The Confession

1417 Words
Hindi pa rin ako maka-get over sa nalaman ko na mag-pinsan pala si Fraynard at Arvin, ang layo kasi kong iisipin mo, at talagang isang linggo ko nang iniisip, medyo tumahimik na rin ng kaunti ang buhay ko nitong nakaraang araw siguro dahil sa sinabi ni Fraynard sa mga mean girls na siya lang ang pwedeng mang-bully sa akin, wag lang niya sana maalala na bulihin niya ako ngayong linggo. Noong mga nakaraang araw hindi ko na nakikita o napapansin man lang si Arvin, siguro dahil sa pag-aasikaso sa quiz bee niya, kumusta na kaya siya? Nanalo kaya siya, siguro naman makakapasok siya kahit 1st place matalino naman siya kahit na section 2 siya, siya nga ang pinakamatalino roon, hindi ko lang alam kong bakit wala siya sa section 1? Naglalakad lang ako pagtuwing papasok at uuwi dahil malapit lang 'yong bahay namin dito sa WA, nasa sidewalk pa lang ako tanaw ko na 'yong tarpuline na nakadikit mula sa labas ng gate, naningkit ang mga mata ko, totoo ba 'tong nakikita ko, agad akong lumapit at binasa. "Pride of Williams Academy, Arvin Feliciano, congrats for being champion in Math Division Quiz Bee. Wow," hindi ko maiwasang hindi mamangha, habang nasa gilid n'un ang picture ni Arvin na nakangiti at hawak ang certificate at troopy niya sa pagkapanalo, ang galing. Doon ko napagtanto na maingay pala sa loob, na-excite akong pumasok, pagkapasok ko pa lang sumalubong na sa akin ang ingay ng mga cheering squad, ang hiyawan, sigawan ng mga estudyante sa field at pati na rin ang drum corps ng school, lahat silang tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Arvin, aba syempre sinong hindi matutuwa. Lalapit sana ako sa ginawang stage sa field para makita ko ng malapitan  si Arvin na nakatayo roon na tuwang-tuwa rin habang kasama niya ang buong faculty at admin ng school, pero natigilan ako ng makita kong naroon si Corz na sinabitan ng kwentas na gawa sa bulaklak si Arvin sabay halik sa pisngi niya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Arvin sa ginawa ni Corz, dahil doon lalong lumakas ang sigawan ng mga estudyante, may ilang kinilig at may ilang na iingit, oo ako 'yon. Nakita ko rin ang pag-ngiti nila sa isa't isa, tama nga si Fraynard na sila nga, habang pinagmamasdan ko silang dalawa, mas bagay nga sila, bakit nga ba kasi ako umaasa? Everytime na kakausapin niya ako, umaasa ako. Bigla ko ring naalala na may sinabi sa akin si Arvin last week, na aamin na siya sa matagal na niyang gustong babae kong sakaling manalo siya, wala namang ibang dapat isipin, si Corz na 'yon. Umatras ako at saka lumayo sa venue ng kasiyahan, sa pagiging assuming ko sinasaktan ko lang ang sarili ko. Dumiretso na lang ako sa classroom namin, siguro sandali lang 'to pag-dinaan ko 'to sa pagkain mawawala rin 'tong pagiging emotera ko. BWISIT! Arvin lubayan mo utak ko! Yan lang naman ang paulit-ulit kong sinisigaw dahil hindi siya mawala, sabi kong kakalimutan ko na siya pero hindi ko magawa tapos naalala ko pa 'yong nangyari kanina, doble na yong inis ko sobra. Para akong naglalakad na zombie wala sa sarili patungong second floor kong na saan ako madalas tumatambay, natigil ako sa paglalakad nang makita ko si Arvin, anong ginagawa niya dito? Nakaupo pa siya sa puwesto ko, ang puso ko ang bilis ng t***k. Dahan-dahan akong naglakad paatras para makaalis sa lugar na 'yon pero huli na lalo nang makita niya ako, agad siyang tumayo, "Cyrel," tawag niya sa akin sabay kaway na lumapit sa akin. Kanina pa ba siya dito? Hinihintay niya kaya ako? Ano ba yan Cyrel, bakit ka nagtatanong ng mga ganyang bagay sa isipan mo? Wag kang assuming diba. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin, "akala ko hindi ka na darating," wika niya. Tama ba 'yong narinig ko sa kanya. "Bakit, hinihintay mo ba ako?" Pabiro kong sabi para hindi desperado pakinggan. "Oo, kanina pa, akala ko nga hindi ka kakain dito ngayon, buti dumating ka kanina pa ako may gustong sabihin sayo, naalala mo ba 'yong sinabi ko sayo last week na kapag nanalo ako---" Hindi ko na siya pinatapos at ako na ang nagpatuloy, "---sasabihin mo sa crush mo nang matagal na gusto mo siya, oo naman tanda ko pa." "Alam mo bang nanalo ako?" Nakangiti lang siya at hindi 'yon maalis sa kanya, naku wag mo akong akitin baka bumigay ako. "Oo naman, kitang-kita pa lang sa tarpuline sa labas, oo nga pala congrats sabi ko na nga ba mananalo ka roon, hindi ako nagkamali," naku kong alam mo lang nong nalaman kong sasali ka sa quiz bee na 'yon gabi-gabi ko na pinagdarasal na manalo, "naamin muna siguro sa kanya diba?" Ang tanga bakit ko pa tinanong, double kill 'to sa akin. Umiling siya sa akin, "hindi pa, sasabihin ko pa sa kanya ngayon." "Edi go, sorry kong hindi kita masasamahan pero suportado kita sa crush mo, medyo nagugutom ako kaya sabihin muna lang kong anong magiging resulta ng pag-amin mo sa kanya," jusko tama na umalis ka na sa harapan ko Arvin, itulak kita sa hagdan pag-ako hindi makapagpigil. Umiling uli siya, ano ba may sakit ba siya o baliw, iling na lang siya ng iling. "Hindi naman kailangan, nasa harapan ko nang dati kong crush, ikaw 'yon Cyrel." Nanglaki ang mata ko sa gulat, teka tama ba 'yong narinig ko, titig na titig ako sa kanya, hinihintay ko na sasabihin niya na wow mali! O kaya joke lang naman, pero hindi mas lalo akong nagulat ng hawakan niya ang isa kong kamay, oh my god! Pwede na akong mamamatay, as in now na, ang puso ko nagtatalon sa tuwa totoo ba 'to, tapos 'yong pisngi ang init, namumula siguro. "Pero teka," sabay tawa ko, "nagbibiro ka lang diba, ang akala ko si Corz yong crush mo, wala namang ganyanan na biro." "Hindi ako nagbibiro totoo 'yong sinabi ko, naalala mo 'yong second year ka, maulan n'un kaya madulas sa sahig lalo na sa mga hallway, sa pagmamadali mo nadulas ka, tinulungan kitang makatayo noon, nag-thank you ka lang sa akin pero hindi ka tumingin sa akin kasi nagmamadali ka sa klase mo, naalala mo ba 'yon? Kasi ako tanda ko pa, 'yong araw na 'yon ang unang araw na nahawakan ko ang kamay mo at unang araw na nakita kita," pagkikwento niya sa akin. Sumagi sa aking alaala ang araw na 'yon, tama second year pa 'yon, may tumulong sa akin nang madulas ako sa hallway pero hindi ko alam kong sino naglahad ng kamay sa harapan ko, basta ko lang siya hinawakan, siya pala 'yon, hala destiny na ito. "Pero sa totoo lang hindi ko pa alam ang pangalan mo, noong nakaraang lingo lang, matagal ko nang gustong malaman ang pangalan mo pero wala akong lakas ng loob." Si Arvin may pagkatorpe naku ang haba ng hair ko sobra abot hanggang Batanes. "Madalas na kitang napapansin at nakikita na naglakad mag-isa, last week lang ako nagkaroon ng lakas na makausap ka, siguro hindi pa naman huli ang lahat diba," ngiti niyang wika. Hindi pa rin nahupa ang kilig at bilis ng t***k ng puso ko. "Pero bakit ako? Imposible naman magkagusto ka sa akin?" Isus pakipot effect. "Sabihin nating hindi ka maganda." Aray, maayos na eh akala ko 'yon na 'yon, gusto kong bawiin ang kamay ko pero hawak niya pa rin. "Sa paningin ng iba, pero para sa akin maganda ka sa tuwing suot mo yang salamin mo, kahit na hindi ka nag-aayos, nagiging maganda ka pa rin sa akin." Ay may kasunod pa pala, kilig much. "Cyrel, pwede bang ligawan kita?" Hindi na talaga ako nakahinga ng maayos sa tanong niyang ga'nun, ito na ba ang simula ng lovelife ko Lord, oh my! Sabi na nga ba, kailangan ko lang talaga maghintay at darating ang para sa akin. Napakagat labi ako bago ako nagsalita, "pwedeng pag-isipan?" Yan ang unang salitang lumabas sa bibig ko, syempre baka mamaya wow mali talaga 'to pero oh my gulay totoo 'to. "Ayos lang naman na hintayin ko ang magiging sagot mo, hihintayin ko kong ano man yan, alam kong nabigla kita, pero salamat kasi hindi ka lumayo nang sabihin ko sayo, halika punta tayong canteen libre kita," yaya niya sa akin at hindi na ako nakatangi. Inakbayan niya ako, tinignan ko 'yong kamay niya sa pagkakaakbay niya sa akin, kinikilig talaga ako ng sobra ito 'yong hinihintay ko matagal na, ang bango pa niya at ang macho ng braso, Arvin na Arvin, naku.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD