THE VAMPIRES FLOWER CHAPTER FIVE

914 Words
THE VAMPIRES FLOWER 5 Pumasok sila sa isang kastilyong nababalutan ng makakapal na mga puno saka mo lang ito mapapansin kumg matalas ang iyong paningin. Nagtaka ang lahat ng makita nilang may dala dalang babae sina Delmore sabay sabay nilang sinamyo ang kakaibang amoy ng dalagang dala nila. Lumapit si oldies Lara. Suminghot singhot ito at biglang lumabas ang pangil. Biglang humarang sina Dylan at Viper kapwa ding lumabas ang mga pangil ng mga ito. "Paraanin mo kami Lara" matigas na utos ni Dylan. "Ang amoy niya...napakasarap sa pakiramdam gusto kong tikman ang kanyang dugo kahit konti lang" nahahayukanh wika nito susugod na sana ito ng kumumpas ang kamay ni Delmore at tumilapon si Lara sa labas ng kastilyo. Ang mga nandun na lalapit sana ay biglang umatras ng titigan sila ni Delmore. "Ang anak ni Susan bumalik na" sabi ng isa. Pinakatitigan nila si Delmore mula ulo hanggang paa. "Siya nga ang itinakda" sagot ng isa pa. Nagpatuloy sa paglakad sina Delmore papunta sa pedesta ng kastilyo. Nagulat ang mga naroon dahil nandun pati konseho. "Nagbalik ang anak ni Susan nagtagumpay na siguro sa kanyang misyon" sabi ni Oldies Akir. "Ano itong naamoy ko" turan ng pinuno. "Gusto kong malaman kung siya ba ang hinahanap natin" sagot ni Delmore. Napatayo ang lahat at tumingin sa buhat buhat niyang babae. Biglang nagsilabasan ang mga pangil ng buong konseho ngunit agad pumagitna ang pinuno. "Tumigil kayo wala pang kasiguruhan kung ang kanyang dugo ba ang antidote o siya mismo" awat niya sa mga ito. Medyo kumalma ang konseho at naglaho ang kanilang mga pangil. Iipinahiga ni Delmore ang walang malay na babae. "Jelika" tawag ni pinuno at sa isang iglap nasa harapan na nila ang isang babaeng asul ang mata. "Gusto kong malaman kung anong nangyari noon" turan ng pinuno. "Kailangan kong makita ang kanyang mga mata" sagot ni Jelika. Tumingin ang pinuno kay Dylan at bigla niyang idiniin ang kanyang hintuturo sa noo ng dalaga at nagmulat ito. Lumapit si Jelika kay Shasha at tiningnan siya ito sa mata. Parang may humila kay Jelika at nagbalik siya sa nakaraan. Nakita niya ang isang babaeng hinahabol ng napakaraming bampira may hawak hawak itong isang petals na bulaklak ng rosas ngunit tila isang bato ito na kulay pula. Palundag lundag sila at nagsasalitan ng mga kapangyarihan. Nang may humarang ditong pati kulog at kidlat ay kasama nito napakapula ang mga mata at nakangisi. "Ibigay mo sa akin yan Susan" wika ng lalake. Ngunit tumanggi si Susan kayat naglaban sila. Nang puro sugatan na si Susan dahil sa pinagtulong tulungan siya nakita niya ang kotseng paparating. Isang iglap siyang naglaho at nakarating siya sa bumper ng kotse at agad pinigilan iyun at huminto. Gulat na gulat ang mga sakay dahil yupi ang harapan ng kanilang kotse. May baby ang mga ito. Agad siyang nakapasok sa loob ng kotse gamit ang kanyang kapangyarihan. Hinipan niya ang mag- asawa at nawalan ng malay ang mga ito. Saka niya tinitigan ang sanggol na agad ngumiti sa kanya. Napangiti din si Susan ngunit dahil gahol na siya sa oras agad lumabas ang kanyang pangil at kinagat sa leeg ang sanggol saka niya itinarak sa dibdib nito na batong petals ng rosas at pagkatapos ay idinantay niya sa noo ng sanggol ang kanyang palad at libo libong boltahe ng kuryente ang lumipat sa sanggol ang itim na mga mata nito ay naging kulay violet pagkatapos. Hinang hina si Susan ng matapos ito. "Ikaw ang mangangalaga sa itinakda kung malalampasan mo ang iyong pagsubok at kung hindi ikaw ang siyang sisira sa itinakda mananatili kang tao hanggat wala ka pang bente anyos makikilala ka ng itinakda sa pamamagitan ng iyong kakaibang amoy...ikaw ang magsasalba sa itinakda sa tamang panahon" mahabang saad nito na parang dinadasalan niya ang sanggol. Biglang lumutang ang sanggol at tila may humawaka sa kanya at nailabas ito mula sa loob ng kotse bago pasabugin ng lalaking humahabol kay Susan at dahil hinang hina ito pinaslang siya ng walang kalaban laban lalo pat wala na sa kanya ang bulaklak ng mga bampira. Tila may biglang humugoy kay Jelika mula sa nakaraan at bumalik siya agad sa kasalukuyan nanghina siya at napahangos. "Siya nga ang taga protekta ng itinadhana" nanghihina niyang wika sa lahat. Tahimik silang tumingin kay Delmore. "Paano niya mapoprotektuhan ang tinadhana gayong isa siyang mortal" tanong ng isa pang Oldies. "Hindi ko alam ngunit kung hindi nia malalabanan ang kaakibat na sumpa ni Susan ay maari ding siya ang papaslang sa tinadhana" sagot ni Jelika. Nagbulungan ang lahat. "Ngunit kailangang tulungan natin siya lalo pat hindi siya mortal" patuloy ng babae. "Isa siyang mas mataas kesa sa karaniwang bampira o sa makapangyarihang bampira lalo na kapag natalo siya ng kanyang pagsubok" si Jelika parin. "Ang gumugulo sa akin ay kung itinurok ni Susan sa kanyang dibdib ang antidote walang katiyakan kung nasa dugo niya ba ito ano" pagpapatuloy parin ng oldies na si Jelika. "At kakaiba ang magiging kulay ng kanyang mga mata kung ang itinadhana ay berde siya naman ay kulay violet" paliwanag nito. Pinagmasdan ni Delmore ang dalaga. "Natukoy agad ni tinadhana na siya nga ito dahil sa ibinigay ni Susan na kakaiba niyang amoy" patuloy nito. Lumunok si Delmore habang pinagmamasdan niya si Shasha. We are the same but you have also a mortal blood ani nito sa kanyang isipan. Masuwerte ka at nakilala mo ang aking ina samantalang ako sanggol din nung nawala siya sa akin ani parin niya sa kayang isipan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD