RC ll. MAGMULA ng dumating sila ng bansang Pilipinas ay hindi na nila nakakasabay sa pagkain si Kristine. Sa araw-araw ay lagi itong busy. Maagang umaalis at uuwi ay tulog na ang mga bata. Hindi niya alam kung may iba pa itong pinagkakaabalahan. Maliban sa mga ari-arian na inaayos nilang magkakapatid. “Hi, are you RC ll Montemayor Montalvan?” isang babae ang nalingunan niya habang nagdya-jogging siya. “Yeah, anong kailangan mo?” “Someone wants to meet you there in a coffee shop.” “Sorry, hindi ako nakikipag meet sa taong hindi ko kilala. Lalo pa at wala naman akong business sa kanya.” pagkatapos ay binilisan na niya ang takbo. “Gusto mong malaman kung anong pinagkakaabalahan ni Ms. Kristine kaya lagi siyang busy?” sa narinig ay huminto siya at humarap sa babae. “Bakit mo kilala ang

