Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 20, 2019 "Mahal na hari, naka hanap na kami ng tubig na maaaring tugunan ng portal para maitawid si 0type0. May isang maliit na anyong tubig kaming nakita na malapit sa kanya at doon namin siya hinigop." Humarap ako sa kawal na parang nakaramdam ng pinag halong pag kainis at pandidiri. "Alam niyo ba kung anong tubig iyon? Iyon ay tubig sa kubeta, alam niyo ba kung ano yung kubeta? Doon dumudumi at umiihi! Bakit?! Bakit doon? Anong kasalanan ko sa planeta niyo upang doon ako padaanin?!" ang galit kong sigaw. "Nariyan na po pala kayo 0type0! Tagumpay po ang pag ttransfer!" ang wika ng kawal sabay luhod at pag bibigay galang sa amin. Part 20: Ang Sinaunang Sandata “Maligayang pag dating sa iyo ginoong Irvin, ngayon ko lamang naalala ang pangalan mo