CHAPTER 23

1638 Words

Kagaya nga ng pangako nito sa sarili, kinabukasan ay maaga itong nagising para maligo at pagkatapos ay nag-ayos, plano niyang maglibot-libot sa buong Metro Manila ngayong araw para mag-job hunting. Kahit ano pang trabaho ay papatusin na n'ya at sakto rin kasing kakabukas pa lang ng enrollment sa lahat ng eskwelahan ngayon kaya maraming mga estudyante ngayon ang abala sa pag-e-enroll. May naitabi naman siyang pera, iyong huling sweldo n'ya ay inabot ni Mang Berting sa kanya kagabi nuong hinatid n'ya ito sa bahay nila. Iyon ang gagamitin niyang pera para makapag-enroll siya ngayong pasukan as a first year high school student sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Narinig niya na maganda raw mag-aral sa eskwelahang iyon at malapit lang din naman ito sa Tondo kaya naman duon niya napagpasyaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD