Trex's PoV NAUNA akong umalis sa penthouse ko dahil may meeting ako sa isang brand owner na gustong mag-advertise sa company ko. Si Drei ang kasama ko sa meeting at maiiwan naman si Malaikah sa office. Nagkita kami ni Drei sa may parking lot at dala nito ang tablet. Sumakay ito sa tabi ng driver's seat at ngumiti sa akin. “Kung blooming si Malaikah, ikaw naman parang bumata ng ten years,” pang-aasar pa nito sa akin. “Kumusta ang pagiging selosong boyfriend mo?” Masama ko itong tinignan habang nagmamaneho ako ng sasakyan. “Hindi ako seloso.” Tumawa ito ng mahina. “Hindi ba talaga? Halos simutin na ni Tine ang mga chocolates sa office ni Malaikah dahil sa utos mo. Chocolates lang iyon, Sir Trex.” “Chocolates na hindi ko binili para sa kanya,” panggigiit ko rito. “Hindi ka nga talaga s

