"ANONG lulutuin mo?" Tanong ni Sanya kay Ethan. Nagsisimula na kasi siyang maggayat ng mga gulay at ibang sangkap para sa lulutuin niyang buttered vegetables. "Buttered vegetables," agad niyang sagot. "I don't eat vegetables, pero sigurado akong masarap 'yan," Nang lingunin niya ang dalaga ay titig na titig ito sa kanya at merong pang-aakit sa mga mata nito. "Are you referring to me o itong lulutuin ko?" "Ang lulutuin mo syempre, Ethan." She smiled teasingly. "Hindi pa kita natitikman, pero alam ko na agad na masarap ka." Naiiling na ngumiti siya at ipinagpatuloy ang paggayat ng mga gulay. "Can I help you?" Saglit niya itong nilingon. "Do you know how to slice vegetables?" Mabilis itong umiling. "Then, my answer is no." Ngumuso ito. "Sige na, I wanna help you. Diba sabi mo pwede