Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 10, 2019 Part 51: Ang Puso ni Kiran Naupo kami ni Kiran sa loob ng isang pahingahan na animo karwahe ni Cinderella, maganda ito at gawa sa purong pilak ang bawat desenyo. “Paano nag karoon ng ganito dito?” ang tanong ko Natawa ang hari “Ito ay laruan ng bata sa sibilisasyon ito. Minsan sa isang taon ay umaakyat sila sa ibabaw ng mundo upang mag libot, mag tungo sa mga siyudad at makisalamuha sa mga normal na tao. Kaya nga kung iyong iisipin, sa bilyong tao sa inyong planeta, ilan kaya doon ang alien at nag papanggap na tao? Maaaring isa sa kanila ay nakasalubong mo na o nakakausap pa.” “Nasa harap ko naman ang patunay.” sagot ko habang umiinom ng maraming tubig. Umuusok ang aking katawan ngunit nagiging maayos ang aking pakiramdam. Tawa