Malaikah's PoV MATAPOS akong mapapayag ni Uncle Trex na manahimik at hintayin ang perfect timing na sinasabi nito ay siya namang palaging pagsulpot ni Klea Ruel sa Villa Conde's Building. Nasa cafeteria kami nina Tine at Nate nang makita namin si Klea na pumasok sa may elevator. Noong nakaraang araw may assistant itong kasama nang magkaroon ng meeting ang lahat ng brand ambassador companies at isinama ako ni Uncle Trex. Pormal ang mga ito kung mag-usap kaya wala akong naging problema at imbes na magselos ipinakita sa akin ni Uncle Trex kung gaano niya ako kamahal. Gabi-gabi pa rin niya akong niluluhuran at palagi nitong sinasabi sa akin na hindi ko kailangang magselos. Pinaghawakan ko ang sinabi nitong iyon ngunit hindi ko pa rin maiwasan na mag-isip. “Ang kumakalat na balita ngayon,

