Walong buwan kong hinihintay na makaalis na rito sa WA, walong buwan akong nagtiis sa pang-bully ng mean girls na hindi alam ng mga magulang ko at kahit ng mga magagaling na teacher ko, para saan pa naman na magsusumbong ako sa kanila, hindi rin naman nila ako papansin unless kong mayaman ako katulad ng mga nag-aaral dito.
Walong buwan akong nagtiis sa mga paninira nila akin, simula nang araw na buhusan ko rin si Fraynard lalong lumala ang pang-bully ng mean girls, hindi man na ako bulihin ni Fraynard siya pa rin naman ang dahilan kaya ako naghirap sa high school, kaya hindi ako naniniwalang high school life is the best kasi sa totoo niyan high school is the worst part for me.
Hindi na rin ako pinansin ni Arvin, palagi na rin niya kasama si Corz na balita ko eh sila na at matagal nang mag-jowa ano naman ngayon, naka-move on na ako. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral ko.
“Estrada, Cyrel.”
Isang malakas na palakpakan ang narinig ko mula sa manonood, umakyat na ako ng stages suot ang maroon kong toga habang sa ilalim n’un ang uniform ko, kasama ko si papa na proud na proud sa akin dahil 1st honourable mention akong nagtapos sa high school at ga’nun din si mama.
Inabot ng principal namin ang diploma ko at kinuha ko naman itong may ngiti, kinamayan ko sila at ga’nun din ang ginawa ni papa. Isa lang naman ang magandang nangyari sa high school life ko ang maka-graduate.
Paglabas namin sa venue, picture dito at doon ang nangyari, tuwang-tuwa sila mama at papa.
“Ngiti pa anak,” sinunod ko naman si mama na may hawak ng camera na katabi ko si papa.
“Tama na yan, nagugutom na ako,” giit ni papa.
“Oo nga po, ako rin nagugutom na,” sabi ko sa kanila na may halong pagpapa-cute.
Nag-iisang anak lang ako kaya pinangako ko sa sarili ko na gagalingan ko, hindi naman kami mayaman pero hindi naman kami mahirap, masaya nga ang buhay namin at simple lang, malapit ang bahay namin sa isang kilalang unibersidad dito sa Westwood, nasa likuran lang tapos kilala rin ang pastry shop namin na may pangalan Sweet Thoughts.
“Halika na dumiretso na tayo sa bahay, ginawan kita ng paborito mong black forest,” tuwang sabi ni mama kaya pumapalpak ako na parang bata.
“Wow naman,” hindi ko mapigilan na kilingin sa tuwa.
Papaalis na sana kami ng mapasulyap ako sa gilid ko kong saan ingay ng isang grupo ang nangunguna, nang sulyapan ko kong sino ang mga ‘yon, ang grupo palang L7 sa pangunguna ni Fraynard na ang ingay-ingay na nakikipagbiruan sa mga kaibigan niya, may mga magulang at kamag-aral ko ang napapsulyap sa kanila pero hinayaan na lang ang mga kaingayan nila.
Hindi ko pa rin malilimutan ang ginawa niya sa akin, akala niya kong sino siya, sana bumaliktad ang mundo at siya naman ang i-bully ng iba o mas maganda na ako naman ang mang-bully sa kanya, ibinaling ko na lang ang tingin ko sa iba hanggang sa makaalis na kami roon.
MATUTULOG na sana ako para magpahinga nang bumukas ang pintuan, ang daming nangyari sa araw na ‘to, dahil graduate na ang nag-iisa nilang nagmamagandang anak, bumaba ng kalahati ang presyo sa pastry shop ni mama kaya maraming naging tao, parang pang blow-out na rin sa kong sino ang kakain sa shop namin.
“Maaga pa anak, matutulog ka na, akala ko pupunta ka sa senior prom ninyo?” Tanong ni mama habang papalapit siya sa akin.
“Wag na po mama pagod po ako at saka boring ‘yon,” sabi ko na lang.
“Hayyy naku dapat minsan makipag-social life ka naman para magkaroon ka ng kaibigan.”
Naku mama kong alam mo lang na gusto kong makipagkaibigan kaso wala talaga, bully lang ang aabutin ko sa kanila.
“Noong nakaraang taon hindi ka na sumali sa js prom ninyo, kahit dito na lang anak, alam mo ba na ito ang pinakamagandang mangyayari sa high school life mo, last na ‘tong senior prom at pagkatapos nito wala na kasi college ka na next pasukan, may binili pa naman akong susuotin mo,” paliwanag ni mama.
Napaupo agad ako sa sunod kong narinig ko, “talaga po?”
“Oo naman kasi gusto ko ang anak ko ang maganda sa gabing ‘yon,” hindi na ako nagsalita nang hilahin na ako ni mama paalis sa kama ko, lumabas kami ng silid ko at pumunta sa silid niya, nagulat ako nang makitang nakalabas pala ang cocktail dress sa karton.
Lumapit ako at tinitigan ang cocktail na may rainbow colors sa palda tapos plain white sa tube, ang ganda, ang ayos ng skirt eh parang kay tinker bell, “ang ganda naman nito.”
“Bibili ba ako ng pangit para sa anak ko, alam kong magugustuhan mo yan, suotin mo yan, ihahatid ka pa ng papa mo.”
Na excite ko dahil doon, alam kong hindi na kailangan pumunta pero sabi nga ni mama isang beses lang naman ‘to mangyayari, kaya isang beses lang ‘to susuotin, pagbibigyan ko na lang siya. Sinuot ko nga ‘yong bili ni mama sa akin na bumagay naman, sakto lang sa katawan ko at hindi daring tignan, tapos naka-silver shoes ako na may three inches ang taas, pagtyagaan na lang kahit hindi sanay.
Ilang beses pa akong kinuhaan ng litrato ni mama bago ako hinatid ni papa sa WA, nang makarating ako sa gym nagkalat na ang mga fourth year doon na katulad ko, suot ang kanilang mga naggagandahang gown at dress.
Ako medyo nagbago naman, wala ‘yong salamin kong suot na pinalitan ng contact lens na binili rin ni mama dahil hindi naman daw bagay sa suot ko ang magsalamin, tapos si mama rin ang nag-make na light lang at nag-ayos ng messy bun ng hair ko, saan ka pa, nanay ko ang naging fairy god-mother ko, pero wala nga lang akong prince charming.
“Na andyan ka lang pala,” napasulyap ako sa likod kong saan nang galing ang boses.
Laking gulat ko na si Fraynard pala, na kilala niya ako kahit ganito ang ayos ko? Aba matindi ang isang ‘to parang matang-lawin.
Nakasuot siya ng tuxedo pero bukas ang coat tapos naka-vans siyang sapatos, anong klaseng pauso ‘yon.
“Alam mo kong may balak kang mang-asar wag mo nang ituloy kasi pagod na pagod na ako sayo,” seryoso kong sabi sa kanya, huli na ‘to papadala pa ba ako sa takot sa kanya.
“Bakit akala mo ba nagmukha kang tao dyan sa suot mo? mukha ka pa rin pa namang nerd na napilitan lang magsuot ng magandang damit na hindi naman bagay sayo,” pang insulto niya.
“Wala ka talagang modo, baka nga may gusto ka sa akin, kaya ka nagkakaganyan,” teka tama ba ‘yong nasabi ko, pwede bang bawiin, nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya, pero agad ding nakabawi.
“Hey guys!” Sa lakas ng boses niya kahit na maingay ang tugtugin nakuha niya ang atensyon ng lahat.
May ilang nagtataka lalo na nang makita nila ako.
“Alam ba ninyo si nerd nag-costume ng pang-tao akala muna man bagay sa kanya, trying hard, mukha pa rin namang nerd, sabihan ba naman ako na may gusto sa kanya, assuming na ang lupit!” Sabay hagalpak niya ng tawa ga’nun din ang mga nakalibot sa akin.
Sabi na nga ba hindi ‘to magandang ideya na magpunta rito dahil pag-pisyetahan lang nila ako, lumayo na ako sa mga tao pero muli akong bumalik sa harap ni Fraynard na siyang pinagtaka niya, pero bago pa man siya makapagsalita agad kong tinapakan ang isang paa niya ng madiin saka tumakbo ng mabilis.
Narinig ko pa ang bulahaw niya sa sobrang sakit ng ginawa ko, bahala siya at least nakaganti na ako. Narinig ko pa ang mga sunod niyang mura ang sarap pakainin ng sili pero hindi ako huminto sa kakatakbo baka mamaya kong ano pang gawin niya pagnahabol niya ako.