CHAPTER 13.2

1210 Words
LEVI POV “MARAVILLA University, huh?” Nakataas pa rin ang sulok ng aking labi. “Yes, Sir Levi.” Bigla kong naalala na magtuturo ako sa Maravilla University bilang substitute professor para kay Hanzel. Alam ko ay mangyayari iyon sa end of August. Malapit na. Kapag hindi ko pa siya nahanap, ako mismo ang hahanap sa kanya roon dahil mas malaki ang pagkakataon na makita ko ang babaeng iyon. “Maganda ang ngiti ninyo, Sir Levi,” sabi ni Dino sa akin. “By end of August... Magiging substitute professor ako sa Maravilla University... Pagkakataon na iyon na ako ang mismong maghanap sa kanya kung hindi pa natin siya mahahanap ngayong linggo,” sagot ko kay Dino. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero bigla rin iyon nawala. “Copy, Sir Levi.” Napahagod ako sa aking buhok. “Huwag ka pa rin titigil sa paghahanap sa kanya, Dino...” Tinignan ko siya. “Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ako nina Cameron and Lauren about sa Calil na iyon kaya kailangan ay makita na siya.” dagdag na sabi ko. Nakita ko ang pagtawa niya nang mahina. “Donʼt laugh, Dino!” madiin na sabi ko sa kanya. Pinipigilan niyang tumawa at tinignan niya ako. “Sorry, Sir Levi... Mukha kasing gustong—gusto nina Young Master Cameron and Young Miss Lauren,” natatawang sabi pa rin niya sa akin. “F**k! Alam ko iyon, Dino. Kaya gawin mo ang lahat para mahanap siya. Kasi paniguradong kukulitin pa rin nila akong dalawa.” “Copy, Sir Levi!” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Kahit gaano katagal... Hanapin ninyo siya. I want to thank her personally,” sabi ko sa kanya. “I understand, Sir Levi.” Tumayo na si Dino. “Iʼll continue the investigation.” Tumango ako sa kanya. “Good.” Kailangan ko talaga siyang makita. “Magbibigay ako ng update every hour, Sir Levi. Kada update na makukuha ko ay ibibigay ko sa inyo agad thru email,” pahabol na sabi ni Dino sa akin. Tumango muli ako sa kanya. “Aasahan ko ang sinabi mo, Dino. Mag—ingat ka.” Yumuko siya sa harapan ko at mabilis na lumakad palabas sa gazebo. Nang maiwan ako rito ay kinuha ko muli ang screenshots na dinala ni Dino. Inisa—isa ko muli iyon hanggang nakita kong wala talagang malinaw na mukha ang babaeng iyon. “Argh, bakit ang hirap mong hanapin, Calil? Ganoʼng may lead na kami na taga—Maravilla University ka lamang, pero ang daming nag—aaral sa university na iyon. F**k!” mahabang sabi ko at hindi ko napigilang mamura nang malutong habang nakatingin pa rin dito. Hindi rin nagtagal ay may dalawang maliliit na anino akong naaninag na tumatakbo papunta sa akin. “Daddy!” Narinig ko ang boses nilang sobrang lakas at sabay na yumakap sina Cameron and Lauren sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki sa kanila. “Anoʼng ginagawa ng dalawang makukulit na ito?” tanong ko sa kanila, pero ningitian lamang nila ako. Naupo si Cameron sa tabi ko at tinignan niya ako. “Daddy... Nakita na ba natin si goddess fairy?” tanong niya. “Oo nga po, daddy. Uncle Dino is here! Nakita na po ba si mommy namin ni Cameron?” dagdag na tanong ni Lauren sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanilang sinabi. “Goddess fairy?” takang tanong ko. Tumango si Lauren sa akin. “Si mommy Calil po, daddy!” matinis na sabi ni Lauren. “Sheʼs our goddess fairy because she saved us and sheʼs pretty!” malakas pa niyang sabi sa akin. “Laure in right, daddy.. If hindi dahil sa kanya... Hindi mo pa rin kami makikita at makasasama... Kaya siya ang aming goddess fairy!” dagdag din na sabi ni Cameron. Napabuntong—hininga na lamang ako bago marahang umiling sa kanilang dalawa. “Hindi pa, Cameron and Lauren,” mahinang sabi ko sa kanila. Nakita ko ang pagsimangot nilang dalawa sa akin. Hindi lang iyon dahil humaba rin ang kanilang labi. “Ay, why?” sabay pa nilang sabi sa akin. Tinignan ko silang dalawa. “Pero patuloy ko pa ring sinabi kay Dino na hanapin pa rin siya. Kaya huwag kayong mag—alala, Lauren and Cameron.” Lalong ngumuso ang kanilang labi. “S—still no pa rin pala, daddy.” mahinang sabi ni Lauren. Umiling ako sa kanya. “Iʼm sorry,” sabi ko muli. Nakita kong may namuong luha sa mga mata nina Cameron and Lauren, biglang sumakit ang puso ko nang makita ko iyon. “Daddy...” Napatingin sa akin si Cameron. “Miss na namin si Mommy Calil.” dagdag niyang sabi. Lumapit siya sa akin at mahigpit niya akong niyakap. Sunod nuʼn ay nakita ko na rin si Lauren na umiiyak na. “Waaah! Gusto naming makita si Mommy Calil!” malakas na pag—iyak ni Lauren. Kaya wala na akong nagawa kung ʼdi yakapin na silang dalawa. “Shh... Donʼt cry,” mahinang sabi ko sa kanya. “I promise... Hahanapin siya ni daddy, ha? Kahit saan pa siya naroon, okay?” Hinimas ko ang kanilang buhok. Naririnig ko pa rin ang pag—iyak ni Lauren kahit nakasubsob pa rin siya sa katawan ko. “P—promise, daddy?” Lumayo si Lauren sa akin at tumaas ang kanyang tingin sa akin. “Yes, promise. Pinapangako ni daddy na hahanapin niya si Calil, ha? Huwag na kayong umiyak na dalawa,” mahina at nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. Lumayo silang dalawa sa akin. “Pinky promise, daddy?” sabay nilang sabi sa akin. Nakita ko ang kanilang maliit right pinky finger na nasa harap ko na. “Yes, pinky promise ni daddy ito, ha?” Binigay ko rin sa kanila ang pinky finger at pinaglapat iyon. “Yehey! Sana talaga mahanap na si Mommy Calil natin, Cameron!” malakas na sabi ni Lauren at tumalon—talon na siya, kahit may luha pa ang magkabilang pisngi niya. “Yes... Sana makita na rin si Mommy Calil para makapag—thank you tayo sa kanya and maibalik natin ang handkerchief niya!” Napahinto at napatingin ako kay Cameron nang marinig ang sinabi niya. “Cameron, handkerchief? May handkerchief siyang binigay sa inyo?” bulalas na tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumango. “Yes, daddy! Pero, walang name iyon. Iʼm thinking na you think na may name iyon, but no. Nothing. Even an initials, daddy. Kasi if mayroʼn iyon we will about that,” sabi ni Cameron sa akin. Napabuga ako nang malakas. Matalino talaga ang anak ko. Wala talaga kaming clue about her. Inaantay lang talaga namin si Dino about sa investigation niya. Hindi ko alam kung bakit ganoʼn na lamang ang attachment ng kambal kong anak sa Calil na iyon na to the point ay gusto na nilang gawin siyang mommy. Pero isang bagay lang ang sigurado ako. Hindi ako titigil hanggaʼt hindi ko natatagpuan ang misteryosong college student na iyon. Mahahanap ka rin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD