Trex's PoV NAPANSIN ko na hindi mapakali si Malaikah habang nakaupo ito sa silya. Nakahalukipkip pa ang isang kamay nito at kinakagat ang hintuturo. Masaya akong ipagsigawan sa lahat na girlfriend ko si Malaikah. Wala nang makakapigil sa akin kahit na sino. Handa na rin akong harapin kung ano ang sasabihin sa akin ng pamangkin ko. Hindi na rin ako natatakot na magalit siya o kamuhian niya ako. Nakikita ko kay Malaikah ang mga katangian ng isang babae na hindi ko na dapat pang pakawalan. Nangako ako sa aking sarili na hindi ko na siya sasaktan ng pisikal ay emotional. Iiwasan ko na ring gumawa ng mga bagay na ikakagalit niya at ipagseselos. “Bukas nga pala, uuwi tayo sa inyo para makapirma ka na ng mga documents sa lupa mo. At dadaan na rin tayo sa Tatay mo para pormal akong magpakilala

