THE VAMPIRE'S FLOWER CHAPTER 4
Muling nagising si Shasha ngunit nagulat siya ng tanging kandila lamang ang nakasindi sa loob ng kwarto kung saan siya naroon. Bigla siyang bumangon at tinungo nito ang pintuan pinihit niya ang seradura ngunit ayaw mabuksan. Kinabahan siya pinag susuntok niya ang difing ng pintuan. "Help!! Palabasin niyo ako dito!!!help!!!" Sigaw niya habang kinakalampag ang pintuan ngunit walang dumating. Kinikilabutan siya feeling niya haunted house iyun. Muli niyang kinalampag ang pinto. "Hellpppp!!!" Sigaw niya ulit muli walang dumating. "Stay calm" anang ng isang tinig mula sa kanyang likuran. Bigla siyang humarap dito. "Sino ka? anong kailangan niyo sa akin?" Natataranta niyang tanong habang umaatras siya. "Relaks we wont harm you" sagot ni Delmore. "Paano ka napunta diyan? mag-isa lang ako kanina dito ah" tanong parin niya sa lalaki. "Behave and everythings will be alright" mahinahon paring tugon ni Delmore kay Sasha. Tumigil ang dalaga. "Ibalik niyo na ako please?" pagmamakaawa ng dalaga. Sa isang iglap ay nasa harao niya ulit ang tatlo pang kalalakihan. Lumaki ang kanyang mga mata sa gulat. "S-sino kayo anong kailangan niyo!!" nahihintakutang tanong niya ulit nakaitm ang mga ito ngunit wala na ang mga sunglasses ng mga ito. "We saved you from the devil" sagot ni Viper. Umiling iling siya. "Hindi...wala akong pinasukang gulo para iligtas niyo ako" aniya dahil ayaw parin niyang maniwala. "Will you listen to us?" Inis naring sagot ni Lorenzo. "Stop that maaring in shock parin siya mahirap talagang paniwalaan kung tayo ang nasa katayuan niya" sabad ni Dylan. "Pakakawalan ka namin maya maya lamang basta hilom na ang iyung sugat you are free" matigas na ngayong sabi ni Delmore. Nanahimik si Sasha at hindi na siya umangal. Biglang nawala ang mga ito at kitang kita niya. "Eeeehhhh!!!" Tili niya dahil hindi ito makapaniwala sa mga nangyari. Ano bang nangyayari? Naguguluhan niyang tanong sa sarili. Pagkalipas ng ilang oras ay pinakawalan din siya ng mga ito kinarga siya ni Dylan na nakapikit pagdilat niya nasa bahay na niya ito. Nagtataka siyang tumayo at tinungo ang kusina gutom na gutom siya na para bang anlayo ng narating niya at parang ilang araw siyang di kumakain. Nagbihis siya at pumasok na sa kanyang trabaho. Nang makarating ito ay bakas sa mukha ng mga naroon ang pagtataka. "Saan ka nagpunta Shasha?" Bungad na tanong ni Jelika sa kanya. Kumunot noo ang dalaga. "Oo nga limang araw kang nawala" sabad ni Dessa. Napaawang ang kanyang mga lani. "Limang araw???" Bulalas niyang tanong. Nagsitango ang mga kasama niya sa trabaho. Tumango sila at napamaang siya. Ang akala niya ay isang oras lang siya nawala means talagang malayo ang kanyang narating. Natahimik siya. "Alam mo bagong renovate ang ating building" pagbabalita sa kanya ni Marga. Nagtaka na naman siya...ano bang nangyayari hindi niya maalala kahit anong pilit niyang isipin nito ngunit wala talaga siyang maalala maliban sa paghatid ng tatlo sa kanya kaninang umaga hindi siya mapakali ano bang nangyayari sa kanyang paligid na diya alam? Minabuti niyang manahimik nalang. Lumabas siya sandali ng biglang nakakita siya ng lalaking naka jacket ng mahaba with hood. Nakatulala siya dito at nabitawan niya ang bote ng kanyang iniinom. Mataas ito at hindi niya kita ang mukha nito. Umatras siya para magbalik sa loob ng tila inaabot nito ang kanyang mga kamay. Iaabot na sana nito ng biglang lumitaw ang isang itim na usok at bigla siya nitong inilipad palayo at hindi niya namalayang nawalan na naman siya ng malay. Naglaho din ang lalaking nasa kabilang kalsada ngunit galit na galit ito. Mapapasa akin din ang babaeng yan...galit nitong turan bago naglaho. " They are coming" seryosong wika ni Delmore sa tatlo niyang kasamahan. Nagtinginan sila. "Kailangang dalhin natin siya sa mga mas nakakatanda sa atin para masabi nila kung sino ba talaga siya" patuloy nito at muling nagsitinginan. Tumango sila at sabay sabay naglaho kasama si Shasha.