Malaikah's PoV “BA-BAKIT mo ako dinala rito?” naiinis kong tanong rito kahit na nag-iinit naman ang katawan ko sa ginagawang paghaplos ni Uncle Trex sa balikat ko. “Para makausap ka at makapagpaliwanag ako,” bulong nito habang dinadampian ng halik ang aking leeg. Nasa loob kami ng penthouse nito. Nakababa ang blinds sa tapat ng malaking bintana at nakaharap ako sa malaking salamin sa may sala ng penthouse nito. Itinulak ko ito nang marahan at saka ako humalukipkip. “Hindi mo ako makukuha sa ganyan…” Pinilit kong magtaray. “Sino ang Klea Ruel na iyon? Siya ba iyong babaeng tinutukoy mo sa akin kagabi?” Umatras si Uncle Trex at saka tumango. “Yes, siya nga iyon, sweetheart. Hindi ko inaasahan na pupuntahan pa niya ako rito. At para na rin maliwanagan siya sa estado naming dalawa… nag-us

