LILAC POV
MAS naging magaan ang pakiramdam ko nang magising ako ngayong araw. Hindi ko maiwasang mapangiti nang malaki habang inuunat ko ang aking magkabilang braso.
“Ang sarap ng tulog ko...” Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita.
Hindi tulad ng nakaraang gabi ay wala akong binasa ng web comic hanggang madaling araw.
Maaga akong nakatulog kagabi.
Mabilis akong bumangon sa kama ko. “New day! New opportunity!” malakas na sabi ko.
Kinuha ang aking towel and undies ko. Lumabas ako sa kʼwarto ko at dumiretso sa banyo rito sa second floor. Pumasok ako roon at mabilis na naligo. Hindi rin nagtagal ay natapos na rin ako at muling pumasok sa loob ng kʼwarto ko para suotin ang malinis kong uniform.
Lumakad ako papunta sa full body mirror at nag—ayos naman ako ng aking sarili, naglagay ako ng kaunting makeup sa face ko.
Nang makita ang mukha ko na maayos na ay nag—spray na rin ako ng perfume sa body ko. At saka na rin ako lumabas sa kʼwarto ko at mabilis na bumaba para makapag—almusal na ako.
“Good morning, Ma! Good morning, Pa!” malakas na sabi ko ang makababa ako.
“Good morning, anak kong maganda,” nakangiting bati ni Papa sa akin.
Si Mama naman ay nakatingin sa akin at ningitian ako.
Lumapit ako sa kanila. Habang naghahanda ng almusal si Mama, naka—on na ang television sa sala namin.
Nakatingin pa ako roon nang biglang naging seryoso ang boses ng news anchor, kaya nangunot ang noo ko habang nakaupo ako rito sa dining table namin.
“Patuloy pa ring hinahanap ng Parker family ang college student mula sa Maravilla University na nagligtas sa kambal na sina Cameron ang Lauren Parker...”
Napahinto ako sa paghinga ng ilang segundo dahil sa narinig ko.
“Ha? Hinahanap pa rin nila ako? Seryoso ba sila?” kausap ko sa aking sarili.
Unti—unti akong napalingon sa television namin. Nandoon pa rin ang balita about me.
Hindi pala panaginip ang lahat ng nangyari sa akin kahapon.
Namilog ang aking mga at halos lumabas ang aking kaluluwa nang may lumabas sa screen.
“T—teka... CCTV footage ba iyon?” mahinang tanong ko sa aking sarili.
Lumabas sa scren ang ilang CCTV footage. Makikita roon ang isang babaeng naka—university uniform ng Maravilla University na dahan—dahang naglalakad habang hawak ang kamay ng dalawang bata.
Lalong nanlaki ang mga mata ko. “Ako ʼyan. Akong—ako iyon kahit nakatalikod.” Pinaglapat ko na lamang ang aking bibig dahil sa kabang nararamdaman ko.
Tahimik kong pinagmasdan ang video at napabuntong—hininga ako. “Thank goodness...” mahinang sabi ko muli.
Hindi kita ang mukha ko. Puro likod ko lamang ang nakuhanan ng CCTV.
Sa ibang anggulo naman ay natatakpan ako ng mga dumaraang sasakyan at tao.
“Anak, parang hawig mo iyong babaeng nakakita sa kambal.”
Halos tumigil ang aking mundo nang marinig ang tanong ni Papa.
Dahan—dahan akong lumingon sa kanya. “P—Pa? H—hawig ko? H—hindi po, ha? Ang layo!” mabilis na sabi ko sa kanya.
“Oo nga naman, anak. Matangkad ang babae roon.”
Napangiwi ako sa sinabi Papa. Ang sakit nuʼn ha?
So, maliit ako?
Muli akong napatingin sa television.
“Ayon kay Mr. Levi Parker, nais niyang personal na pasalamatan ang babaeng tumulong nsa kanyang mga anak at ibigay rito ang ipinangakong reward.”
Napahigpit ako sa hawak kong kutsara. “Kahit huwag na. Huwag ninyo na akong hanapin pa.”
“Kung ikaw ba, anak, kukunin mo ba ang reward?”
Mabilis akong umiling sa kanyang tanong. “H—hindi na po, Pa! Ang pagtulong ay walang hinihiling na kapalit,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagngiti ni Papa. “Tama ang pagpapalaki namin sa iyo, anak.”
“Dapat lang, Lilac. Ang Diyos na ang gumawa ng magandang hakbang sa mga bawat na pagtulong na ginagawa mo,” sabi ni Mama at naupo siya sa harap ko.
Tama ang sinabi ni Mama kaya huwag ninyo na akong hanapin.
~~°°~~
Habang papunta sa Maravilla University ay paulit—ulit kong nililingon ang paligid. Hindi ako mapakali habang nakaupo sa motor ni Papa.
Bawat taong makakasalubong ko ay iniisip ko na baka isa sa mga ito ang naghahanap sa akin.
“Kalma lang tayo, Lilac...” bulong ko sa aking sarili at huminga nang malalim.
“Hindi nila alam ang mukha natin, okay?” kausap ko muli sa aking sarili, pero napaisip din ako.
“Paano kung nakuha na nila ang CCTV footage sa buong Pureza?”
Bigla akong kinabahan sa aking sinabi.
Napalingon muli ako sa paligid. “Siguro naman... Hindi ako nakita roon, ano? Sana hindi nakita ang mukha ko,” panalangin kong sabi.
“Anak, ayos ka lang ba?”
Nawala ang aking iniisip nang marinig ang boses ni Papa. “Po, Papa? Bakit po?” tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako na nagtataka. “Ayos ka lang?” ulit niyang tanong sa akin.
Nahalata ba ni Papa na marami akong iniisip.
“Ah, opo, Papa. A—ayos lang po ako... Bakit naman po ako hindi magiging maayos?” nakangiting sabi ko sa kanya, kahit hindi ko alam kung nakita ba niya ang ngiti ko dahil nakasuot pa ang helmet sa akin.
“Akala ko ay may problema ka dahil hindi ka pa bumaba sa motor ko. Gusto mo bang sumama sa trabaho ko? Magde—delivery ka rin, anak?”
Nangunot ang noo ko nang marinig ang tanong niya sa akin. “H—hindi naman po, Papa! Papasok po ako!” sabi ko sa kanya.
Bakit naman ako sasama sa trabaho ni Papa?
Ang init lang.
“Hindi ka naman pala sasama sa trabaho ko... Bakit hindi ka pa bumaba? Nasa tapat na tayo ng Maravilla University, anak!” sabi niya sa akin at tinuro ang right side namin.
Napalingon ako roon at nakita ko ang university. “N—nandito na pala tayo, Papa.” Nakangiwing sabi ko at mabilis na bumaba sa motor.
“Kanina pa, anak. Akala ko tuloy ay sasama ka sa aking trabaho.”
Napasimangot ako sa kanyang sinabi. “Papa naman.” Tinanggal ko ang helmet at nilagay sa tool box niya. “Sige po, Pa. Pasok na po ako.” sabi ko sa kanya at kumaway.
“Galingan mo sa pag—aaral!”
Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Papa.
Hindi na ako sumagot at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng campus namin.
Pagpasok ko sa loob ng campus ay mas lalo akong naging conscious. Pakiramdam ko ay lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin ngayon.
Kaya mabilis akong lumakad papunta sa building namin. Nawiwindang na ako dahil sa pagiging balisa na ang buong pagkatao ko.
Pakiramdam ko ay lahat ng mata ay nakatingin sa akin ngayon. Pagpasok ko sa aming building ay bigla na lang may humila sa magkabilang braso ko.
“Lilac!”
“Ah!”
Sabay kaming napasigaw. Sinong hindi sisigaw kung hinila ako?
Paglingon ko ay nakita ko sina Zephanie and Umara.
“Girls, bakit ninyo ko hinila?” gulat nong sabi sa kanila.
“Halika nga rito!” sabi ni Umara habang hinihila pa rin niya ako at dinala sa isang tahimik na sulok ng hallway.
“Anong nangyayari?” takang tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Zephanie. “Girl! Pinaghahanap ka na ni Mr. Levi Parker. Gaga ka!” malakas niyang sabi at tinakpan ni Umara ang bibig niya.
“Huwag kang maingay,” sabi ni Umara sa kanya.
“Sorry naman, girl. Nabigla lang talaga ako,” sabi niya. “Anyway, pinaghahanap ka na. Anong gagawin mo?”
Napakurap ako sa kanilang sinabi. “A—alam ko... Kagabi pa ako hinahanap. Akala ko nga ay panaginip lang,” mahinang sabi ko sa kanya.
“Kagabi? Kanina ko lang napanood sa balita, Lilac,” sabi ni Umara.
“Teka... Hindi lang iyon... Hindi na lang balita, ha? Dahil maging buong campus ay usap—usapan na ang tungkol doon!” May kahinaan pero may diin din ang boses niya.
“May college student daw kasi from Maravilla University ang nagligtas sa kambal.”
Napakamot ako sa aking buhok. “B—buong campus na,” mahinang sabi ko sa kanila.
Napahawak si Zephanie sa magkabilang balikat ko. “Oo nga! Lumabas ka na kaya! Sayang din kasi iyong reward! Kunin mo na lang ang reward, Lilac!”
Umiling ako sa kanya. “Ayoko.”
Napakunot—noo ang dalawang kaibigan ko.
“Bakit?” takang tanong ni Zephanie sa akin.
“Tanga ka ba?” biro ni Umara sa akin. “Malay mo milyon ang ibigay sa iyo?”
Ngumiti lang si Lilac. “Wala akong pakialam nga sa reward. Sapat nasa akin na ligtas na sina Cameron at Laure,” sabi ko sa kanya.
Natahimik sina Zephanie ang Umara.
“At saka... Hindi ko naman sila tinulungan para kumita ako,” dugtong na sabi ko. “Tumulong lang ako dahil kailangan nila ng tulong ko.”
Narinig ko na naman na napabuntong—hininga si Zephanie. “Pero sayang din kasi,” saad niya.
Umiling ako sa kanila. “Hayaan ninyo na... Sigurado naman akong titigil din si Mr. Parker sa paghahanap sa akin.” Tinignan ko sila. “Kapag wala na siyang makita... Makakalimutan din niya ako.” sabi ko sa kanila.
Nakita ko ang tinginan nina Umara at Zephanie, pareho silang napailing.
“Sana nga...” sabi ni Umara.
“Pero kung ako si Mr. Levi Parker,” natatawang dagdag ni Zephanie, “hindi rin ako titigil hanggaʼt hindi ko nakikilala ang taong nagligtas sa mga anak ko.”
Napataas na lang ako kahit bahagyang may kaba akong nararamdaman sa aking puso.
Pero sana talaga hindi niya ako makita at walang magturo sa akin.