Maganda ang gising ko dahil maganda ang plano ko sa araw na 'to, bago ako lumabas ng silid ko sinigurado kong maayos na ako, paglabas ko at pagpunta sa kusina, laking gulat ko na nauna pa sa akin doon si Fraynard, bagong ligo at nakahanda na rin siya, kumakain ng tahimik.
"Na andyan ka na pala kumain ka na rin para sumabay ka kay Fraynard," sabi ni mama kaya wala akong nagawa kong di ang umupo sa tapat ni Fraynard.
Kumain na rin ako ng tahimik, biruin mo 'yon kaya niyang gumising ng maaga o pakitang gilas na naman niya 'to, isus siguro nga nahirapan siyang nagising at napilitan lang siya.
Ilang sandali nang na unang tumayo si Fraynard, natapos na rin akong kumain nagpaalam na ako kila papa na nagbubukas na ng shop, paglabas ko nakita kong nakatayo habang nakapamulsa pa ang mokong.
"Ano pang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.
"Malamang hinihintay ka, marunong akong sumunod sa utos ng mga matatanda sa akin, halika na ang bagal mo kumilos," saka siya na unang naglakad.
Teka totoo ba 'yong narinig ko, takang-taka akong sumunod sa kanya, tahimik lang kaming naglalakad habang nasa likod ako ni Fraynard ayos lang na magmukha akong aso malayo naman ako sa kanya, kesa naman na nasa harapan ako at mauna sa kanya baka mamaya kong ano pang gawin niya sa akin diba, kailangan kong maging maingat.
Labing limang minuto na walang imikan sa paglalakad at nakarating kami sa WC, pagdating namin doon nag-ibang direksyon na siya malamang pupunta na 'yon sa classroom niya ni hindi man lang nagpaalam na aalis na siya, wala talagang modo, dumiretso na lang din ako sa classroom.
Papalapit na ako sa classroom namin nang makita ko si Yash at Jojan na nag-uusap sa gilid ng pintuan, magkakilala ba sila? Ang alam ko galit si Yash kay Jojan, biglang tinulak ni Yash si Jojan kaya agad na akong napatakbo papalapit sa kaibigan ko baka kong ano nang pang-haharas ang ginagawa niya.
"Anong problema Yash?" Tanong ko sa kaibigan ko saka ko sinamaan ng tingin ni Jojan na parang walang pake sa presensya ko.
"Wala, halika na pasok na tayo," sabay hila niya sa akin sa loob, sinulyapan ko pa si Jojan sa labas na ngayon papaalis na.
Nang makakuha kami ng puwesto ni Yash sa may likuran, ramdam kong tensyonado siya. "May problema ba Yash? Anong ginawa sayo nong lalaking 'yon gusto mo upakan natin?"
Ngumiti na si Yash sa akin, "wala 'yon nang hihiram lang ng ballpen sabi ko wala na akong extra na ballpen kaso mapilit kaya na inis ako, wala 'yon."
May ga'nun bang nangyayari, pakiramdam ko may tinatago ang kaibigan ko, hindi ko na lang siya pinilit baka nahihirapan lang siya, sa ibang araw ko na lang siya tatanungin. Bigla naman napunta sa akin ang usapan ng tanungin naman niya ako tungk sa pagtira ni Fraynard ayon tuwang-tuwa na naman ang bruha, anong klaseng kaibigan siya, natutuwa pa siya sa pagiging miserable kong buhay, salamat sa kanya.
Pagkatapos ng dalawa naming subjects sa umaga vacant namin pareho ni Yash kaya dumiretso na muna kami sa canteen, pagkapasok namin doon, rinig agad namin ang ingay ng mga estudyante pero may mas maingay pa sa mga estudyanteng na roon, nang makita ko kong sino, sila Fraynard pala at siya pa talaga ang nangunguna.
Pinagtatawanan naman siya ng mga kabarkada niya, pakiramdam ko parang lumalala ata sira ng utak niya, mas malala ito kesa noong high school. May ilang sumusulyap sa kanilang mga babaeng kinikilig at may ilang natatawa sa ginagawa niyang pang gagaya sa isang sikat na artista, attention seeker, siguro may ADHD 'to.
Pumila na lang kami ni Yash sa counter para makabili na kami, "alam kong ako sayo umpisahan muna yang pang gaganti mo sa kanya," sabi ni Yash sabay abot sa akin ng tray.
"Hindi ko pa alam kong saan ako mag-uumpisa," totoo naman talaga hindi ko pa alam kong anong gagawin ko, gusto kong gumanti hindi ko naman alam kong paano, hindi naman ako kasing sama katulad niya.
"Bait hindi mo na lang itulak sa bangin, o kaya ipabanga mo sa kotse, ah alam ko na lasonin muna lang para mas madali," tawa-tawa pa niyang sabi.
Natigilan ako sabay pitik ng noo niya pasalamat siya nakasuot siya ng bonet kaya hindi masakit. Ganyan siya eh palaging may suot na bonet, bennie, beret, cap o kaya kahit na anong sobrero, boyish kasi.
"Baliw ka na ba? Pang kriminal naman yang mga pinagsasabi ang brutal, hindi dapat ganyan," sabi ko na lang sa kanya.
"Sorry naman yan lang naman ang mga napapanood ko sa mga palabas kong paano gumanti sa kaaway," sabay ayos ng suot niyang bonet.
"Gutom lang yan, kumain na lang tayo," sabay kuha ng spaghetti sa counter.
"Mabuti pa nga," pagsang-ayon niya sa akin.
DUMATING ang uwian at tapos na rin ang huling subject ko, itong subject na 'to na hindi ko classmate si Yash, baka nauna na ring umuwi 'yon. Inayos ko na muna ang mga gamit ko bago ako lumabas, saka ko sinukbit ang shoulder bag kong gawa sa puting canvas.
Hindi pa ako basta makakalabas dahil nagkukumpulan pa ang mga classmate kong babae sa pintuan, ano na naman bang pauso ito? Nakipagsiksikan na ako, aba gusto ko nang umuwi nagugutom na ako.
"Excuse me lang po, dadaan ang maganda," sabi ko sa lahat dahil sa sinabi ko nagsialisan sila at may halong pagtataka sa kanilang mga mata, "thank you guys," may ilang tinarayan ako o diba pinadaan nila ako para-paraan lang.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng may humatak sa akin pabalik, "hoy kanina pa kita tinatawag hindi man lang ako narinig," si Fraynard.
Binitawan naman niya ako, "anong ginagawa mo rito?"
"Nakalimutan muna ba, sabi ng mama at papa mo sabay tayong papasok at uuwi, ang tagal naman magpalabas ng prof ninyo, nagugutom na ako sa susunod matuto kang magreklamo nang hindi ako pinaghihintay," hindi na ako nakareak sa sinabi niya at na una siyang naglakad.
Hindi ko naman pwedeng gawin 'yon sa prof namin, kahit na gustong-gusto ko nang umuwi, hindi maari, itutulad pa niya ako sa kanya, bad influence baka ga'nun din siya sa mga kaibigan niya, pero infairness hinintay daw niya ako, ay naku if I now baka na iinis na siya sa sarili niya na pumayag pa siya sa gustong mangyari nila mama.
Sumunod na ako sa kanya, malayo pero tama lang na nakikita ko siya hanggang sa makalabas kami ng campus, medyo nag-aagaw na pala ang dilim at liwanag. Na saan na kaya ang mga barkada niya? Pwede naman kasi niya akong iwan diba, ayos lang naman sa akin 'yon, may isang bagay pa akong inaalala. Naalala pa ba niya ako? Pero kong hindi aba mas maganda.
Natigil ako sa pag-iisip tungkol sa kanya, nang bumanga ako sa likuran ng nasa unahan ko, sino pa ba edi si Fraynard. "Aray naman," reklamo ko sa kanya, sabay layo sa kanya at hinihimas ang noo ko, "bakit ka ba huminto?" Tinignan ko siya na wala pa ring imik, nakayuko lang siya, "ano ba yan? Baliw ka ba? Kinakausap ka hindi ka nagsasalita, bahala ka nga dyan."
Maglalakad pa sana ako nang hawakan niya ako sa braso kaya natigil ako. Hinihila ko 'yong braso ko sa kanya kaso mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Aba nagsama pa pala ng kakampi ang gagong 'to," napasulyap ako sa nagsalita sa harapan namin, ngayon ko lang napansin na may tatlong lalaki ang nakaharang sa amin.
May isang nagsisigarilyo pa, puro sila may mga tattoo, may isang lalaking kalbo na may malaking butas pa sa kanang tenga, tunnel ata tawag doon, yong nasa gitna naman tadtad talaga ng piercing sa mukha, ako nasasaktan sa kanya, may hawak ng baseball bat na nakapatong sa balikat, may four finger ang isa at ang isa naman nagpapatunog ng mga daliri.
Sabi ko na nga ba, pagkasama si Fraynard, amoy away, hindi 'to maganda. Pinipilit kong bitawan niya ako pero hindi, maawa naman siya sa akin gusto ko pang mabuhay wag niya akong isasali rito sa gulo.
"Akala mo ba nakakalimutan na namin 'yong pang gugulong ginawa mo sa grupo namin," sabi ni pangit 1 na nasa gitna na may hawak ng four finger.
Ngumisi lang si Fraynard, "kaya pala ang baho kasi na andito ka pala."
"Wait lang Fraynard, ang alam ko ikaw 'yong mabaho nakatapak ka ata ng tae," pagsisingit ko.
Sinamaan niya ako ng tingin sabay peace sign ako sa kanya ng dalawa kong daliri.
"Boss nagsama talaga ng kakampi akala muna man, kaya tayo, naduwag na ata," sabi ni pangit number 2 na nasa kanan na may hawak na baseball bat.
"Ay hindi, hindi kami magkakilala, i'm just passing by, diba kuya," pagkukunwari ko sabay tingin kay Fraynard.
"Pwede bang tumahimik ka na lang," pagsasaway niya sa akin.
"Sige unahin na ninyo yang babaeng yan!" Sabay turo ni pangit 3. Lalapit sana si pangit 1 nang huminto siya at tumingin kay pangit 3.
"Sino ba ang boss at lider dito?" Tanong ni pangit 1.
"Ikaw po," sagot ni pangit 3 na parang natatakot, sino ba namang hindi matatakot eh ang papangit nilang tatlo.
"Dali unahin na ninyo 'yong babae," nilapitan ako ni pangit 2 at hinila ako palayo kay Fraynard ang tanga binitawan ako, napasalampak na lang ako sa lupa.
"Aray ang sakit," sabay himas ko sa puwet ko.
"Wag ninyo siyang idadamay dito!" Sigaw ni Fraynard sa tatlo.
Lumapit sa akin yong pangit 2 na para bang handa na niya akong hampasin ng baseball bat na hawak niya, napapikit na lang ako at takip ng mukha ko, ayokong makita ang kapangitan nila, sasaktan na niya ako at kasalanan 'to ni Fraynard.