Kabanata 3 - Anastasia Olivia POV

1149 Words
Maghapon akong hindi lumabas sa kwarto ko at mukhang wala naman pakialam ang magulang ko sa akin kaya hinayaan ko na lang din kesa naman para akong robot sa harap nila at halos hindi na ako makahinga sa harap nilang dalawa. Nang oras ng hapunan ay hindi ako bumaba para kumain, nagdahilan na lang si Manang na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na nila ako pinilit pero ang akala ko ay papalagpasin na lang nila iyon tulad ng ginagawa nila noon pero nagulat na lang ako biglang pumasok sa loob ng kwarto ko si mommy. “What happened to you?” tanong niya sa akin. “Masakit lang po ang ulo ko,” sagot ko sa kaniya at bahagyang yumuko. “Drink your medicine because you need to be at the office early in the morning for the annual meeting with the shareholders,” sabi sa akin ni mommy at umalis na siya ng kwarto ko. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ko dahil sa ginawa ni mommy. Akala ko pa naman ay nag aalala talaga s’ya sa akin pero ang iniisip pala n’ya ay ang annual meeting bukas na kailangan ang presensya ko dahil sa mga kailangan kong ireport na project ng kompanya. Hindi na ako nasanay sa kanila, lagi naman ipinaparamdam sa akin ni mommy na mahalaga lang ako dahil sa kompanya pero kung siguro na nand’yan si ate sa tabi nila ay hindi ako mapapansin at baka si ate pa nga ang nasa posisyon ko sa kompanya. Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng kwarto ko ng bumukas iyon at pumasok naman si Dad kaya umayos ako ng upo ko. “Dad,” tawag ko sa kaniya sa mahinang tinig. “I heard from your mom that you’re sick,” sabi niya sa akin. “Masakit lang po ang ulo ko pero iinom na po ako ng gamot, you don’t have to worry about the annual meeting for tomorrow dad because I will be there and present the projects to the board,” sabi ko sa kaniya. “That is good, I don’t want to be embarrassed tomorrow if you will not present it well. Jaxon will be part of the meeting tomorrow so I guess you can ask for his help,” sabi pa sa akin ni Dad. “Dad I can manage it and Jaxon know nothing about the projects of the company,” sabi ko kay daddy. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at bakit ipinipilit niya si Jaxon na tulungan ako sa kompanya eh kaya ko naman ang sarili ko. Kahit pa nga hindi ko gusto ang kursong kinuha ko ay nagagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. “Just do what I say. Jaxon will help you and I trust that man, he knows a lot and if your sister is here, I would arrange a marriage for them,” sabi ni dad sa akin. “Dad she’s not here anymore,” sabi ko sa kaniya at yumuko. “I know, your sister could do better than you, but I have no choice because she’s not here and I only have you to help me in the company so don’t disappoint me again,” sabi ni Dad sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya, “I will not disappoint you again dad,” sabi ko sa kaniya. “Good, rest now because we are early tomorrow!” sabi niya sa akin at lumabas na ng kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib ko pagkaalis ni dad at ung luhang kanina ko pa pinipigilan na tumulo noong nand’yan si mommy ay lumabas na ngayon dahil sa mga binitawang salita ni dad sa akin. Kung masakit para sa akin ang sinabi ni mommy mas masakit ang kay daddy. Buong buhay ko inilaan ko para sa kanila, para sa kompanya at para sa lahat ng gusto nila pero hanggang ngayon wala pa rin pala akong silbi sa kanila dahil si ate pa rin ang magaling sa paningin nila. Ako ang kasama nila araw-araw pero hindi ko makuha ang pagmamahal nila. Ang sakit para sa akin na ang tinign lang sa’kin ng mga magulang ko ay isang puppet na minamanipula nila, masakit na kung ituring nila ako ay isang tauhan hindi bilang isang anak at ang masakit sa lahat ay kahit anong gawin kong maganda at tama ay nagiging mali kapag may nagawa akong isang bagay na hindi nila magustuhan. Kung kanina hindi totoong masama ang pakiramdam ko ngayon ay masakit na talaga ang ulo ko dahil sa pag iyak ko. Ang dami kong gustong sabihin kina mommy at daddy na sama ng loob ko pero hindi ko magawang masabi sa kanila kasi natatakot ako. Ayokong masaktan ko sila sa mga masasabi ko kaya tinitiis ko na lang lahat pero hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang tiisin ang sakit sa dibdib ko na ‘to. “Oli, anak!” tawag sa akin ni manang ng pumasok s’ya ng kwarto ko. “Manang,” tawag ko sa kaniya at bumuhos na naman ang mga luha ko ng makita ko si manang. Lumapit s’ya sa akin at agad akong yumakap kay manang, noong bata pa lang ako si manang na talaga nag aalaga sa akin at ang tanging taong nag aalala sa akin. “Tahan na anak,” sabi n’ya sa akin. “Hindi ko sila maitindihan manang, bakit mas mahalaga pa sa kanila ang negosyo kesa sa akin? Bakit kapag kay ate okay lang sa kanila lahat pero kapag sa akin hindi?” tanong ko kay manang at umiyak ako ng umiyak sa kan’ya. “Hindi naman ganun ‘yon Oli, gusto lang naman ng mga magulang mo a protektahan ka at mahalaga ka sa kanila,” sabi sa akin ni manang. Hindi na lang ako kumibo sa sinabi ni manang dahil hindi naman totoo ‘yon, hindi na ako bata para maniwala na mahalaga ako sa magulang ko dahil kung totoo ‘yon, noon pa lang ay pinapahalagahan na nila ako at hindi tinatrato ng ganito. “Manang iwan n’yo po muna ako,” sabi ko kay manang at kumalas sa pagkakayakap n’ya sa akin. “Sige kung ‘yan ang gusto mo pero nasa baba lang ako at kung kailangan mo ako ay tawagin mo lang ako,” sabi n’ya sa akin. “Opo,” sagot ko sa kan’ya. Nang lumabas na si manang sa kwarto ko ay niyakap ko na lang ang sarili ko, kailangan kong ayusin ang sarili ko kasi hindi pwedeng ganito ako. Hindi pwedeng maging mahina ako dahil mas lalo lang akong masasaktan. Kailangan ko pang tatagan ang loob ko para sa sarili ko kasi kung hindi ko gagawin ‘yon ako lang din ang mahihirapan at mas lalong masasaktan. I am a Montenegro pero sana hindi na lang ako naging isang Montenegro kung ganito kahirap dalhin ang apelyido ng pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD