The Worst Part

1473 Words
Ang saya. Yan ang nararamdaman ko ngayong araw, pagkatapos niya akong ilibre sa canteen, ingit ang mga babaeng nagkaka-crush sa kanya, maingit talaga sila dahil crush din ako ni Arvin, sabihin ko na rin sa kanya ang totoo kong nararamdaman kaso nagpakasaya na muna ako.             Pabalik na ako sa room namin dahil tapos na ang break time nang may humatak sa aking kamay, sisigaw pa sana ako nang may tumakip sa bibig ko, buti na lang malambot at hindi mabaho naku kong hindi, sisipain ko talaga siya, nagpupumiglas ako hanggang sa dalhin niya ako sa loob ng banyo namin, lalo akong kinabahan sino ba ‘to, naku naman.             Bigla na lang ako tinulak ng humatak sa akin, pagharap ko, si Fraynard lang naman pala, “anong gagawin mo sa akin?” Tanong ko sa kanya sabay yakap sa sarili ko ang seryoso rin kasi ng tingin niya sa akin, “kakasohan kita pag-may ginawa kang masama sa akin, akala mo hindi ako natatakot sayo, sige subukan mong lumapit sa akin!”             Papalapit na sana siya at ako naman ay paatras ng paatras pero huminto rin naman siya.             “Pinabayaan na kita sa pang-bully ko sayo nang binalaan kita tungkol kay Arvin, sinabi ko sayo na umiwas ka sa kanya, sa paglapit mo sa kanya may ibang nasasaktan, nasasaktan ang kaibigan ko!” Sigaw niya sa akin.             “Eh ano naman ngayon, kasiyahan ko ‘to bakit ko ipagkakait sa akin, bakit kayo lang ba ang pwedeng sumaya at magmahal? Kaibigan mo lang ba ang pwedeng sumaya, umamin sa akin ang pinsan mo na gusto niya ako---”             Natigil ako nang tumawa siya na para bang nang-aasar.             “Siya may gusto sayo? Wag ka nang umasa at mangarap, hangga’t maaga umiwas ka na sa kanya kong ayaw mong masaktan,” wika niya.             “Hindi ko maintindihan kong bakit ka ganyan sa akin? Ni wala nga akong ginagawang masama sa inyo lalo na sayo.”             “Wala nga pero sa kaibigan ko, nasasaktan sayo dahil sayo, kaya kong ako sayo umiwas ka na, hindi para sayo si Arvin tandaan mo yan,” tinitigan pa niya ako bago niya ako tuluyang iniwan.             Nakatulala lang ako rito sa kinatatayuan ko, ang lakas pa rin ang t***k ng puso ko, akala ko kong ano nang gagawin niya sa akin, pero hindi ko pa rin maintindihan ang mga pinagsasabi niya, eh ano naman kong gusto ako ng pinsan niya? Saang parte ba niya hindi maintindihan ang bagay na ‘yon? Ganito ba siya ka-desperado sa pang-bully niya sa akin, akala ba niya susunod ako? Hindi as in no! KAKATAPOS lang ng pang-umaga na klase at ito na naman ang lunch break, lumabas na ako ng classroom sana naman makasabay ko sa tanghalian si Arvin, naglalakad ako sa hallway na pansin ko ang masasamang titig sa akin ng mga kamag-aral kong babae, alam ko na yan, dahil ingit lang sila.             Natigil ako sa paglalakad ng may humagis sa akin ng isang bagay hindi naman matigas, tama lang para maramdaman ko, galing ‘yon sa mga mean girls, nang sulyapan ko kong ano ‘yong binato nila sa akin sa may sahig, laking gulat ko kong ano ang bagay na ‘yon, hindi na ako tanga para hindi ko malaman kong ano ‘yon, isang condom, yak saan ba nila nakuha yan?             Pagtingala ko naramdaman ko na ang kamay ni Pantene sa buhok na subunot na niya.             “Aray nasasaktan ako, tama na!”             “Aba ang nerd nasasaktan sa sabunot ko pero nasasarapan sa matigas na bagay,” sabay tawa niya, “akala mo kong sinong inosente aba mas malandi pa pala sa atin! Bagay yan sayo,” sabay subsob niya sa mukha ko sa sahig.             Napaluha na ako sa sobrang sakit, wala ba talagang tutulong sa akin, I need help!             “Hi-hindi ko maintindihan yang mga sinasabi mo, bitawan mo ako,” nang sabihin ko ‘yon binitawan niya nga ako, pero napaupo naman ako sa sahig, dinampot niya ang condom saka niya muling hinagis sa akin.             “Malandi, halibarot! Akala mo porket na tikman ka na ni Fraynard, magugustuhan ka niya, baliw ka talaga, pati ang pinsan niya tinutuhog mo para matikman mo rin, ang landi mo talaga!” Sigaw niya sa akin, mas ayos sa akin na saktan niya ako pero ang sabihan ng masasakit na bagay na hindi ko ginawa eh ibang usapan na yan.             “Ang galing mo rin gumawa ng kwento,” iyak ko sa harapan niya.             “Hindi ako gumagawa ng kwento, may nakakita sa inyo na pareho kayong pumasok sa banyo ng mga babae, ang tagal nga bago kayo lumabas tapos nakita ‘to roon, akala mo kong sinong santa, wag ka nang magkaila pa!” Sigaw muli ni Pantene.             Natigilan ako, naalala ko ‘yong hinatak ako ni Fraynard sa banyo, kasama ba ‘to sa plano niya sa pang-bully niya sa akin kaya niya ako dinala roon maliban sa pang babanta niya, gusto niyang palabasin na malandi ako? Teka baka makarating ‘to kay Arvin, magpapaliwanag ako.             Kahit umiiyak at gulo-gulo pa ‘yong buhok ko, tumayo na ako, lalapit pa sana sa akin si Pantene para saktan muli pero tumakbo na ako palayo, ilang masasamang tawag pa ang ginawa niya pero isa lang ang nasa isip ko, si Arvin.             Isang lugar lang ang pinuntahan ko, sa second floor sa library pero nang makarating ako roon, wala siya roon, pababa na sana ako ng hagdan ng makita ko siyang papaakyat, nagulat ako alam na ninyo kong bakit dahil crush ko siya ganito ang epekto niya sa akin, pero siya parang hindi niya ako kilala, lalagpasan na niya sana ako nang hawakan ko ang braso niya pero madali niya itong nilayo sa akin.             Hindi ‘to pwede, parang alam ko na ang mangyayari.             “Bakit ka pa na andito?” Walang emosyong tanong niya sa akin.             “Arvin akala ko hindi kita makikita---” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sa sunod kong narinig galing sa kanya.             “Nagsisisi lang ako na naging crush kita at umamin ako sayo kanina, akala ko iba ka sa kanila at na matino kang babae, tama nga ang sinasabi nila na malandi ka.”             Mas masakit palang marinig pag-galing sa crush mo na sabihan ka ng ga’nun, dahil sa kahihiyang at galit ko, nasampal ko siya, hindi naman porke na crush ko siya gaganituhin lang niya ako diba, tuluyan nang kumawala ang luha ko, isa lang naman ay may pakana ng bagay na ‘to, si Fraynard.             Naniwala siya sa mga sabi-sabi na wala naman talagang basihan, anong klaseng yan? Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at bumaba na ako. Inis na inis ako at galit na galit, yan talaga ang nararamdaman ko, gusto ko siyang sapakin o makaganti man lang ako sa kahit na anong paraan.             Wala na akong pake alam kong anong sasabihin sa akin ng mga nakatingin sa akin dito sa hallway, pinagtatawanan, nagbubulungan at masasamang tingin ang natatangap ko, pero hindi nila alam ang tunay na nangyari, saan ang logic? Mapang husga talaga ang mga tao kahit naman na hindi sila judges.             Kosang kumilos ang mga paa ko at dinala ako sa canteen, tanaw ko agad sa gitna kong na saan ang L7 na nagkakatuwaan, siguro pinagtatawanan nila kong ano ‘yong pakulo ni Fraynard para may katuwaan sila.             Naglakad ako papalapit sa table nila, isa-isang nagsitigil nang makita nila ako at saka si Fraynard na nakangisi, kinuha ko ang blue na Gatorade na nasa table nila at lumapit sa puwesto niya, “kong nong una aksidente ‘yon na hindi mo pa rin maintindihan ang salitang aksidente, ngayon sinasadya ko na ‘to,” sabay buhos sa kanya lahat ng laman ng bote.             Nagulat sila sa ginawa ko at napatayo siya, “what the hell are you doing!?” Bulyaw ko niya sa akin.             “Kong akala mo natutuwa ako sa pagpapakalat mo ng balita sa lahat, nagkakamali ka, sino ka para gawin ‘yon? Pinapalamon mo ba ako, ikaw ba nagbibigay ng baon sa akin? Ikaw ba ang nagbabayad ng tuition fee ko rito sa WA, ang baho ng ugali mo katulad ng pagmumukha mo, wala ka bang nanay at kapatid na babae kong makaasta ka akala mo kong sino ka, wala kang modo!” Hagulgol ko habang sinasabi ko ‘yon sa kanya. “Hindi mo alam kong anong nararamdaman ng ma-bully, magsisisi ka kong sakaling ikaw naman ang nasa kalagayan ko.”             Tumigil ang ingay sa buong canteen lalo na sa table nila at lalo na si Fraynard na nakatingin lang sa akin, binato ko sa kanya ng boteng wala nang laman, tumalikod na ako at taas noong naglakad palayo sa kanila. Kahit lang dito nakaganti ako, ayos lang kong ano na ang sunod na mangyayari bukas dahil sa ginawa ko kay Fraynard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD