KRISTINE NAKATANGGAP siya ng text message mula kay RC ll, ang sabi ay sa opisina na lang nito ihatid ang anak. Friday ngayon ala-singko ng hapon at usapan nila ay ala-sais dapat na hatid na niya si RC lll. Nasasaktan din naman siya sa mga nangyayari sa kanilang dalawa. Kaya lang mas mabuti na ang ganito sila. Hindi niya kayang talikuran ang kapatid sa pakiusap nito. Ayaw rin na may nakakaalam ng tunay nitong sitwasyon. Ilang beses niyang pinakiusapan ang kanyang Kuya Ramsi na kahit si RC ll lang ang makaalam ng sakit nito. Ngunit hindi talaga ito pumayag kundi si Ate Bella at siya lang ang tanging nakakaalam na dying na ito. At kung hindi siya aalis sa bahay ni RC ll ay hindi ito titigil sa pangungulit sa kanya. Lalo pa at may halos gabi-gabi na kailangan niyang mag-stay sa tabi ng ka

