Trex's PoV “NAGSESELOS ka no?” mapang-asar na tanong ni Drei sa akin habang nakasandal ako sa may pintuan at nakatingin kay Malaikah na patuloy pa rin sa photoshoot. Nagmumukhang si Nate ang boyfriend nito dahil todo ang effort para sa dalaga na dapat ako ang gumagawa. Hindi ako umimik. “Nagseselos ka nga,” mahinang sabi pa nito sa akin na siniko ang tagiliran ko. “Kunwari ka pa diyan pero kumukulo na ang dugo mo kay Nate. Ganyan talaga dahil sa mata ng lahat single si Malaikah at walang boyfriend… at wala na ring fiancé. P'wede siyang ligawan ng kahit na sino at walang p'wedeng magalit. Unless… sumigaw ka rito at sabihin mong girlfriend mo si Malaikah.” Masama ko siyang tinignan. “Alam mong hindi ko iyon p'wedeng gawin.” Umalis ako sa pagkakasandal sa may pintuan at naglakad habang na

