CHAPTER THREE

1518 Words
"SALAMAT sa pag-cover mo sa'kin sa meeting kanina." sabi ni Ethan kay Dillon mula sa kabilang linya, habang pababa siya sa hagdan. "Ayos lang, naipaliwanag ko naman sa mga empleyado kung bakit," Dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. "About the builders, maybe we can schedule the meeting around 7pm tomorrow, so that I can talk to them personally." Aniya na nagsalin ng tubig sa baso. "Are you sure? I can talk to them for you so, you don't have to leave the island," "Gusto ko rin na ako ang kumausap sa kanila personally tungkol sa project. Masyado na kitang naaabala, Dillon," Tumawa ng pagak ang nasa kabilang linya. "Kung naaabala ako edi sana sinabi ko na sa'yo. But if you really insist, kakausapin ko si engineer Acosta," "Thank you, Dillon!" Nahinto sa ere ang basong hawak ni Ethan nang may mahagip na anino ang mga mata niya na nanggagaling sa labas mula sa makapal na kurtina. Kunot ang noong humakbang siya doon at hinawi pabukas ang kurtina. Tumambad sa kanya ang estrangherang babaeng nakaupo sa railing na gawa sa punong kahoy. Kung hindi siya nagkakamali sa pagkakaalala, Sanya ang pangalan nito. Malapad itong ngumiti pagkakita sa kanya. Binuksan niya ang sliding door sa may portico. Hindi naman nasisinagan ng araw ang bahaging iyon kaya safe siya. "you're here again." kunot noo niyang tanong. "Who, me?" naguguluhang tanong ni Dillon. Nasa tainga pa rin kasi niya ang cellphone. Bumaba si Sanya mula sa pagkakaupo nito. "Hi!" Bati nito na humakbang palapit sa kanya. "Who's there? 'Yung babaeng magnanakaw ba nandyan ulit?" si Dillon. "I'll call you later." aniya na pinutol ang tawag habang ang mga mata ay nasa babae. "Bakit nandito ka na naman?" muling tanong niya. "Tada! May dala akong miryenda para sa atin." Itinaas nito ang supot na naglalaman ng isang galong ng ice cream. "Tara pagsaluhan natin." anito na nilagpasan siya. Hindi makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin hanggang sa kusina. Feel at home itong naglabas ng mga baso sa lagayan. "I didn't invite you in," matigas niyang sabi rito. "Akala ko magkaibigan na tayo?" nakangiti pa nitong tanong. "Friends? We're not. Now, get out." aniya na nilakihan lalo ang pagkakabukas ng sliding door. Nagbuga ito ng hangin at binitawan ang hawak na kutsara. "I told you, I'm not a bad person." "I don't care if you're not." "I'm interested with you," seryoso at walang kaabog-abog nitong sabi. "Are you?" hindi makapaniwalang natawa siya. "Look, hindi ako interisado sa'yo kaya mabuti pang umalis ka na," Nawala ang bahagya nitong pagkakangiti at seryosong tumitig sa kanya. "Sa pinapakita mo sa'kin, lalo akong nagkakaroon ng interest sa'yo." "What?" "Ang ibang lalaki, hindi titigil hanggat hindi nila ako nakukuha. Pero ikaw? Ikaw pa lang ang lalaking nagtataboy sa akin ng ganyan," "Well I'm not one of those men you're talking about," hindi niya alam kung compliment ba iyon o insulto. "I know, that's why nakuha mo ang interest ko," Nasusukuang hinilamos niya ang mukha. "I don't know what to say," "You have your phone. Pwede kang tumawag ng pulis kung sa tingin mo ay masama akong tao," anito sa seryoso pa ring mukha. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. "Okay, what do you want?" Ngumiti na ito. Pinigil ni Ethan ang sariling mapasinghap. If the woman was attractive when she was serious ay lalong higit pag nakangiti. How could any man resist this woman? "Just let me be your friend," anito. "That's all?" "Well, it's up to you if you want more than that?" she said in a flirty way. "Don't flirt with me, Sanya," "I'm glad you haven't forgotten my name," Paano nga ba niya magagawang kalimutan ang pangalan gayong kasing ganda nito? "Payag ka na ba maging kaibigan ko?" tanong nito na matamis ngumiti. Gusto niya itong iwasan tulad nang babala sa kanya ni Dillon, pero paano? Mayroong magandang ngiti ang dalaga na hindi niya gustong mawala sa mga labi nito sa oras na tanggihan niya ito. "Okay. I can be your friend," Kinagat nito ang ibaba nitong labi. "So, what's your name?" Nasusukuang muli siya nagpakawala ng buntong-hininga. "Ethan. My name is Ethan," Inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan. "Nice knowing you, Ethan." Tila may sariling isip naman ang kamay niya na inabot ang kamay nito para makipagkamay sa kanya. "We're friends now, hmmm?" "JUST friends." Sagot ni Ethan na nakipagkamay sa kanya. Just friends... Masaya siya na pumayag na itong makipagkaibigan sa kanya, pero alam niya sa sarili na higit pa doon ang gusto niya dahil hindi lang pakikipagkaibigan ang gusto niya mula rito, she want more than that. "Now, we're friends. Pwede na ba nating pagsaluhan itong dala kong ice cream?" "Sure," Naglagay siya ng ice cream sa baso at ibinigay iyon kay Ethan na agad din naman nitong tinanggap. Naglagay ulit siya ng ice cream para naman sa kanya. "Hmmm... Masarap din pala ang pistachio. Mahilig ka rin ba sa sweet foods?" maya'y tanong niya rito. Nakatayo lang ito habang siya ay naka upo sa stool chair. Sumubo muna ito bago sumagot. "Kahit ano naman kinakain ko," Bahagya siyang tumango kuway ay tinitigan ito. Ngayon lang niya napuna ang suot nito. Naka sweater jacket ito habang nakasuot ang hood sa ulo nito at isang puting jagger pants naman ang pang-ibaba nito. "Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira rito?" binaling niya ang tingin sa floating stairs. "Why you ask?" Nang ibalik niya ang tingin sa binata ay nakakunot ang noo nito. Natawa siya. "Relax. Wala akong balak na gahasain ka, Ethan. Nagtatanong lang ako," Dahil meron itong maputing balat ay hindi nakawala sa paningin niya ang bahagyang pagmula ng mukha nito. "Or are you willing to be my victim?" aniya na kinindatan ito. Ethan cleared his throat. "Finish your food then leave." binaba nito ang baso sa countertop at humakbang papunta sa hagdanan. "Iiwan mo ako rito?" Aniya na napatayo. Hindi niya akalain na bastab lang siya nitong iiwanan. "Lock the door when you leave," pagtatapos nito sa usapan. Inis na muli siyang naupo at inubos inubos ang natitirang laman ng baso niya. "Masyado kang mailap para sa isang lalaki, Ethan." hindi makapaniwalang sabi niya. "NAPANSIN ko na hindi ka na sumasama sa night out ng tropa? Ngayon ka lang ulit naligaw dito," si Danica. Humithit siya sa sigarilyong hawak niya. Kasalukuyan siyang nasa Queens Bar kung saan siya parating tumtambay kasama ang mga ito. "Meron lang akong iportanteng ginawa," sagot niya. Tinaasan siya nito ng kilay. "Anong mahalaga naman 'yan?" "It's none of your business, Danica." Nagsalin siya ng alak sa baso niya at pagkatapos ay tinungga iyon. "Balita ko you dump Francis and Dave. Nakahanap ka ba ng bagong mabibiktima?" tanong pa nito. "I'm already bored with them." walang ganang sagot niya. Natawa ito. "Kailan ka ba nakuntento, Sanya?" alam niyang may bahid na pangiinis ang sinabi nito, pero wala siyang pakialam. "I'm glad you're here, Sanya!" umiindak na lumapit sa kanila sa Libriana. "Kumusta ang pabalik-balik mo sa isla na 'yun?" "Sa isla?" clueless na tanong ni Danica. Nagsalin ng alak sa baso si Libriana. "Everyday nirerentahan niya ang isa sa mga yate ko para pumunta sa isla na 'yun," kwento nito. "Saang isla? Oh! 'Yung glasshouse na nasa private island?" si Danica. Makahulugang tiningnan siya nito. "Care to tell us kung sino ang binabalik-balikan mo roon, Sanya?" "Share, share share!" Umiindak na sigaw ni Libriana. She rolled her eyes. Hindi siya tatantanan ng mga ito hanggat hindi niya ikukwento ang tungkol doon. "The night Danica dare me to enter that house, nandoon ang may-ari ng bahay at nahuli niya ako," Suminghap si Danica. "Oh my! Bina-blackmail ka ba niya para bumalik-balik ka sa isla na 'yun?" "No," mabilis niyang sagot. "Then why are you still coming back to that Island? Huwag mong sabihing ginayuma ka ng lalaking nakatira doon? For sure may nangyari na sa inyo, knowing you," tila nangunguyam na sabi nito. Nagpakawala siya ng marahas na buntong hininga. "I don't know. There's something different about that man I want to know, at mali ka ng iniisip mo, wala pang nangyari sa aming dalawa," "That's new," si Libriana. Naningkit ang mga mata ni Danica. "Hmmm... And when you get what you want, you will dump him just like what you did to Francis and Dave?" Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Humithit siya sa sigarilyo. Hindi pa niya alam ang sagot, marahil dahil wala pa sila sa puntong iyon. "Remember this, Sanya. Baka imbis na siya ang mahulog sa'yo, ikaw pa mismo ang mahulog sa sarili mong patibong." si Libriana. "Come on! Let's enjoy the night!" Umiindak na muli itong bumalik sa dance floor at sumunod naman dito si Danica. Naiwan naman sa lamesa si Sanya at malalim na nag-iisip. Kahit man siya ay naninibago sa sarili niya. Hindi naman siya ganito na mag-aaksaya ng panahon sa isang lalaking pa-hard to get at lalong walang interest sa kanya. Pero pagdating kay Ethan, hindi niya gustong tigilan ito at sumuko hanggat hindi niya ito napapaamo. Kahit anong mangyari hindi niya hahayaang mangyayari ang sinabi ni Libriana. Kung sino man ang mahuhulog sisiguraduhin niyang hindi siya, kundi si Ethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD