PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA CHAPTER TWELVE

985 Words
Pinagtagpo pero di tinadhana 12 Lexus & Vivienn Dire-diretsong pumasok si Vivienn sa kanilang maindoor. Parang wala siyang nakitang tao kahit ang mga guwardiya at katulong. Maski ang mga bodyguard niyang tatanga-tanga. Napatigil siya nang mkasalubong niya ang kanyang daddy sa hagdan. Madilim ang anyo nito at seryosong nakatitig ito sa kanya. "The black sheep finally home," malamig na sabi ng Don. Napaismid si Vivienn sa sinabi ng kanyang ama. "Nagiging pasaway ka na talaga, Vienn why don't you go back in Korea?" Galit na wika nito sa kanya. "Stop entering into my life, dahil hindi kita pinakikialaman, Dad." Mariin niyang sinabi sa ama. Nanlaki ang mga mata ni Don Romulo at mabilis ang mga hakbang na lumapit sa dalaga at agad siya nitong sinampal. "Walang galang! Hindi kita pinag-aral sa ibang bansa upang lalapastanganin mo lang ako!" Galit na wika ng Don. Tumabingi ang mukha ni Vivienn sa pagkakasampal ng kanyang ama. Hinaplos niya ang kanyang pisngi at pinigilang huwag umiyak. Lakas loob niyang hinarap ang kanyang ama. "Are you happy and satisfied?" Matapang niyang tanong sa ama. Nagtagis ang mga bagang ni Don Romulo at akma na naman sana niyang sasampalin ang dalaga nang dumating si Donya Marilou at inawat ang asawa. "Minsanan na nga lang tayong nagkakasama, sinasaktan mo pa ang ating anak!" Maiyak-iyak na sabi ng kanhang ina at tiningnan ang pisngi ni Vivienn. Bumakat kasi ang kamay ng Don sa pisngi ng dalaga. Umiwas naman si Vivienn nang tangkain ni Donya Marilou na hawakan ang pisngi niya. "Anak, pasensiya ka na sa Daddy mo! Saan ka ba kasi galing?" Masuyong wika ng kanyang ina. Hindi siya sumagot bagkus ay humakbang siya at mabilis na tinungo ang kanyang silid. Doon nalaglag ang kanyang mga luha. Kailangan niyang maitagong nasasaktan din siya, kailangan niyang maging matapang sa harap ng kanyang ama. Samantalang nag-uusap naman ang mag-asawa nang iwanan sila ni Vivienn. "Bakit mo siya sinampal, Romulo?" Tanong ng Donya sa asawa nito. "Bakit di mo siya tanungin? Sobra na ang pagkabastos sa akin ng batang 'yan!" Galit na sagot ng Don. "Ngayon lang siya ulit umuwi, sana naman pinagpasensiyahan mo na lang siya," malungkot na tugon ni Donya Marilou. "Kaya lumalaki ang kanyang ulo dahil sa kakatanggol mo sa kanya!" Singhal nito sa asawa. "Ako ba talaga ang dahilan, Romulo? Ako ba ang dahilan kung bakit tuluyang nagbago ang napakabait kong anak?" Puno nang hinanakit na sabi ni Donya Marilou. Hindi nakaimik ang Don sa sinabi ng asawa. Umiwas siya ng tingin. "Hindi ba ikaw ang nagpabago sa kanya?" Mahinang turan ni Donya Marilou saka nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi pa rin tumitinag ang Don. "Gusto kong subaybayan ang kanyang paglaki, pero hindi ko nagawa dahil lumayo siya sa atin. Hanggang ngayon, iniisip pa rin niyang siya ang may kasalanan nang lahat kung bakit namatay-" hindi naituloy ni Donya Marilou ang kanyang sinasabi dahil galit na humarap sa kanya ang Don. "Stop saying those words, Marilou." Maawtoridad na wika nito. Suminghot ang Donya. "Bakit hindi mo matanggap na aksidente lang ang nangyari?" Tanong ng Donya na may halong pait sa boses nito. "Tanggap ko na noon pa, ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit walang katawan ang nahanap nila sa kinahulugan niya." Sagot ng Don. "Kung ganoon, Romulo buhay pa ba siya?" Muling tanong ng Donya sa asawa . Hindi sumagot si Don Romulo. "Bakit hindi ka matuwa at baka buhay pa nga siya," ani ng Donya. "Dahil hanggat hindi ko nakikita ang katawan niya, mananatiling uusigin ako ng aking kunsensiya dahil hindi ko siya pinahanap." Turan ng Don na tila nanginig ang boses nito. "Lingid ito kay Vivienn, paano kapag nalaman niya?" Tanong ni Marilou sa asawa. Bumuntong-hininga si Romulo. "She will know soon," maikling tugon nito. Hindi na umimik pa si Donya Marilou. Nagpasya na siyang iwan ang asawa dahil may kliyente pa ito. Muli siyang nakiusap na sana ay bumawi na ito kay Vivienn bago mahuli ang lahat. Naiwan ang Don na tila nag-iisip ng malalim. Naalimpungatan si Vivienn sa tunog ng kanyang selpon. Agad siyang bumangon at sinipat kung sino ang tumatawag. Nakita niyang si Carlie iyun. Sinagot niya ang tawag ng dalaga. "Hey! Racing will be tonight, not a car but a single motor." Narinig niyang sinabi nito. "No problem!" Maikli niyang sagot. "Same location, get well and be prepaid alam kong may trauma ka dito." Wika ni Carlie. "Thank you! Pakisabi sa clan ayusin yung motor ko, the blue one." Bilin niya dito. "Yup! Noted okay see you!" Turan ni Carlie at nawala na ito sa kabilang linya. Muli siyang nagbalik sa kanyang kama at padapang humiga. Naalala niya si Lexus at napangiti siya. Muli niyang inabot ang kanyang selpon at tinawagan ang binata. "Hi!" Narinig niyang sabi ni Lexus. Napapikit siya dahil parang masarap na musika sa kanyang tainga ang boses ng binata. "Vivienn?" Muli niyang narinig na sabi ng binata. "I'm here! I miss you!" Masaya niyang sagot sa binata. Narinig niyang mahinang tumawa si Lexus. "I'm serious, I miss you!" Muli niyang sinabi. "Kanina lang tayo magkasama ah! Pero, thank you." Sagot ng binata. Napangiti siya. "Pwede bang, pumunta sa bar mamayang gabi pagkatapos kong asikasuhin yung pupuntahan ko." Wika ni Vivienn. "Hindi ako papasok, may pupuntahan kami ni Ken." Tugon ni Lexus. "Saan kayo pupunta?" Tanong niya rito. "Wala! Para lang sa mga lalaki iyun." Nakatawang turan ng binata. "Okay! Take care my Lexus!" Nangingiting wika ni Vivienn. "Sige, ikaw din mag-iingat ka." Sagot ng binata. Nagpaalam na si Vivienn kay Lexus at pinatay na niya ang kanyang selpon. Napapikit siya. Inlove na yata siya sa binata na akala niya ay paglalaruan lamang sana. Pampalipas nang oras 'ika nga ng iba. Gumaan ang kanyang pakiramdam pagkarinig sa boses nito. Hindi na naman mawaglit- waglit sa kanyang isipan ang guwapong mukha ng binata. Kahit torpe ito kung minsan ay bumagay naman ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD