CHAPTER SEVEN

1996 Words

INIS na inilapag ni Sanya ang cellphone matapos niyang tingnan kung nag-message ba sa kanya si Ethan, pero wala. Higit siyang naiinis sa binata dahil dalawang araw na ang lumipas mula noong huli niyang punta sa isla, pero ni isang text sa kanya ay hindi nito ginawa. "Oh, bakit nakasambakol 'yang pagmumukha mo?" tanong sa kanya ni Alina na naupo sa harapan niya. Kasalukuyan siyang nasa Angel's House. "Naiinis kasi ako kay Ethan," Nangunot noo nito. "Ethan? Sino naman 'yun? Naku, Sanya ha! Huwag mong sabihin sa'kin na panibagong lalaking lolokohin mo na naman 'yan!" Inismiran niya ito. "Lolokohin ka dyan!" Tinaasan siya nito ng kilay. "Oh, bakit? Diba ganun ka naman?" Anito na kumagat sa saging na dinala niya para rito. Paborito laso nito ang saging. "Lagi ka naghahanap ng boylet tapos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD