Ilang segundo na ata ang nagdaan at wala pa akong nararamdaman na sakit, ganito siguro kong patay ka na. Pero nagtaka ako nang may humihinga sa kamay na pinang takip ko sa mukha ko, dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at tinaggal ang kamay ko sa mukha.
Laking gulat ko na nasa harapan ko na pala si Fraynard, nakadikit pa sa kanya ‘yong baseball bat na ipanghahampas sana sa akin siya ang sumalo, halata sa mukha niya na saktan siya sa pagsalo niya, hindi na ako nakareak nang may humatak sa damit ko para mapalayo ako kay Fraynard.
Kitang-kita ko kong paano siya sipain sa likod ni pangit 1 sa likod kaya natumba siya, “Fraynard wag kang magpapatalo sa mga pangit na yan!” Sigaw ko sa kanya.
Nagpupumiglas naman ako sa may hawak sa akin mukhang si pangit 2 ito dahil na andoon pa si pangit 3 na papaluin sana si Fraynard pero agad namang nakailag at sinipa sa mukha ang pangit 1. Kinagat ko naman ang kamay ni pangit 2 na may hawak sa akin, narinig ko ang singhal niya dahil sa ginawa ko napamura siya at tinulak ako.
Kamuntik na akong sumubsob sa sahig, “tulong!” Sigaw ko, ngayon ko lang na pansin na walang katao-tao rito sa kinalulugaran namin, walang katao-tao sa park kasi dito lang naman ang daanan papunta sa amin at papasok, ang ganda ng tyempo kong kailan kailangan ng tulong.
“Umalis ka na rito, dalian mo!” Napasulyap ako kay Fraynard na nakikipaglaban sa dalawang pangit.
Hindi naman ako ga’nung kasama para iwan siya rito mag-isa diba, kargo pa namin siya pag-may nangyaring masama sa kanya, ano ba yan!? Naghanap ako ng ibang bagay para may maitulong ako, lumapit agad ako sa takip ng basurahan at kinuha ‘yon.
Tumakbo akong pinaghahampas ang isang pangit, lumayo naman siya kay Fraynard, hinampas ko pa siya sa ulo kaya namimilipit siya sa lupa, lumayo ako.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pinagpapawisan na ako, hindi ko naman alam na ganito ka-action ang buhay pala ni Fraynard. Nakita kong sinipa muli ni Fraynard sa sikmura si pangit 3, humarap siya sa akin at alam kong pagod na pagod na siya, may kinuha siya sa bulsa niya.
“Saluhin mo!” Sigaw niya nang mailabas niya ‘yon.
Medyo nasaktan pa ako ng bumagsak sa dalawa kong kamay, “anong gagawin ko sa cellphone mo?” Oo, cellphone ang hinagis niya buti na lang nasalo ko at hindi sa mukha ko ang bagsak, malamang masakit ‘yon. “Kukunan ba kita ng litrato, selfie lang na nakikipaglaban ka sa mga pangit na yan, tapos i-post natin sa f*******: mo, ang talino mo talaga!” Sarkastiko kong sabi sa kanya.
Binigyan niya ng suntok sa mukha si pangit 2, “hanapin mo number ni Kelly sabihin mo na protocol, baliw!”
“Huh!?” Nanginginig kong tanong.
“Dalian muna!” Nagulat ako nang itulak siya ni pangit 1 na ngayo’y nakabango na.
Bakit naman si Kelly ang tatawagan ko? Ang bait n’un kaya ba n’un rumesbak sa pangit na ‘to parang hindi nga makabasag pingan ang lalaking ‘yon, talo pa n’un ang anghel, tapos ano ‘yong protocol? Bro code ba ‘yon, wala na akong ginawa, buti naman at walang password ang cellphone niya at madali lang nahanap ang phonebook.
Ang kaunti ng nasa phonebook niya, hanggang sa mahanap ko ang pangalan ni Kelly, pinindot ko agad ang salitang CALL sa screen, ang mokong may load siguro unlimited call ‘to.
“Hello napatawag ka---”
May agad naman na sumagot pero hindi ko pinatapos ang sasabihin kong si Kelly man ‘yon, “hello hindi ‘to si Fraynard, si Cyrel ‘to hindi ko na kailangan magpaliwanag, ang sabi niya protocol daw.”
“Na saan kayo?”
“Nasa park kami malapit sa WC, dalian mo kailangan namin ng resbak, kawawa si Fraynard pinagtutulungan na ng mga pangit, tinutulad na sa kanila---ay bastos!”
Pinatayan lang naman ako ng tawag, ang galing lang. Tinago ko ang cellphone niya sa bag ko, mukhang mas mahal pa sa cellphone ko sayang baka kasi hanapin sa akin ni Fraynard. Nang balikan ko si Fraynard ng tingin, pinagtutulungan na talaga siya ng tatlong pangit.
“Tama na yan, ipapakulong ko kayo pag-may ginawa kayong masama sa kanya!” Natigil sila sa sigaw ko at napasulyap sa akin pati na rin si Fraynard na nakakunot ang noo sa akin, hindi na lang siya magpasalamat pinapahaba ko pa ang buhay niya.
“Bakit ka ano-ano mo ba ‘tong lalaking ‘to, pagbinigyan mo kami ng magandang sagot, ititigil na namin ‘to,” wika ni pangit 1 habang hawak ang damit ni Fraynard.
Eh kaano-ano ko ba siya, hindi naman kasi kami away-bati relationship, ang alam ko away-away relationship ang meron sa amin, no mutual feelings.
“Baka naman mag-jowa ang dalawang ‘to boss,” sabi naman ni pangit 3.
“Huh?” ‘Yon na lang ang naging reaksyon ko, kinilabutan ako roon ah, never ‘yon na mangyayari.
Ngumisi sa akin si pangit 1, “mas maganda---”
Nagtaka ako sa kanila nang tumigil sila at parang natulala, parang takot, natakot na ba sila sa akin o baka naman may umutot malapit sa kanila kaya napangiwi sila isa-isa. Tinignan ko naman si Fraynard na nakangisi na ngayon, lagpas pala ang tingin nila sa akin.
Tumingin ako sa likuran ko, laking gulat ko na nasa likod ko na pala si Kelly bakit hindi ko na pansin na andoon pala siya? Kararating lang ba niya, bakit parang ang bilis? Ang isa pa, parang mas fearless na siya ngayon kay Fraynard.
Sinundan ko siya ng tingin habang papalapit siya kila Fraynard, teka sigurado ba siya na siya mismo ang lalaban sa tatlong pangit na ‘yon? Hindi na ako nakareak nang naiwang nakatitig na lang ako kay Kelly, ‘yong Kelly na kilala kong mabait at anghel ang mukha naging action star sa galing.
Sinipa niya, parang flying kick si pangit 3 na agad na natumba, sinunod naman niya si pangit 1 na tatakbo pa sana pero nasuntok na niya ito sa mukha at sinikmurahan naman niya si pangit 2, bakit sa bawat suntok at sipa niya parang ang lakas ng impact, nakita ko na lang na nakahiga na ang tatlo sa lupa, ang bilis nag pangyayare.
Nakita ko na lang na tinutulungan ni Kelly si Fraynard na ngayo’y nakangiti na, iika-ika naman si Fraynard.
Bigla naman nagsidatingan sila Corz, Adam, Jojan, Elven at Kent, ang buong L7 nasa harap ko, lahat sila nag-aalala sa kalagayan ni Fraynard na puro galos, siguro ganito nga talaga sila, ang ganda nila tignan sa totoo lang.
UMALIS na kami sa park at nagpunta kami sa labas ng isang convenience store, tahimik lang ako buong oras habang nang gagalaiti si Jojan na bakit hindi man sila tinawag agad, si Kelly naman patawa-tawa lang pero nagtataka ako, ga’nun ba siya pag-beast mode laban kong laban, iba rin ‘to kaya siguro siya ang unang na isip ni Fraynard na tawagan.
Si Adam naman pinapagilatan si Fraynard sa nangyari, kaya pala nangyari ‘to dahil noong sem break nang gulo ito sa isang eskinita kong saan tumatambay ang grupo ng mga pangit na ‘yon na kasali sa gang, anong dahilan? Hindi ko alam, baka gusto lang magpakamatay kaya ga’nun.
Si Kent at Elven naman inaasar si Fraynard dahil sa nangyari sa kaibigan nila, ang galing ng concern nila diba. Habang si Corz naman katatapos lang linisan ang mga sugat nito na ngayon tinatakpan ng foundation sa utos na rin ni Fraynard, ayaw daw niyang may makakita sa galos niya.
Baka nga natatakot siya na makita nila mama ang galos niya dahil nakipagbasag ulo siya kong saan at dinamay pa ako, pagnalaman ‘yon nila mama tiyak malalaman din ng papa niya, lagot siya.
“Aray ayusin muna man Corz,” reklamo ni Fraynard.
Nakaupo si Fraynard sa unahan ng kotse ni Elven habang nasa harap naman niya si Corz, nakapalibot lang kami sa kanya.
“Kasalanan mo yan kaya tiisin mo,” wika ni Corz.
Napayuko ako nang sulyapan ako ni Kelly habang nakangiti, “buti na lang nakatawag agad si Cyrel,” napasulyap ako nang banggitin niya ang pangalan ko naalala niya agad, “kong di dahil sayo baka kong ano ng nangyari sa kaibigan namin.”
“Wala ‘yon,” napasulyap ako kay Fraynard na nakatingin pala sa akin pero agad din niyang binawi.
“Wala ba kayong naalala sa kanya?” Napasulyap kay Kent sabay turo sa akin, sa totoo lang lahat kami nakatingin sa kanya, wag niyang sabihin na naalala niya ako, kinabahan ako bigla.
Tinitigan naman ako ni Elven, “oo nga ‘no may kahawig nga siya.”
Naningkit naman ang mga mata ni Jojan, “sino naman?”
“Wala ba talaga akong naalala sa kanya?” Tanong uli ni Kent.
“Sino ba kasi yan?” Inis na tanong ni Corz na naghihintay sa isasagot ni Kent.
Kinakabahan na talaga ako na parang natatae, wag nila sabihin na naalala talaga ako, na ako lang naman ‘yong binully ni Fraynard noong mga fourth year pa ako para lang sa kasiyahan ng mokong na ‘yon sa pagpapahiya niya sa akin.
“Aha alam ko na kong sino, sikat ka nga eh,” lalo akong kinabahan sa sinabi ni Elven.
Napangiwi na ako rito sa kinatatayuan ko at napakapit ng matindi sa strap ng bag ko.
“Si Dora!” Sigaw ni Elven.
“Mali ka, ang bobo mo talaga, kakambal siya ni Dora,” sabi naman ni Kent.
Lahat ng kaba ko nang marinig ko sa kanila ‘yon, nakahinga ako ng maluwag, ano pa bang aasahan ko sa mga ‘to eh baliw din ‘to katulad ni Fraynard.
“Ay hindi siya ‘yong---” Hindi ko na alam ‘yong kasunod na sasabihin ni Adam nang sumingit si Fraynard.
“Tama na nga yan, uuwi na kami,” umalis na sa harapan ni Corz, na una na siyang naglakad, naawa ako sa kanya, hindi man halata sa kanya ang mga sugat, iika-ika naman siya.
“Sige una na ako, maraming salamat,” pagpapaalam ko sa anim.
Hindi man lang sila nagtanong kong bakit kami magkasama ni Fraynard at bakit kami magkasamang uuwi, siguro hindi naman mga chismosa ang mga kaibigan niya kaya ayos lang, tumakbo ako papalapit sa kanya, katulad ng dati nasa likod lang niya ako.
Habang naglakad kami may ilang beses siyang nahihinto at nadudulas, gusto ko sanang tulungan kaso baka kong anong isipan niya kaya aalalay na lang pagnatumba na siya. Sa paglalakad namin nakarating din kami sa bahay, pero biglang tumuwid at umayos ang tayo niya bago siya pumasok sa shop.
Sinalubong kami ni mama, “bakit ngayon lang kayo?” Tanong ni mama.
“Sorry po tita may activity po kasi sa campus kaya ngayon lang kami nakauwi, hindi ko naman po pwedeng iwan si Cyrel gusto niya po kasing manood kaya hinintay ko na lang po siya,” nagulat ako sa dahilan ni Fraynard parang ako pa ‘yong may kasalanan ah.
“Ga’nun ba, sige umakyat na kayo sa taas, malapit na rin kaming magsara maghahapunan na,” sabi ni mama sabay punta sa counter.
Na unang umakyat ng hagdan si Fraynard sa hagdan dahil nakasunod lang ako sa kanya, biglang bumalik ang paika-ika niyang paglakad hanggang sa makapasok siya silid niya na agad niyang sinara, naawa talaga ako sa kanya, hindi naman ako ga’nun kasama para hindi ko ‘yon maramdaman.