Kabanata 2 - Anastasia Olivia POV

1137 Words
Sa naging pagpayag ko sa kagustuhan ng ama ko nagbago agad ang ekpresyon ng mukha ni mommy at ngumiti na siya sa akin. Jaxon even smile at me, and he was about to hold my hand pero iniwas ko ‘yon agad. I don’t like someone touching me, we’re not close to each other after all. I just knew him because he is the son of my father's best friend, and he is my classmate when I was in high school and batchmate when I was in college. Hindi ko alam kung ano ang pumasok ngayon sa isip ng ama at ina ko, ayokong makatrabaho si Jaxon dahil matagal ko ng alam ang mga kalokohan niya pero hindi ako pwedeng sumuway sa mga magulang ko. Minsan iniisip ko na lang na ampon kaya ako? Buong buhay ko kasi para akong robot na walang sariling pag-iisip at sila na lang palagi ang nasusunod. Gusto kong maging malaya pero mukhang sa panaginip lang mangyayari ‘yon. “Olivia, I’m expecting a lot from you this time so don’t you ever disappoint me again,” sabi ni dad sa akin. “I will not dad,” tugon ko sa kaniya. Kelan ba s’ya hindi nag expect sa akin? Buong buhay ko kailangan kong maabot lahat ng expectation nila para sa akin kahit na para sa sarili ko ay imposibleng magawa ko ‘yon kaya kahit nahihirapan na ako sa mga gusto nilang mangyari wala akong magawa, hindi ako makaiyak sa kanila. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harap nila lalo na sa harap ng maraming tao dahil magiging kahiya-hiya ako lalo na sila at mas lalo nila akong papahirapan. “I’m looking forward to work with you Oli,” nakangiting sabi sa akin ni Jaxon. “Me too,” sagot ko na lang sa kaniya ng walang kahit anong emosyon. I’m just pretending to be nice to him because my parents are here. “Hon let’s leave them for a while to talk,” sabi ni mommy kaya napatingin ako sa kaniya. She wants me to be alone with Jaxon, as if naman kakausapin ko si Jaxon kapag umalis sila. Mas gugustuhin ko pang bumalik na lang sa kwarto ko at maghapon na magkulong doon. Tuwing wala akong pasok sa opisina namin hindi ako lumalabas ng kwarto ko dahil ayokong makita sila kaya lagi akong nagpapanggap na may sakit kapag nandito sila sa bahay at wala akong pasok. “Okay, we will leave the two of you to talk” sabi ni Dad sa amin ni Jaxon at tiningnan n’ya ako ng seryoso na para bang sinasabi na ayusin ko ang sarili ko. I just nod at him and smile to them, they left us and went upstairs. I look at Jaxon with my serious face. “Long time no see Oli,” sabi ni Jaxon sa akin. “We just saw each other yesterday at the conference room where you ruin my project,” sabi ko sa kaniya. “I did not ruin your project Oli, it’s just that the presentation is not worth it, so I said my opinion about it” sabi niya sa akin. “Ikaw lang naman sa loob ng conference room kahapon ang nagsabi na walang kwenta ang project na ‘yon kahit na alam nating dalawa na malaki ang magiging benefit ng project na ‘yon sa kompanya,” sabi ko sa kan’ya. “What kind of benefit are you talking about? Don’t push that useless project Oli because we both know that you just want that project to happen because you want to run away but I’m not dumb to let you do that,” sabi n’ya sa akin. “Pakialamero ka talaga kahit kelan!” mariing sabi ko sa kaniya. “Sana ganyan ka rin katapang sa harap nina tito at tita,” sabi n’ya sa’kin kaya inirapan ko s’ya. “Kung wala kang sasabihin na matino sa akin ay pwede ka ng umalis dahil wala naman tayong dapat pag usapan Jaxon,” sabi ko sa kan’ya at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Tumayo na rin siya at tumingin sa akin ng may ngiting mapang-inis sa labi n’ya, “We will see each other again tomorrow Oli,” sabi n’ya sa akin at lumabas na ng bahay namin. Napailing na lang ako at umakyat na ako sa taas para bumalik sa kwarto ko, pagpasok ko sa kwarto ko dumapa agad ako sa kama ko. Ayoko na sa bahay na ‘to, gustong gusto ko ng umalis sa lugar na ‘to pero hindi ko alam kung paano ko gagawin ‘yon kung bawat galaw ko laging may nakabantay sa akin. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami ni ate, lagi kaming magkasamang dalawa pero siya lang ang nakakagawa ng mga gusto niya at lagi akong nasa isang tabi lang habang kasama niya ang mga magulang namin pero kahit gano’n ay hindi ko inisip na hindi nila ako mahal dahil nand’yan naman si ate para sa akin noong mga bata kami pero ngayon na wala siya, naramdaman ko ang hirap. Minsan iniisip ko na lang na paano kaya kung hindi sila ang mga naging magulang ko? Paano kaya kung mahirap lang kami? Ano kaya ang magiging buhay namin? Magagawa ko kaya ang mga gusto ko? Napakarami kong tanong sa isip ko pero hindi iyon mabigyan ng sagot dahil wala akong karapatan na magtanong. Bata pa lang ako kailangan ko ng tumayo sa sarili ko para maging proud sila sa akin, kailangan kong makakuha ng mataas na marka sa lahat ng mga subjects ko para mapansin nila ako pero kahit anong gawin ko wala akong kwenta lalo na noong nag high school na ako, may isang pagkakamali akong nagawa na halos ikulong ako ng sarili kong ama sa stock room namin. Mababa kasi ang nakuha kong grade sa isang subject ko noon at nahuli ako ni mommy na tumatakas nung gabi para makipagkita sa mga kaibigan ko kaya naman tinawag niya si daddy at sobrang galit ni dad sa akin noon. Iyon din ang naging dahilan kaya lahat ng magiging kaibigan ko ay kailangan kilala nila at dapat magustuhan nila hanggang sa wala na talaga akong naging kaibigan dahil sa takot sa magulang ko at sa sobrang daming bawal gawin, wala akong naging tunay na kaibigan hanggang ngayon. Noong inabutan ako ni dad dahil sa sumbong ni mommy ay isang buong araw akong hindi pinakain kinabukasan at ikinulong nila ako sa stock room, nakalabas lang ako dahil umalis sila ni mommy noon para sa business trip nila at naawa sa akin sila manang kaya pinalabas nila ako. Mas maituturing ko pang tunay na magulang si manang kesa sa mga magulang ko dahil sa bahay na ‘to si manang lang at ang mga kasambahay namin ang may pakialam sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD