PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA CHAPTER ELEVEN

636 Words
Pinagtagpo pero di tinadhana 11 Natangay si Lexus sa marubdob na mga halik ni Vivien. Dahan-dahan silang nagbitaw at kapwa nagkatitigan. Naunang nagbawi nang tingin si Lexus saka siya tumikhim. "I'm sorry," mahinang sabi ng binata. "No! I should be the one to say sorry." Sagot ni Vivienn. "Hindi ka na ba nilalamig?" Nag-aalalang tanong ni Lexus sa dalaga. "Not at all and i want your warm hug," tugon ng dalaga. Hindi nakaimik si Lexus ngunit hinigpitan niya ang kanyang yakap sa dalaga. Hindi niya maintindihan ang kanyang nadarama pero gustong-gusto niyang yakapin nang mahigpit ang dalaga. Matagal sila sa ganoong ayos. "Lex, can i ask you something?" Kapgkuwan ay tanong ni Vivienn dito. "Ano 'yun?" Tanong din ng binata. "Do you have girlfriend?" Diretsang tanong ng dalaga. "Wala naman 'di sana, hindi tayo magkasama ngayon." Sagot ni Lexus. Napangiti si Vivienn. She love the voice of Lexus especially his face. "Alam mo bang, i fell for you for the first time we've met?" Seryosong tanong nito sa binata. Hindi nakaimik si Lexus. Tinitigan niya ang malawak na karagatan. Kapwa sila napalingon nang marinig ang tikhim ni Ken. "Sarap niyo namang panoorin, nakakainggit." Nakangiti nitong sabi sa kanilang dalawa. Namula si Lexus at pinandilatan niya ang pinsan. "Bagay ba kami, Ken?" Tanong ng dalaga. "Hindi, mas bagay tayo." Nakangising sagot ni Ken. "Well, i'm sorry pero 'di kita type." Sagot ni Vivienn na nakataas ang isang kilay nito. "Aruy! Kasakit naman!" Kunwaring daing ng binata. Binatukan na lamang ni Lexus ang pilyong pinsan. Inilapag ni Ken ang kanyang mga pinamili at nagsimula na silang kumain. "Kaila ka uuwi?" Biglang tanong ni Ken kay Vivienn. "Bukas pero babalik din ako, may aasikasuhin lang." Sagot ng dalaga. Tumingin si Vivienn kay Lexus. Hinawakan niya ang mukha ng binata. "Ma- mimiss ko ang mukhang 'to," ani ng dalaga. Nagbaba naman ng tingin si Lexus. "Sus! Ako 'di mo mamimiss?" Sabad ni Ken. "Hindi, lagi kang panira." Kunwaring inis na sabi ng dalaga. Nagkatawan silang tatlo. Maya-maya pa'y nagyaya na si Lexus pauwi dahil malalim na ang gabi. "Maganda sana kung may tent tayo, baka kasi magkasakit ka." Sabi ng binata. "Aalagaan mo naman ako eh!" Nakangiting sagot ni Vivienn. "Oo pero baka magalit ang dad mo, " tugon nito sa dalaga. Hindi umimik ang dalaga. Sumang-ayon na lang siya para makauwi na sila. Gusto niya ding magpahinga na para sa laban niya nang karera bukas ng gabi. Sa ngayon ay ayaw niya munang sabihin kay Lexus kung ano ang aasikasuhin niya. Nakarating sila sa bahay ng binata na wala silang imikan. Hinatid siya ng binata sa kanyang kwarto. "Good night," wika ng dalaga at hinila niya si Lexus sa loob at hinalikan niya ito. "G-Good night," nauutal namang sagot ng binata dahil sa biglang ginawa ng dalaga. Dali-dali siyang lumabas at tinungo na kung saan sila natutulog ni Ken. Kinabukasan. Maagang nagising si Lexus. Sinilip niya ang dalaga sa kwarto nito. Nakaalis na ang kanyang ina dahil may pinuntahan itong katrabaho. Mahimbing pa ring natutulog ang dalaga. Minabuti niyang magluto nang agahan. Napabalikwas nang gising si Vivien. Naamoy niya ang sinangag na kanin kaya agad siyang bumangon. Sinipat niya ang relo sa kanyang bisig, alas otso na pala nang umaga. Lumabas siya ng kwarto at nakita niyang naghahain si Lexus. Dahan-dahan siyang lumapit at yumakap siya sa likod ng binata. Tumigil si Lexus at humarap kay Vivienn. "Good morning!" Masayang wika ng dalaga at hinalikan sa pisngi si Lexus. "Good morning, maupo ka na at kakain na tayo." Nahihiyang sagot ng binata. Masiglang umupo ang dalaga at magana itong kumain. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na niya ang binata sa mansyon. Malungkot man ang kanyang nadama ngunit mas gusto niyang umuwi muna ang dalaga. Baka kasi mag-alala ang mga magulang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD