THE VAMPIRE’S FLOWER 6
Unti-unting nagbalik ang malay ni Shasha. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kanyang paligid, kakaiba iyun kumpara sa dati niyang kinagisnan nang dalhin siya nina Delmore sa kanilang bahay. Pinilit niyang bumangon dahil masakit ang kanyang buong katawan at hindi niya alam kung bakit siya nanghihina.
Tinungo niya ang pintuan at dahan-dahan niya iyung binuksan. Palinga-linga siya sa kanyang paligid napakaraming mga kandilang nakasindi. Tila nangilabot siya sa kanyang nakikita. Ramdam niya pang tila may mga matang nakatingin sa kanya. Biglang may anino siyang nakita sa kanyang tagiliran. Gulat na napalingon siya sa kanyang tagiliran ngunit wala namang anino doon. Bigla siyang kinilabutan. Nakarating siya sa bulwagan, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang napakaraming nakaitim na naroon.
Mapupula ang kanilang mga mata at purong mga nakaitim na may mga hood. Nagsikip ang kanyang dibdib at muli na namang umatake ang kirot na dati niyang nararamdaman. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil hindi siya makahinga.
Lalong nadagdagan iyun nang makita niyang nagsilabasan ang mga pangil nang mga ito. Nang hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman ay...
“Ahhhhh!” sigaw ni Shasha.
Lumutang ito sa ere pahiga at biglang nagliwanag ang kanyang dibdib. Umihip ang napakalakas na hangin at takot ang mga bampirang nakatingin sa dalaga na nakalutang sa ere.
“Anong nangyayari?” tanong ni Simon na naroon, ito ang nakatokang magbantay sa dalaga ngunit bakit di niya ito nakitang lumabas nang kwarto.
Itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinaikot iyun sa ere. Lumabas doon ang tila puting kuryente papunta kay Sasha. Biglang tumayo si Sasha na nakalutang pa rin at pumihit paharap sa kanila subalit nakapikit ito.
Natamaan ito sa pinalabas ni Simon mula sa kanyang mga kamay subalit laking gulat ni Simon na hindi bumaba ang dalaga kundi mas lalo pa itong lumutang. Napaatras ang lahat nang naroon.
“Anong klaseng nilalang siya at walang epekto ang iyong kapangyarihan Simon?” tanong ng isang bampira.
Kahit si Simon ay nagtataka. Magkaparehas lang ang lakas nila nina Dylan at Viper. Biglang nagmulat si Shasha at nagimbal ang lahat.
“Purple eyes?” bulalas ni Simon.
Tumingin sa kanya ang dalaga. Nakaramdam si Simon nang pagtigil ng t***k sa kanyang puso, hindi siya makahinga!. Lalong napaatras ang lahat at natakot.
Lumutang ang binata sa ere habang hawak ang kanyang dibdib, nakatingin siya mala-ubeng mata ni Sasha. Nang biglang tila may sumulpot na usok sa tabi nito at may palad na dumantay sa likod ng dalaga at agad nawalan nang malay. Bumagsak naman sa sahig si Simon. Habol niya ang kanyang hininga habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Agad sinalo ni Delmore si Shasha.
•
“Paano siya nakalabas Simon?” Tanong ng binata.
Lumunok muna si Simon dahil nanuyo ang kanyang lalamunan.
“Hindi ko alam tinadhana, nakita ko na lang nakalutang na siya sa ere,” sagot ng binata.
Sinulyapan ni Delmore ang mga naroon. Nagsitungo sila at yumuko tanda nang kanilang paggalang.
“Mula sa araw na ito, kapag kaharap niyo siya try to cover the real you dahil kapag nakakaramdam siya nang takot lumalabas ang totoong siya” mahabang esplika niya sa mga ito.
“Masusunod, itinadhana.” Sabay-sabay nilang sagot.
Sa isang iglap ay nasa loob na sila nang silid na kung saan niya inilagak ang dalaga. Pinahiga niya ito at pinagmasdan.
“Natatakot ako,” bulong niya dito.
“Natatakot ako hindi para sa akin kundi para sayo,” pagpapatuloy ng binata.
Tumayo siya at pumikit habang isang palad niya ay nakadantay sa noo ni Sasha. Binubura ni Delmore ang mga ala-ala ng dalaga para sa nangyari kanina. Hindi pa panahon para malaman niya kung sino talaga siya. Unti-unti nitong ipapasok saa isipan nito na kauri niya sila.
Biglang sumulpot sina Dylan at Viper. Nakatingin ang dalawa at agad niyang nabasa sa mga isipan nang mga ito kung anong itatanong nila.
“First time lumabas ang bulaklak ng mga bampira,” sabi niya ang mga ito.
“Anong hitsura niya?” tanong ni Dylan.
“ Siya pa rin ngunit mala-ube ang kanyang mga mata,parang bagyo ang paligid niya at wala siyang sinasanto kahit sino.” Tugon ni Delmore.
Sabay napatingin ang dalawa sa dalaga.
“At ang tattoo sa kanyang dibdib,” pambibitin na wika ni Delmore.
Tumingin ang dalawa kay Delmore saka muling tumingin sa dalaga. Nakita nang kanilang mga mata ang tattoo nito sa dibdib dahil tumagos doon ang kanilang paningin.
“May kaunti nang ukit, isang tangkay pa lang,” bulalas ni Viper.
“Anong ibig sabihin nito?” naguguluhang tanong ni Dylan.
“Hindi ko alam, ngunit kailangan natin si Dataniak at dadalhin dito.” Sagot ni Delmore.
Walang umimik sa kanila.
“Viper, lagyan mo nang seal ang kwartong ito,” utos nito sa binata.
“Dylan, lagyan mo nang spell si Sasha kahit tatlong araw lang para tuloy-tuloy siyang natutulog habang wala tayo” baling nito kay Dylan.
Tumalima ang dalawa at sinunod ang utos ni Delmore. Muling pinagmasdan ito ng binata at sa isang iglap ay naglaho silang tatlo. Naiwan si Sasha na mahimbing ang tulog dahil sa mahika nina Viper at Dylan.
Y