The Visitors

1299 Words
Kakauwi ko lang sa bahay, pero dumiretso muna ako sa pastry shop namin dahil nasa itaas lang naman ang bahay namin, ganito ang ginagawa ko pagkagaling sa school, wala naman masyadong nangyari sa WC kong di puro introduction, hindi lang ako ang badtrip sa pagdating ng L7 na tunog kotse. Pati rin si Yash na inis na inis rin sa kanila lalo na kay Jojan, may mga iba pa akong subject bukas sana wala na sila roon, pasalamat na lang rin ako dahil sa isang subject ko lang sila classmate sa MWF, pero roon sa pang last classmate namin si Yash si Jojan na talagang na badtrip na hanggang sa mag-uwian. May ilan pang kumakain sa loob ng shop, kakatapos ko lang linisin ang isang lamesa na ginamit ng costumer, lumapit naman ako sa counter kong na saan si papa at mama. "Naalala ko pala anak may bisita pa lang darating dito 'yong dating clasamate ng papa mo noong college, 'yong isa sa mga kaibigan niya, pupunta rito mamaya kasama 'yong anak niyang lalaki, alam muna man diba kong anong dahilan kaya sila pupunta rito," pagpapaalala niya sa akin. "Opo tanda ko pa po," sabi ko na lang. Ang pagkakaalala ko may pupunta nga bisita sa amin ngayong araw, siguro mamaya pa darating, pinalinis pa nga ako ng guest room na tutulugan. Sa totoo lang hindi ko pa na-meet ang isa sa mga kaibigan nila papa o mama, sabi nila puro raw mga busy at mayayaman ang mga kaibigan nila, isa na ang tumulong sa kanila para tumayo at lumago ang shop na 'to kaya hindi na sila tumangi ng kailangan naman ng kaibigan nila ng tulong. Ang sabi nila papa at mama, makikitulog muna ng ilang linggo o isang buwan ang anak nila sa amin, dahil may aasikasuhin daw na ibang bagay, parang pinapagawa ang bago nilang bahay, ang anak nilang sobrang pasaway ay hindi naman pwedeng iwan kong saan lalo na sa mga kapatid nitong mga pasaway din, naku kong magpasaway siya rito hindi ako makakatiis na sapakin siya. Bumalik ako sa realidad nang may marinig akong busina ng kotse mula sa labas, napasulyap ako sa labas may magandang kotse ang pumarada foton, wow sosyalin nga. Lumabas ng counter si mama at papa, "na andyan na ata sila anak." Dahil sa pagka-excite nila papa, eh lumabas sila ng shop para roon salubungin, hindi na ako sumunod at binantayan ko na lang ang counter. Tanaw ko naman mula sa kinatatayuan ko kong anong ginagawa nila sa labas, may bumaba galing sa kotse isang matangkad na lalaki na halos kaseng edad lang ni papa tapos may isa pa, kaseng tangkad nila papa pero hindi ko makita ang mukha kasi nakatalikod siya, parang pamilyar 'yong likod niya. Nakita kong niyaya na sila ni mama sa loob, hinanda ko na ang sarili at inayos ng kaunti ang buhok ko, pagkapasok pa lanh nila sa shop ngumiti agad ako sa kanila at lumapit. "Magandang hapon po," bati ko sa matandang lalaki. "Anak ito pala si tito Felix mo, siya 'yong sinasabi ko sayo, Felix ito naman ang nag-iisang anak kong si Cyrel," pakilala ni papa sa akin sa kaibigan niya. Ngitian naman niya ako nagtataka ako kasi parang may kahawig ang lalaking 'to pero hindi ko masabi kong sino, artista ata. "Mukhang kasing edad mo lang ang anak kong lalaki, ang ganda pala ng anak mo pre hindi nagmana sayo," pabiro nitong sabi kay papa. Napangiwi ako sa sinabi niya, para talaga nga silang magkaibigan kong magbiruan siguro ganito talaga kong matagal na kayong magkakilala. "Ay oo nga pala, Cyrel ito pala ang anak ko si Fraynard," nawala ang ngiti ko sa sinabi niyang pangalan, dahan-dahan bumaling ang ulo ko sa katabi niyang binata na kalalabas lang sa may likuran nito. Hindi 'to maari, litetal na nakaawang ang bibig ko sa sobrang gulat. Si Fraynard nga, ako na gulat na gulat na nakatingin sa kanya, siya naman ang fearless look niya at para bang emotionless na ewan, parang na bored ganern, na nakatitig siya sa akin. Sabi na nga ba kaya pamilyar ang likod at may kahawig si tito Felix, kasi kahawig na kahawig niya si Fraynard. Pero ano 'to? Totoo ba talaga 'to na siya mismo ang makikitulog sa amin sa loob ng isang buwan, ako pa ang naglinis ng guest room tapos siya lang ang makikitulog, ang lupet. "Son say hi to Cyrel," utos ni tito sa kanya. Tinitigan lang niya ako na parang hindi niya ako kilala, dude kinakabahan ako sa maari niyang gawin sana hindi niya ako maalala juice colored. "Psh," reaksyon sabay alis sa harapan ko at umupo sa bakanteng upuan sa may dulo ng shop namin. Tumawa naman na parang nahihiya si tito sa kinilos ng anak niya, "sorry ah wala talagang modo ang batang 'yon," sabay sunod sa anak niya. NASA kusina ako at inutusan ako ni mama na kumuha ng makakain ng mga bisita pero kanina pa ako narito dahil inaalala ko 'yong mga nangyari sa WA nang dahil sa kanya. 'Yong mga pang bu-bully niya, yong mabaho niyang ugali, tapos after 2 years magkikita na naman kami, classmate ko na siya sa isa kong subject, tapos titira pa siya sa bahay namin, anong klaseng pahirap 'to? Double killed! Bago pa man ako mapagalitan ni mama lumabas na ako dala ang cake at tea na gawa nila. Nahihirapan at na iilang ako sa mga oras na 'to wala na akong magagawa na andito na 'yon eh. Nang makalapit ako sa lamesa kong na saan sila, naririnig ang usapan nila at tawanan para bang nag throwback ng mga kalukuhan nila noon. Umupo ako sa tabi ni papa, habang katapat ko naman si Fraynard hindi talaga mawala ang titig ko sa kanya, kong hindi siya magsasalita para talagang ang bait niya, pero hindi talaga kasi alam ko na ugali niya, napasulyap ako kay tito nang marinig ko ang sinabi niya. "Maraming salamat at pinayagan ninyong makitulog muna si Nard dito sa inyo, pinapagawa namin 'yong bago naming bagay sa subdivision, hindi ko naman siya pwedeng iwan sa dalawa niyang kuya dahil baka kong ano pang mangyari sa kanila, alam muna sisisihin ako ni Susan pag-may mangyaring masama sa bunso niya," paliwanag ni tito. Nard ang nickname niya tapos bunso siya sa magkakapatid at ayon sa pagkakarinig puro sila lalaki. "Naku wala 'yon pre, musta na pala si Susan?" Tanong naman ni papa. "Baka sa december pa ang uwi niya, alam naman ninyo na mahirap ang trabaho niya sa Finland bilang nurse, ako at ang anak kong si Finn ang nag-aasikaso ng family business namin, wala naman sa bahay si Four dahil iba ang career na pinasok niya," paliwanag muli ni tito. Wow nurse ang mama ni Fraynard sa Finland at may family business. Ang yaman talaga, pero ang bait ng papa niya ang layo sa kanya, baka lahat naman siguro sila mabait ay si Fraynard lang ang hindi dahil ampon siya tapos anak talaga siya ng halimaw na nagkatawang tao, mga ga'nun. "Dapat iniwan muna lang ako kila Elven o kaya kila Jojan," napasulyap ako nang magsalita si Fraynard ga'nun din sila tito. "Hindi pwede, pagnagsama-sama kayo lalong gumugulo gusto mo bang mapagalitan ka na naman ng mama mo," saway naman ni tito. Bumuntong hininga si Fraynard saka padabog na sumandal sa upuan niya para siyang bata. Tinignan ko na lang siya pero laking gulat ko nang sumulyap siya sa akin na ang sama ng tingin kaya agad kong binawi at pinilit kong sa iba ko ibaling ang tingin ko, pero ramdam ko pa rin ang titig niya. Kong titira siya rito, kailangan ko siyang pakisamahan ng ilang linggo o ng isang buwan. Ang malas ko naman ata ngayong araw, ano nang gagawin ko? Hindi naman siguro mauulit 'yong nangyari sa akin noong high school diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD