W

2028 Words
HINDI pa rin mawala sa isip ko si Ayden, ang bago naming kaklase. Napag-alaman kong returnee pala siya. Sa SACS siya nag-elementary tapos lumipat ‘nong high school. Ngayong SHS lang bumalik ‘nong napag-alaman na may STEM sa SACS. And he’s quite famous! Kilalang-kilala siya ng mga old students. “Alam mo ba? Sobrang galing n’yan mag-volleyball,” bulong ni Candy sa akin. Sa gilid ko naman ay si Jessile. Kapwa kami nakatingin kay Ayden na ngayon ay nakikipaghalubian sa mga kaklase naming lalaki. Tawang-tawa ito at halata ang saya sa mukha. “Talaga?” tanong ko habang nakatitig pa rin kay Ayden. I don’t know but there’s something with Ayden and that’s the reason why I can’t just take my eyes off him. Is it because of the way he carries himself? “Super! May one time pa nga na binuhat niya buong team ‘nong patalo na sana sila sa third set. Siya kasi ‘yong setter at kada set niya, hindi masasalo ng kalaban. Ayun, panalo!” komento ni Jessile na halata ang paghanga para kay Ayden. Mas lalo akong namangha. Kaya pala sobrang ganda ng build ng katawan nito. Parang puputok na ang mga muscles nito sa suot na uniform. “Ang galing niya naman pala. Sana all,” wika ko at napagdesisyunang mag-iwas ng tingin. Baka kasi mahuli ako nito na nakatitig sa kanya. Mahirap na. Baka ano pa ang isipin. Binalik ko nalang ang atensyon sa aking communication notebook na wala pang laman kundi designs lang. Si Miss Mitch naman ay lumabas muna upang kunin ang mga sheets na ilalagay namin sa communication notebook. Sa communication notebook namin isusulat ang mga announcements kagaya nalang kapag walang pasok at kailangan ipapa-sign namin ito sa isa sa mga parents or guardian upang magradohan. “Naks naman! Advanced mindset talaga parati, oh! May design na kaagad ang communication notebook!” sabi ni Candy ‘nong nakita ang notebook ko. I winked at her and flipped my hair. “Well, para naman wala nang alalahanin. Diretso cut nalang sa mga sheets at dikit, ‘di ba?” I said. Nakita ko namang tumaas ang kilay ni Candy at napangisi. “Well, true! Kaya nga ginaya ko style mo, eh!” sabi nito sabay pakita ng communication notebook na may desinyo na rin. Napangiti naman ako habang si Jessile ay umirap. “Sipag niyo pero mas masipag ako!” Napatingin kami ni Candy sa kanyang notebook nung dahan-dahan niya itong binuksan. May pa slow-mo effect pa. Natigil ang ngiti namin nung tumambad na sa amin ang laman ng notebook nito. “Ang linis, ‘di ba?” proud niya pang sabi. Loka-loka talaga ‘to kahit kailan! We gave her a poker face. “Sobra. Ang linis ng notebook mo, Jessile! Walang kalaman-laman.” Walang laman ang notebook niya. Walang design. Literal na malinis talaga. Napatingin ako sa kanyang mga labi na sobrang pula. Grabe naman! ‘Nong grade 11 pa ‘to ganyan hindi talaga nadadala. “Pula ng labi natin, girl, ah. Talo si Miss Kim,” komento ko. Jessile puckered her lips and got her mirror. Pigil ko ang aking tawa nung mas lalo pa nitong pinahiran ng liptint ang labi. Si Miss Kim ang teacher namin sa Filipino noon na sobrang pula ng labi at sobrang kapal kung makalagay ng foundation sa mukha. Hindi nga pantay kulay ng mukha at leeg nito, eh. “Bad bitch talaga,” natatawang bulong ni Candy habang kinukuha ang kanyang 2 by 2 na pic. “Smile!” Napasinghap ako sa sigaw ni Heziah. May bitbit itong cellphone at nakaharap ito sa amin. We immediately posed. Tapang talaga kahit kailan, eh! Si Heziah ang kaklase naming magaling sumayaw. Ito parati ang nagcho-choreo sa amin kapag may dancing competition na nagaganap katulad nalang ng cheerdancing, chacha, mga gan’on. Actually, maraming magaling sumayaw sa section namin at isa na ako ‘don. Hashtag, proud. “Ano ba ‘yan, Heziah. Sabing bawal ang cellphone, eh!” Dumadagundong sa loob ng classroom ang boses ni Hazel. Siya ang pinakamataba sa classroom namin at pinaka-rich. Ngunit, grabe ito mang-look down at sobrang competitive. Matalino rin at sobrang stick sa rules pero hindi naman nito nagsusumbong sa mga teachers. I let out a sigh. Palihim akong napairap. “Weh? Eh, ikaw nga, nagdala ng cellphone ‘nong grade 11. Ironic naman,” sabat ni Candy dito. Pinigilan ko na huwag mapatawa lalo na nung namula si Hazel at yumuko. Hindi na ito muling nagsalita. Burn. “Ayan kasi, masyadong nagmalinis,” sabi ni Janna at halata sa kanyang boses ang inis. Kaming lahat talaga inis na inis kay Hazel. May pagkakataon naman na okay siya. Minsan okay, parating hindi. Nakakabwiset lang. Biglang nahagip ng mga mata ko ang mata ni Ayden. Nakatitig ito sa akin at parang walang pakialam sa pinaguusapan ng mga barkada niya! Lihim akong napasinghap lalo na nung binigyan ako nito ng ngisi bago nag-iwas ng tingin. Parang biglang lumukso ang aking puso. Anong ibig sabihin ‘non? “Okay ka lang?” Napakurap ako nung tinapik ni Jannah ang noo ko. Napatingin ako sa kanya. Kunot ang noo nito na para bang nagtataka sa reaksyon ko. Umawang ang aking labi nang maalala ang nangyari. Hindi pa rin mawala sa isip ko! Was he just being friendly? “Bibig mo, Forstine, mapapasukan ng titi.” Humagalpak ng tawa sina Heziah, Janna, at Candy sa sinabi ni Jessile. Napangisi ako at sinakyan ang kanyang biro. “Ay bet ko ‘yan lalo na pag titi ni crush!” sabi ko at sinundan ito ng hagikhik. Malakas naman silang napatawa sa aking sinabi. “Pokpok ka talaga!” komento pa ni Heziah habang natatawa. I just flipped my hair and wiggled my eyebrows. “Well, kanino pa ba nagmana? Sa inyo lang naman. Ang gaga parang walang anim na crush ah,” sabi ko Kay Heziah. Mahina itong napasinghap at tumaas ang kilay. “Ulol! Anong anim ka dyan? Huli ka na sa balita, gaga! Seven na ngayon!” sabi nito at tiningnan ang tapat namin kung saan nandoon ang mga lalaki naming kaklase. Bahagya pa itong natigilan. Suminghap ito at tumingin sa amin. “Tingnan niyo si Ayden, nakatitig dito!” mariing sabi niya na halatang pinipigilan ang kilig. Tumayo ang aking mga balahibo sa narinig at dahan-dahang lumingon sa tapat. And true to her words, nakatitig nga ito sa amin. Specifically, sa akin. Nahigit ko ang aking hininga at napahawak ako nang mahigpit sa aking notebook. Walang emosyon na mababahid sa mga nito habang nakatitig sa akin. Biglang nagririgodon ang aking puso at pakiramdam ko’y para akong aatakehin. Holy shit! Banal na St. Alphonsus, bakit ito nakatingin sa akin? Naramdaman kong pinagtitinginan na ako ng mga kasamahan ko. Gan’on nalang ang gulat ko nung bigla nitong inayos ang buhok habang nakatingin sa akin na para bang nakaharap lang sa salamin. Salamin? Salamin?! “Pota! Akala ko pa naman!” Tawang-tawa ang mga kasamahan namin sa realisasyon. Mabilis kong tiningnan ang aking likod at mahinang napasinghap ‘nong napagtantong kitang-kita sa clear na jalousie ang repleksyon nito. My heart suddenly goes into my stomach. Bigla akong nadismaya at pilit ko iyong itago. Tangina naman! Ba't ba ako nadismaya? Don't tell me inaasahan mong ikaw tinitigan ni Ayden? “Akala ko mabebenta na si Frostine tanginang jalousie,” pagmumura pa ni Jessile at hinampas ang jalousie sa aking likod. Nakikitawa nalang ako upang matakpan ang aking disappointment. Bakit ba kasi ako umasa na ako ‘yong tinitingnan niya? Bakit niya naman ako titingnan? Ano ba 'yan! Nakakahiya. Maya’t-maya lang ay pumasok na si Miss Mitch bitbit ang mga sheets kaya nama’y natahimik na ang buong klase. Mabilis naman na itinago ni Heziah ang kanyang cellphone sa bag. “Okay, class. Ito na ang Monitoring Sheet natin at Circular Activity Sheet for the month of June. Ayden, please distribute the Circular Activity Sheets and Nikkie. . .” Kumunot ang noo ni Miss Mitch kaya nama’y napatingin kami kay Nikkie. Siya kasi ang class president namin ‘nong grade 11 tapos ako ‘yong vice. Gan'on na lang ang aking pagtaka 'nong makitang wala ito sa kinauupuan. Saan naman kaya nagpunta 'yon? “Nasa C.R po, Miss,” narinig kong may sumagot. Gan'on nalang ang paninigas ko 'nong bumaling si Miss Mitch sa akin. “Ikaw nalang, Frostine.” Tangina? Napatingin ako kay Ayden na naglakad papalapit kay Miss Mitch habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tumayo, pilit na huwag ipahalata ang aking kaba. Naglakad na ako papalapit kay Miss Mitch at nakatuon lang ang aking tingin sa mga sheets. Hindi ko pinansin si Ayden 'nong nakalapit na ako. Sobrang lapit namin at amoy ko ang gamit niyang pabango! Nanuot ito sa aking ilong. I prevent the urge to bury my face on his chest. Bakit ba ang pokpok ko? Sabay naming kinuha ang dalawang sheets at napatalon ako sa gulat nung nagkadampi ang braso namin. Saglit akong natigilan 'nong parang may kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Nahigit ko ang aking hininga sa naramdaman. Naramdaman kong natigilan din si Ayden! Naramdaman niya ba iyon? Mabilis naman itong kumilos at tumalikod sa akin. Napakurap ako at napahawak sa braso kung saan dumampi ang braso ni Ayden. Fck. I need to focus. Pinikit ko ang aking mata at tumalikod. Nakita kong nagdi-distribute na rin si Ayden ng mga sheets. Nagsimula siya sa left side at dahil ayokong mapalapit sa kanya, I decided to start on the right side. At dahil first day pa, naka-U ang shape ng mga upuan namin at may malawak na space sa gitna. Mabilis lang ang ginawa kong pag-distribute. “Hawakan mo akin,” sabi ko kay Jannah nung nakarating na ako sa tapat nila. Sa likurang bahagi naman ay si Jessile. Halatang-halata ang panunukso sa mga mata ng lukaret kong mga kaibigan. Napairap nalang ako at umiling-iling bago lumipat sa kabilang side ngunit, gan’on nalang ang gulat ko nung nakasalubong ko ang katawan ni Ayden pagharap ko. Shit! I took a step backward ngunit natapilok ako. “St. Alphonsus!” tawag ko sa pangalan ng aming santo nang maramdamang pabagsak na ako. Fck naman! Sa harap pa talaga ako ni Ayden babagsak! Mahina akong napasinghap nung may braso na pumulupot sa aking bewang. Nabitawan ko ang monitoring sheets at napahawak sa kanyang braso. Nanlaki ang aking mga mata sa sobrang lapit ng mukhha namin. Nakatitig lang ito sa akin at parang may emosyon na dumaan sa kanyang mga mata na hindi ko mawari. My heart skipped a beat. Humigpit ang kapit ko sa kanyang braso. Pakiramdam ko’y nahihirapan na akong huminga sa lakas ng tibok ng puso ko. I gasped as my gaze dropped to his lips. “Kantahan natin ng Summer Time!” Mabilis kong naitulak si Ayden nang marinig ang pagkanta ng aming kaklase. Tumikhim ako at inayos ang aking buhok. What the fck was that? Ayden distanced himself from me. Nakita kong yumuko ito upang pulutin ang mga nahulog na monitoring sheets. Tinulungan ko naman siya sa pagpulot. Tangina! Tangina! Tangina! Nakakahiya! Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi sa nangyari. I bit my lips hard. Napuno pa rin ng tuksuhan ang classroom. “First day na first day mukang may couple na agad, ah,” tukso pa ni Miss Mitch kaya mas lalong nag-ingay ang aming mga kaklase. Fck! Putangina! Mariin kong pinikit ang aking mga mata at agad itong binuksan. Ramdam ko ang pagkilos ni Ayden sa aking tabi. Base sa kanyang pagkilos, alam kong nahihiya rin siya sa nangyari. Sino ba naman ang hindi? Pilit kong huwag ipahalata ang aking pagkahiya at pinulot ang nag-iisang monitoring sheet. Napatalon ako sa gulat nung sabay naming inabot ni Ayden iyon. Ako ang nakauna kaya naman ang kanyang kamay ay nasa ibabaw ng kamay ko. Kapwa kami natigilan at nakatinginan sa isa’t-isa. Kita ko pa ang pamumula ng kanyang mukha. “Ayiee!” Para naman kaming natauhan at mabilis na nag-iwas ng tingin. Narinig ko pa ang kanyang pagtikhim. Kinagat ko nang mariin ang aking pang-ibabang labi. Shit naman! Ano ba ‘tong first day ko, St. Alphonsus? -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD