young Master Cameron and Young Miss Lauren? Ang hahanapin ko ay ang marunong ng taekwondo para protektahan pa sila lalo.”
Tumango ako sa sinabi ni Dino. “Yes, please, Dino. I want to protect them,” sagot ko sa kanya. “Maiba tayo... Anong nangyari sa pinapahanap ko sa iyo, Dino?” Pag—iiba ko sa usapan namin.
May inilapag na si Dino na envelopes sa table. “Sir Levi, ito po ang lahat ng CCTV footage na nakuha namin mula sa paligid ng Pureza. Nakipag—tulungan sa akin ang mga pulis para rito,” sabi niya.
Kinuha ang envelopes at binuksan ko iyon. May ilang printed screenshot sa loob nito.
Isa—isa kong tinignan ang laman nuʼn, ngunit lahat ng kuha ay puro likuran lamang ng babaeng iyon.
Sa ibang anggulo naman ay natatakpan ito ng mga sasakyan o mga taong dumadaan.
May kung ano sa pusa ang Calil na ito, ha?
Mukhang alam niya ang mga CCTV sa lugar na iyon kaya hindi makita ang mukha niya.
Napabuntong—hininga ako habang nakatingin pa rin dito. “Wala man lang kahit isang malinaw na kuha?” tanong ko sa kanya at pinakita ko ang photos na hawak ko.
Nakita ko ang pag—iling ni Dino sa akin. “Unfortunately, Sir Levi...” Tinignan niya ako. “Parang iniiwasan talaga niya na makita ang mukha niya sa CCTV.”
Napatango ako sa kanyang sinabi.
“May ilang CCTV din na hindi siya nahagip, Sir Levi.”
Tahimik ko na lamang inilapag ang mga photos na nakuha ko mula sa envelope na iyon.
“Pero may good news, Sir Levi.”
Napatingin ako kay Dino nang marinig ko ang sinabi niya.
“Ano iyon?”
“Na—confirm na po namin na estudyante talaga siya ng Maravilla University... Base talaga sa uniform na suot niya,” saad niya sa akin.
Bahagya akong napangiti sa kanyang sinabi. “So totoo talagang taga—Maravilla University siya nag—aaral,” sabi ko sa kanya.
“Yes, ayon sa aking nasagap, Sir Levi.”
Hindi ko alam pero hindi ko napigilan ang sulok ng labi ko na tumaas.
Mukhang mahahanap na namin siya agad.