Habang nag-e-empake si Yumi ng mga damit n'ya sa kanyang malapit nang mapigtas na bag, hindi na naman n'ya mapigilang maiyak. Aalis na s'ya ngayong araw, at alam niyang nakaalis na si Loki ng penthouse nito para pumasok sa trabaho nito. Naisip nga n'ya na hindi siguro talaga siya mahalaga sa binata. Napangiti siya ng mapakla sa kaisipang iyon. Tama na Yumi ano ka ba? Tama na sa kakaiyak, hindi mo naman ikakamatay ang heartbreak. Aniya sa kanyang sarili. Mariing pinahid ng dalaga ang mga luhang lumandas na naman sa kanyang magandang mukha. Buong gabi na siyang umiiyak, pati ba naman ngayong kinaumagahan? Kulang na kulang na nga ang kanyang tulog pero hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod o antok man lang. Ganito ba talaga kapag broken hearted ang isang tao? Matapos niyang ipasok