Trex's PoV PATULOY ang pag-add ng views sa posted na advertisement ni Malaikah sa Sky Liptint at habang pinapanood ko ang video sa laptop ko ay nakikita ko rin ang mga comments ng mga netizens. “Ang ganda naman ng model ng Villa Conde! Ang hot at bata pa! Nakakakilig naman more please! Grabe, akala ko love story ito kanina kaya naman thumbs up kayo sa akin! Ang ganda naman ni Miss Malaikah Ventura, add kita sa facebook.” Napailing ako habang nagbabasa at naiinis na rin ako sa ibang mga comments dahil gusto na ng mga ito na ligawan si Malaikah at hinahanap ang exact location ng Sky Liptint. Nandito pa rin ako sa conference room at umalis na ang Team Love dahil kanina pa tunog nang tunog ang telephone. Marami na silang mga orders na natatanggap at idinederekta naman iyon sa Sky Liptint p

