“ANONG FEELING?” Inirapan ko si Heziah. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol sa nangyari kanina. Medyo naririndi na rin ako. Hindi pa rin ako tinitigilan sa panunukso ng mga loka-loka kong kaibigan! Mukhang mga tanga lang.
“Sama ng loob,” sabi ko sa kanya na ikinasimangot niya. Narinig naman nila Candy ang isinagot ko. Tinaasan nila ako ng kilay. Syempre, ‘di ako nagpapatalo. Tinaasan ko rin sila ng kilay. ‘Kala nila, ha.
“Weh?” sabay na sabi ng mga animal na ikinangiwi ko. Napatingin ako sa paligid namin at pansin kong pinagtitinginan kami saglit ng iilang kaklase namin bago nagpatuloy sa kanilang ginagawa.
“Ayaw maniwala. Ano ba ang ini-expect n’yong sasabihin ko? Mga yawa talaga, eh, kahit kailan.” Nilagay ko sa bag ang aking communication notebook. Tapos na kasi ako sa pagdikit ng mga sheets.
“Hindi ka man lang ba kinilig?” Jessile asked while applying liptint on her lips and cheeks. Grabe, may liptint na nga ang boang nag-apply na naman. Wala talagang takot kahit nasa harap lang namin si Miss Mitch at nagpapatugtog ng mga kanta ni Olivia Rodrigo. Bad b***h talaga ‘tong si Jessile.
“O ‘di kaya nag-wet?” Nanlaki ang aking mga mata sa tanong ni Jannah. Ba’t napunta naman doon? Nagtawanan naman ang mga animal. Hinampas ko sa braso si Jannah. Tawang-tawa niya namang inilayo ang kanyang braso sa akin.
“Anong wet wet ka r’yan? Kadiri kayo mga yawa!” I stated. Bad influence talaga, eh. Buti pa ako walang nalalamang ganyan. Char?
“Pero hey, mula no’ng nangyari ‘yon, tahimik na si baby boy mo. Bakit kaya? Sobra bang naapektuhan?” tukso ni Candy. Napatingin ako saglit kay Ayden. Tumatawa naman siya sa mga kwentuhan ng barkada niya pero hindi katulad kanina. Agad akong nag-iwas ng tingin.
“Baka naman na-drain. Alam mo na, social battery gano’n,” sabi ko na lang. Gan’yan din kasi ako minsan. Kapag nasobrahan sa pakikipag-socialize, para akong nade-drain and I just want to have some time with myself. What’s the term again? Solitude? Right.
“Nah. ‘Di pa ‘yan naka-get over. Pustahan, bukas chatmates na ‘yang si Ayden at Frostine.” My friends made a ‘yie’ sound and I couldn’t help but roll my eyes. My goodness! Ang bilis naman ng imagination nila. First day pa nga lang ng klase.
“Manahimik nga kayo r’yan,” sita ko sa kanila at pinagkrus ang aking mga braso. Kanina pa nila ako tinutukso! Buti pa si Ayden, mukhang chill lang life niya roon kasama ang mga barkada niya. Goodness, ganito ba talaga kapag mga babae?
“Ang sarap mag-t****k,” komento bigla ni Heziah. Napatingin siya kay Miss Mitch na marahang naghe-headbang at sinasabayan ang beat ng kanta ni Olivia. Broken hearted ‘ata adviser namin, ah. Feel na feel ang kanta.
“Edi mag-t****k ka. Sama mo na rin si Miss Mitch,” ani ni Jannah na hindi pa tapos sa pagde-design ng kanyang communication notebook.
“Yawa ka, ikaw na lang!” sabi ni Heziah at natahimik naman ang aking mga kaibigan. Itinuon na nila ang kanilang atensyon sa paggawa ng kanilang communication notebook. I sighed in relief. Na-drain na ‘yong social battery ko. Introvert things.
Kapag ganitong mga sitwasyon, gusto ko lang talaga manahimik. Parang nakakapagod makipag-interact. I just want to daydream or reminisce about the things that make me happy, hoping na wala sanang kakausap sa akin. Hindi pa kasi ako masyadong confident sabihin na drained na ang social battery ko. Baka ma-misunderstood ng iba, eh. Not everyone understands the concept of social batteries.
Napatingin ako sa aming tapat kung saan naroon si Ayden at ang kanyang mga barkada. Puro ito subsob sa kung ano mang ginagawang pagdidikit doon. Ayden bit his lips while sticking the sheets on his notebook at dahil nasa baba lang siya ng aircon, hinihimas nito ang braso paminsan-minsan.
Looking at Ayden made me remember how my heart skipped a beat upon seeing him for the very first time. Hindi ko alam kung bakit gano’n. May mga crush naman ako pero hanggang admire lang. They never made my heart beat twice or what. Maybe, na-intimidate lang talaga ako kay Ayden. First time ko kasi magkaroon ng bagong klase. Maybe, ‘yon nga ang dahilan. I shook my head. Bakit ko ba siya iniisip?
Kinuha ko ang aking pitaka sa aking bulsa. I opened my wallet and looked at Fire’s smiling face. Pinapakiramdaman ko ang t***k ng aking puso. Wala. Walang nangyari. Fire once made my heart beat fast just by looking at our picture. Aaminin ko, nagkagusto ako sa kanya noon. He was my childhood crush. Natigil lang noong tumuntong ako ng high school.
I caressed Fire’s face. Naninilaw na ang gilid ng polaroid. He kissed me on my cheek and I could still remember how I felt when he did that. Nakakagulat. Nakakakilig. Oh, ‘di ba, ang bata bata ko pa no’n pero marupok na ako. Kahit na marupok ako, I never had any boyfriends. Although, may mga nag-ask ng permission kung pwede bang manligaw pero nire-reject ko. I’m not ready for commitments. Gusto ko, ‘pag tungtong sa college lang ako magka-gano’n. Isa pa, iniisip ko kasi ang social battery ko. I want someone to understand my social battery and my chaos, hindi lang puro kilig at banat.
Ang generation ngayon ay puro sparks at s*x lang ang hanap sa isang relasyon when in fact, that’s not how love works. May iba kasi na naghihiwalay dahil wala na ang sparks o ‘di kaya nakahanap ng bago na mas magaling pa sa kama. Sobrang babaw ng tingin ng mga tao ngayon sa pag-ibig and I hate it. Kapag wala na ang sparks, ‘matic hiwalay. Kapag boring na ang relasyon, ‘matic alis. That’s not how love works. Love is all about staying even when things get messy. Love is all about knowing when to stay and knowing when to let go.
Nagiging boring naman talaga ang relasyon, eh, as time goes by. Nawawala rin ang sparks. Pero ang solution n’yan, try to reignite the spark again instead of seeking it through other people kasi love naman ang dahilan kung bakit may commitment, ‘di ba? Hindi sparks? Or maybe, the youth look at it the other way around and that’s their mistake.
I let out a sigh. May iba rin na kahit toxic na ang relasyon, hindi pa rin umaalis dahil mahal nila ang tao. If only people knew that they deserve so much more. . . They just keep on ignoring the red flags. I really really hate it.
Napatingin ako kay Jessile. Itong si Jessile, may boyfriend ito noon. They lasted for 3 years and their relationship was too toxic. Parati na namin itong sinasabihan kaso ang animal, hindi nakikinig. Talagang pinagpatuloy ang bugso ng damdamin. Iyak lang nang iyak ang gaga. Nakakapagod na mag-advice kung hindi lang naman nakikinig. Buti nagising na ang gaga sa katotohanan. Ayun, nag-glow up nang todo pagkatapos.
Biglang tumunog ang bell, hudyat na recess na. Nakahinga ako nang maluwag. Ang mga kaklase ko naman ay todo inat. Thank God. Gusto ko nang umuwi. Half day lang naman ngayon, eh, sapagkat first day pa ng klase.
Muli kong binalik ang aking pitaka sa bulsa at nauna nang tumayo. Tiningnan ko ang aking mga kaibigan na nilagay ang kanilang communication notebook sa bag. Nag-retouch pa ang mga bruha. Napairap na lang ako at kinuha ang salamin ni Jannah. I looked at my face and my eyebrows. Okay pa naman. May kilay at liptint pa ako. Hindi nga lang gano’n kahalata.
“Jessile, bibig mo,” sita sa kanya ni Candy. Sobrang pula na talaga ng labi niya. Paniguradong mapapagalitan na naman siya. Jessile just rolled her eyes and flipped her hair.
“Papainggitin ko si sister.” Malakas kaming naapatawa sa kanyang sinabi. Yawa talaga ang bruha kahit kailan!
Sabay kaming lumabas at nagtungo sa canteen o ang tinatawag na Marie Louis Hartzer Building. ‘Di ba, kahit canteen may pangalan. Lahat talaga ng buildings dito sa SACS may name. Iba rin.
At dahil nakakapagod gamitin ang hagdanan, we decided to use the ramp. Sa kabila kasi ay hagdan habang sa kabila naman ay ramp. Isa pa, kapag dadaan kami sa ramp, nasa 2nd floor lang kasi ang entrance ng 2nd floor sa canteen so madali lang makarating sa canteen kung ramp ang gagamitin.
“Naalala niyo no’ng hinimatay si Hazel dahil nagpabida ang gaga nakakita raw siya ng multo?” kwento ni Jannah na ikinatawa namin.
“Hoy, gaga! Talagang apat na staff ang nagbuhat no’ng foldable stretcher! Buti nga ‘di ‘yon napunit, eh,” natatawang sabi ko. Ang laki naman kasi talaga ni Hazel. Inis na inis talaga kami sa kanya kasi sobrang OA rin. Lahat siguro ng negatibong katangian nasa kanya na! Sobrang selfish din ng bruha.
“Ba’t ba kasi naging kaklase pa natin ‘yan? Talagang nakakainis, eh,” maktol ni Candy. “Pwede namang do’n na lang siya sa kabilang section mangdemonyo,” inis na sabi nito. Tumaas ang kilay ko sa narinig. Weh?
“Sabihin mo na lang, bitter ka pa rin sa ex mo,” tukso ni Heziah na ikinatawa namin nang malakas. Taga-kabilang section kasi ang ex ni Candy, eh. Napairap lang si Candy sa narinig.
Natigilan kami nang nakita si Sister Jackie sa canteen. Nag-aalala kaming napatingin kay Jessile ngunit, tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad na parang walang nakita. Hala! Tapang ng bruha pota!
“s**t,” napamura ako no’ng huminto siya sa tapat ng stall kung saan may nagtitinda ng siomai rice, ang kanyang paborito.
“Tangina brave,” komento ni Jannah. Paano ba nama’y nasa likod ni Jessile si Sister Jackie?
Agad naming sinundan si Jessile at nagmano kay sister. Ngumiti lang ito sa amin at para namang hindi nito napansin si Jessile. Nakahinga kami nang maluwag. Probably, dahil sa dami na rin ng tao.
“Sarap,” wika ni Jessile pagkatapos bumili ng siomai rice. Napatingin pa ito kay Sister Jackie na nasa kanyang harap. Si Sister Jackie naman ay patingin-tingin lang sa paligid. Unbothered queen ka, ghorl?
“Bili muna ako ng kwek kwek,” paalam ni Heziah at nagtungo sa stall kasama si Candy. Si Jannah naman ay pumila rin upang bumili ng siomai rice. Si Jessile naman ay naghahanap ng upuan namin.
Nagtungo ako sa baba upang bumili ng cheesy kamote. Dinurog ito na kamote na binalot sa lumpia wrapper tapos binudburan ng cheese powder. Talagang napakasarap! Miss na miss ko na talaga ‘yon! SACS lang nagbebenta no’n, eh. Dalawang buwan na rin simula no’ng huli kong kain ng cheesy kamote.
Pagkarating ko roon ay gano’n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang nag-iisa na lang ang cheesy kamote. s**t? Ang bilis? Tangina, best seller talaga, eh.
Mabilis akong nagtungo roon upang kukunin na sana at no’ng nahawakan ko na ang siomai paper plate kung saan nakalagay ang cheesy kamote, may kamay rin na humawak doon. Mabilis akong nag-angat ng tingin upang sana’y sabihin na ako ang nakauna ngunit, umurong ang aking dila nang mapagtanto kung sino iyon. Nahigit ko ang aking hininga at parang may kung anong kiliti akong naramdaman sa tiyan.
Tangina? Ba’t si Ayden pa?
Napamura ako sa aking isipan. Mabilis kong binitawan ang cheesy kamote na agad niya ring ginawa. He scratched the back of his head and pointed at the food. “Sa ‘yo na,” sabi pa nito. Bigla akong nahiya.
I smiled and shook my head. Naramdaman kong pinagpawisan na ang aking palad. “No, sa ‘yo na lang. Dynamite na lang sa ‘kin,” I insisted. Kapag wala na kasing cheesy kamote, alternative ko ang dynamite.
“Sure ka?” sabi nito. Tumango ako at pasimpleng pinahid ang aking kamay sa aking palda.
“Yes. Maraming beses ko nang nasubukan ‘yan, eh. Ikaw na naman. Try. Para sa returnee.” s**t! Muntik pa akong mabulol habang sinasabi iyon. Bakit ba ganito? Dapat chill lang ako. Si Ayden lang ‘yan!
Tumango-tango naman ito. “Okay. Thank you. But to make it up to you, ako na maglilibre sa ‘yo ng dynamite,” sabi nito at binayaran ang cheesy kamote. He said his thanks and looked at me. May ngiti sa labi nito. s**t! Ba’t ang pogi?
I shook my head. “No, okay lang talaga, swear. You don’t have to,” I stated. He shrugged his shoulders.
“If you say so. Sige, una na ako. Kita na lang sa classroom,” he said and winked at me before leaving. Natuod ako sa aking kinatatayuan.
Okay? What was that, St. Alphonsus?