Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi "Delikado ang humarap ng mag isa baka isa itong patibong." ang wika ng hari. "Malalaman natin iyan. Dito lang kayo at mag masid. Ayos lang ako, maraming beses na kaming nag harap ni Cyan. At mukhang ako pa rin ang kanyang pakay at ang kapangyarihan ni Mirai.” sagot ko at dito at binuksan ko ang portal sa isang maliit na fountain area at saka ako umangat paitaas.. Sa kinalalagyan ni Cyan.. Part 52: Si Cyan, Ang Haring Baliw Gamit ang portal sa tubig ay umakyat ako sa pinaka ibabaw ng Antartica, hawak ko ang aking sibat at dito ay agad kong nakita si Cyan na nakatayo sa di kalayuan. Nakangisi ito at nakapako ang tingin sa akin. Malamig ang gabing iyon dahil nag yeyelo ang paligid.. Lumakad siya patungo sa akin kaya naman kumilos rin ako pasu