Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 21, 2019 Part 21: Kasunduan “Nakita mo na? Ang lahat ay umaasa sa iyo. Ikaw ang aming nag iisang alas Irvin. Ikaw ang uukit ng bagong pahina sa aming kasaysayan. Ikaw ang aming bayani, ang lahat ay nag papasalamat sa iyong pag dating.” ang wika ng hari habang pabalik kami sa kanyang palasyo. “Mababawi mo pa ba ang sandata sa aking dibdib? Maiaalis mo pa ba ito sa akin?” ang tanong ko. “Hindi na, iyan ang nag bibigay ng lakas sa iyong katawan, katulad ng sinasabi ko sa iyo dati, patay kana noong maiahon ka namin sa karagatan, nabubuhay ka dahil sa supply ng enerhiya sa iyong dibdib. Matatanggal lamang namin ang sandata sa iyong katawan kapag ikaw ay wala nang buhay at wala nang makuhang signal ang enehiya sa iyong katawan kusa ito hihiwalay. Ngun