Malaikah's PoV MARIIN akong pumikit at saka umiling. Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko na si Gwen. Hindi ko alam kung nakabalik na siya dito sa Makati. Sumakay ako ng taxi sa inis ko kay Uncle Trex at sa warka nitong ex-girlfriend. “Miss, saan kita ihahatid?” pagkuwa’y tanong sa akin ng matandang driver. Natigilan ako sa pagpindot sa aking cellphone. Napatingin ako sa driver ng taxi at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang aking Tatay na umabandona sa amin ni Nanay noong anim na taong gulang pa lamang ako. Napahinto din ito sa pagmamaneho at binalingan ako. Itinabi nito ang taxi at naiiyak na tumingin sa aking mga mata. “Aika?” Bumalong ang luha sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko pa makikita ang aking ama. “Bababa n

