The Boss

1343 Words
Umalis na si tito at nagpaalam na siya sa amin, pero si Fraynard hindi pa umaalis sa puwesto niya ano gusto niyang matulog doon, ewan ko na lang sa kanya. Didiretso na sana ako sa kusina nang pigilan ako ni mama tinignan ko siya na para bang nagtataka, "bakit po?" "Puntahan mo na si Fraynard, yayain muna siya roon sa magiging kwarto niya, baka pagod na yan, para makapagpahinga pa naman  bago maghapunan," utos sa akin ni mama. "Ma hindi na niya kailangan paalalahanan kong marunong siyang makisama siya mismo lalapit sa atin para magtanong kong saan ang kwarto niya-aray naman!" Hinimas ko ang hinampas ni mama na menu sa braso ko para pigilan ako, na iinis na talaga ako, ano siya boss dito? "Sige na puntahan muna siya roon, wala kang black forest bukas," pagbabanta sa akin ni mama. "Oo na ito na nga 'o papalapit na sa kanya," sabi ko sabay talikod, huminto muna ako, nag-aayos na kasi kami para magsara, hindi ko alam kong paano ko 'to pakikisamahan, hindi ko naman alam kong naalala pa ba niya ako? Sana lang hindi na. Huminga ako ng malalim bago ako nagpatuloy, "hoy!" Nang makalapit ako sa kanya, tinignan naman niya ako ng masama. "Anong hoy? Narinig mo kong anong pangalan ko diba, hindi hoy ang pangalan ko," sabi niya sa akin, aba madali lang pala itong maasar. "Sorry nakalimutan ko na, wag kang umasta na boss dito, nakikitira ka dito, sumunod ka sa akin sa taas ituturo ko sayo kong saan ang kwarto mo," sabay talikod ko bahala siya kong susunod siya o hindi. Nasa hagdan na ako ng tignan ko ang likuran ko, wala pa pala siya at hindi sumunod, muli akong bumaba nakita kong nakaupo pa siya sa puwesto niya pero sa pagkakataon na ito nakangisi na siya, "anong inuupo-upo mo dyan sumunod ka na sa akin!?" Sigaw ko sa kanya wala akong pake alam kong marinig ako nila mama at papa. Saka naman siya tumayo na para bang nagpipigil ng tawa, aba nang aasar ba siya, pwes edi mag-asaran kami akala niya papatalo ako sa kanya. Pagkaakyat sa second floor ng shop na babay namin, may apat na pintuan ang bubungad, isa para kila mama, sa akin, para sa guest room at ang isa na sliding door na gawa sa salamin ay para naman sa kusina at sala. Naghahalo ang puti, light green at light blue ang makikita sa bahay namin. Binuksan ko 'yong unang pintuan para sa guest room, "dyan ka matutulog, pakiakyat na lang ng mga gamit mo, may sariling banyo yan sa loob, may kama ka na dyan tapos may kabinet." Sabay harap ko sa kanya, pumasok naman siya sa loob, hindi na ako sumunod. Pinagmamasdan niya 'yong buong paligid siguro nang hihinayang siya kasi maliit ang magiging kwarto niya kesa sa bahay nila, humarap naman siya sa akin. "May wifi ba dito?" Aba ang demanding. "Oo meron," mabilis kong sagot. "Aircon?" Ay dapat talaga sa hotel siya tumira. "Syempre meron," sagot ko uli sa kanya. Lahat naman ng silid dito may aircon maliban lang ang sa akin dahil mahina ako sa lamig, kaya ayos na sa akin ang electric fan na minsan ko lang kong gamitin at kailangan ko pang magkumot pagmatutulog. "Ok," 'yon lang ang sinabi niya akala ko kong ano nang gagawin niya nang lumapit siya pero sinarahan na lang ako ng pinto, hindi marunong magpasalamat, samantalang ako ang naglinis ng guest room na gagamitin niya. "Thank you, ang bait mo talaga!" Hindi ko maiwasang maging sarkastiko sa pagiging mabait niya. BUHAY hari, prinsipe at akala mo eh may ari ng bahay na 'to si Fraynard. Biruin mo 'yon si papa pa ang nag-akyat ng bagahe niya sa silid niya, tapos lumabas lang siya kong kailan maghahapunan na, saan ka pa? Ang galing niya talaga. Tahimik lang kami habang kumakain, paminsan-minsan ay pinagmamasdan ko siyang kumain na para bang uubusan ng pagkain, halos nakakadalawang plato na siya ng kanin. "Mukhang na sarapan ka sa luto ko ah," sabi ni papa. Tumigil si Fraynard sa pagkain at ngumiti kay papa. Hindi 'yong ngiting nang-aasar na madalas niyang ipakita sa akin, iba ito sa lahat, totoo unang ngiting nakita ko sa kanya. "Opo sobrang sarap wala po kasing ganito sa bahay, si papa hindi naman nagluluto tapos madalas nagpapa-deliver na lang siya, nakakakain lang ako ng ganito pag-umuuwi si mama," bigla ring nawala ang ngiti na 'yon nang banggitin niya ang mama niya, siguro mahal na mahal nga niya ang mama niya tapos ang layo pa. "Wag kang mag-alala marami pa yan kaya kain lang ng kain," sabi naman ni mama, saka naman humarap sa akin. "Cy sa sabado na pala ang alis namin ng papa mo para sa wedding anniversary namin, sa lunes pa ng umaga ang balik namin, sana naman maalagaan mo ng maayos ang shop o kaya kong hindi mo kaya isara mo muna." "Wag na po kayong mag-alala kaya ko na po 'yon, ako na lang po ang bahala," sabi ko. "Pwede naman na tulungan ka ni Fraynard sa sabado at linggo kong wala siyang gagawin," pagsisingit ni papa sa usapan. Napasulyap ako kay Fraynard sa gulat, siya rin sa akin at nakaawang pa ang bibig na may laman pang kanin, yak ah. Saka siya bumawi ng nguya at bumaling kay papa. Tumawa ako kunwari, "papa naman ayos lang kahit WAG na siyang tumulong." Pagdidiin ko ng salitang WAG sa kanya. "Pwede naman po free naman po ako sa weekend at saka kailangan ko pong makisama sa inyo kasi nakikitira lang po ako rito," nagulat ako sa sinabi niya, ang mas malala pinuri pa siya nila papa, bakit ga'nun pag-sakin ang sama ng lumalabas sa bibig niya pero pag-kila papa ang bait niya, sumisipsip lang yan. "Kong ga'nun naman edi walang problema, mas maganda na anak na may katulong ka rito isama muna rin si Yash kong gusto mo," pagdadagdag ni papa. "Oo nga pala diba sa Westwood College ka nag-aaral?" Tanong ni mama kay Fraynard, naku naman pinaalala pa, tumango naman siya bilang pagsagot ng oo kay mama. "Kong ga'nun pwede bang sabay na kayong pumasok ng anak ko at umuwi lalo na sa gabi," suwestyon ni mama na siyang kinagulat ko. "Ayos lang po sa akin," sagot ni Fraynard. Aba hindi man lang ba nila ako tatanungin kong ayos lang sa akin kasi ako sasabihin kong AYOKO, grabe double killed na 'to sa akin, tapos hindi man ba siya tatangi, sobra na ang kabaitang pinapakita niya, hiyang-hiya na ang mga anghel sa langit sa pagiging mabait niya. NATAPOS ang hapunan namin na bidang-bida si Fraynard kila mama, akala mo kong sinong mabait. Pagkatapos n'un na dumiretso na ako sa silid ko, kausap ko ngayon ang best friend kong si Yash through skype. Pareho na kaming nakapang-bahay, pero siya may cream pang nilalagay sa mukha habang nag-uusap kami. Kiniwento ko sa kanya ang lahat at ang pagtira ni Fraynard sa amin sa loob ng isang buwan. "Ano? Nakatira na kayo sa iisang bahay tapos sunod niyan ikakasal kayo tapos arranged marriage lang ang peg," nagulat ako sa naging reaksyon niya sa kwento ko. "Huh? Hindi baliw ka talaga, hindi 'yon ga'nun, ang oa mo ah." "Akala ko ga'nun na ang mangyayari sa inyo," sabay himas niya ng paulit-ulit sa pisngi niya na may cream. "Naiinis nga ako, akala mo kong sinong may-ari ng bahay kong maka-asta tapos ang bait kila mama akala mo naman anghel. Grr!" "Pero sabi mo sa akin dati siya lang naman ang gumulo ng buo mo noong high school, hindi mo ba napapansin na binibigyan ka na ng pagkakataon na gumanti sa kanya," sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya, "oo nga 'no, so this is pay back time." "Yes payback time! Nasa bahay mo siya, madali muna lang magagawa 'yon sa loob ng isang buwan," ang talino talaga ng kaibigan kong 'to hindi ko na isip 'yon ah, pero dahil sa kanya marami na akong alam na pang ganti sa pinag gagawa niya sa akin noon. Hindi man mahirap pero alam kong hindi niya makakalimutan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD