Selfish Bad boy

1457 Words
Ito na naman po tayo sa bagong kong pakikipagsapalaran sa WA, nasa hallway pa lang ako nang harangan na ako ng mga mean girls habang nasa gitna si Pantene, ang mga ayos ng mga uniform nila eh wala sa pormal parang 'yong sa mga kpop hindi naman bagay, may hawak pang lollipop si Pantene, hindi ko alam kong anong trip nila pero kailangan ko nang umalis para hindi ako ma-late sa una kong klase. Kakaliwa sana ako ng hatakin niya ako sabay tulak pabalik sa kinatatayuan ko kanina, sinamaan ko siya ng tingin, sa ganitong bagay ko lang naman ako pwedeng maganti. "Kailangan ko nang pumasok," sabi ko sa kanila. "Sorry girl pero may kailangan pa kami sayo," mahinhin niyang wika, "kaya dito ka lang!" Pero nagbago 'yon at sinigawan niya ako. "May namamagitan ba sa inyo ng Fraynard ko?" Nagtaka ako sa tanong niya, saka ko naalala 'yong eksenang ginawa ni Fraynard kahapon sa canteen, siguro kalat na sa buong campus ang tungkol, muli kong hinarap si Pantene. Isa kasi si Pantene na patay na patay sa mokong na mukhang singit na 'yon, ang sama kong makatitig sa akin, pero para bang may nagsinding bumbilya sa ibabaw ng ulo ko at nakaisip ako ng pang-aasar, naku bahala na pagnapahamak ako sa gagawin ko. Ngumisi ako sa harapan niya, "eh ano naman kong meron," pagmamayabang ko pero sa totoo lang gusto kong bawiin lalo na nang magulat silang lahat. "Anong sabi mo? Bawiin mo 'yon!" Pang gagalaiti niyang sigaw sa akin talsik pa laway niya sa mukha ko baka mamaya amoy bagang pa. "Hindi na pwedeng bawiin ang sinabi na," ngisi ko uli pero sa totoo lang nangangatog ako nilalakasan ko lang ang loob ko. "Baliw ka! Paano naman magkakagusto sayo ang isang Fraynard Feliciano eh ang pangit mo, inangat mo siya gamit yang nakakahawang pagiging nerd, ang pangit mo!" Sabay hatak niya ng buhok ko. "Aray bitawan mo ako," naitulak ko siya na kamuntik na niyang ikatumba pero pasalamat siya sa mga alipores niya dahil nasalo siya ng mga 'yon, "sorry hindi ko sinasadya." Tumayo ng maayos at tinapon ang lollipop na hawak niya, "anong hindi? Pagbabayaran mo 'yong ginawa mo sa aking pangit ka," muli niyang hinatak ang buhok ko habang hawak niya ang ulo na para bang binababa niya, nagpupumiglas ako habang hawak ko 'yong kamay niyang nakahawak din sa akin. Napaluhod na ako sa pagduldol niya sa akin, malapit na 'yong mukha ko sa sahig sa may lollipop kong saan nalaglag, nakakahiya itong ginagawa niya sa akin pinagmamasdan na ako ng mga ka-schoolmate kong ayaw man lang ako tulungan. "Itigil mo yan!" Isang sigaw ang nagpahinto sa kanyang ginagawa sa akin, pati ako nahinto, natahimik din ang buong hallway, ang alam ko unti-unti na lamang niya akong binitawan, nakaluhod pa rin ako sa sahig, naramdaman ko na lang na may humila sa bag ko para mapatayo ako, nang makita ko kong sino 'yon, katulad ng mga mukha nila ako rin ay gulat na gulat, si Fraynard, hawak pa rin niya ang bag ko. Nakatitig ako sa kanya na gulat na gulat, habang siya ay nakatingin kay Pantene na seryoso. "Sino nagsabi sa inyo na galawin ninyo ang babaeng ito?" Tanong niya kay Pantene. "Wala pero binibigyan ko lang siya ng leksyon sa pagpapahiya niya sayo last week, isa pa sinasabi niyang boyfriend ka niya," nagulat ako sa paliwanag ni Pantene, naku naman wala akong sinabing ga'nun, inaasar ko lang siya. "Eh ano naman kong sabihin niya 'yon, dapat ba magalit ka sa kanya? Walang ibang estudyante ang mang-bully sa babaeng ito maliban sa akin! Tandaan mo yan!" "Huh, pero---" "Sabi nang tandaan mo yan!" Kita ko ang takot sa mukha ni Pantene, sino ba naman hindi matatakot sa kanya kahit din ako takot din sa kanya. "Umalis ka na sa harapan ko kong ayaw mong matulad sa babaeng 'to," pagbabanta niya. Ayaw man umalis ni Pantene eh wala siyang magagawa at tumalikod na siya, binigyan pa niya ako ng masamang tingin bago siya tuluyang umalis sa harapan namin. "Anong tinitingin tingin ninyo!" Dahil sa lakas ng boses ni Fraynard lahat ng mga estudyanteng naroon hindi na tumingin sa amin, kailangan ko na bang magpasalamat sa ginawa niya, pero bubulihin pa rin naman niya ako so para saan pa ang pagpapasalamat ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin saka niya ako binitawan, naglakad na siya palayo sa akin, sumunod naman yong mga kaibigan niya sa kanya, ngayon ko lang nalaman na kasama niya pala ang mga 'yon. DUMATING na naman ang break time muli akong pumunta sa dati kong puwesto sa labas ng library buti na lang nalinis na doon, pero bago pa man ako umupo roon may isang bagay akong naalala, lumapit ako sa bintana, nakita ko mula sa loob si Arvin na nag-aayos ng gamit niya na mukhang lalabas na ng library, teka ibig sabibin ba nito matagal na niyang ginagawa ito? Na mag-library muna siya bago mag-break time pero bakit ngayon ko lang nalaman, nakakainis naman. Nang tumayo siya napasulyap siya sa salamin kong na saan ako, hindi na ako naka-reak, hala nahuli niya ako, nakakahiya. Ngumiti naman siya at kumaway sa akin, nakahinga naman ako ng maluwag, ang bait niya talaga. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya, nakita ko siya sa may pintuan akala ko didiretso na siya pababa pero laking gulat ko na pumunta siya sa direksyon ko, huminto siya sa harapan ko. "Dito ka na naman kakain?" Tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako, "diba may boyfriend ka dapat palagi mo siyang kasabay kumain." "Huh?" Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya, kami lang namang dalawa ang na andito, "hindi ko siya boyfriend." Epal ka para saan pa kong sasabihin ko 'yong totoo? Para naman ako nitong assuming. Nakakainis! "Ano?" Bahagyang nagulat siya pero agad naman siyang nakabawi, tumawa siya ng mahina. "Halata naman na hindi mo siya boyfriend." Wow parang sinasabi niyang wala talaga akong dapat maging boyfriend, ouch. Ngimiti na lang ako ng pilit, "thank you kong ga'nun," nakitawa na rin ako kahit pilit. "Alam mo ba medyo stress pala pag-kasali ka sa quiz bee," pag-iiba niya ng topic. "Kaya ba nasa library ka bago mag-break time?" Tanong ko sa kanya. "Oo nitong nakaraan lang ako nag-umpisa, may quiz bee kasing sinalihan ang school ako ang ipanglalaban nila sa math division," paliwanag niya. Ay kaya pala, ngayon ko lang siya nakikita dito, akala ko destiny na ang assuming ko talaga. "Ikaw mukhang palagi kang na andito?" Tanong naman niya sa akin. "Ah oo dati pa," tipid kong sagot, "oo nga pala goodluck sa quiz bee mo, kailangan pala 'yon?" "Sa sabado, sa Amity High, sana nga manalo ako, nakakahiya kong matatalo ako samantalang napili akong lumaban," ang sarap talagang tignan ang ngiti niya, bigla naman niyang nilahad ang kamay niya sa akin na para bang makikipag-shake hands na siyang pinagtaka ko. "Wish me luck kasi pagnanalo ako aamin na ako sa babaeng matagal ko nang gusto." Tuluyan na akong nawalan ng ngiti sa puso pero sa labi ko nakangiti pa rin pero pilit hindi ko gustong ipakitang hindi ako apektado. Malamang si Corz na 'yong tinutukoy niya katulad ng sinabi ni Fraynard, kinamayan ko na lang siya, malambot ang kamay niya, gusto ko pa sanang pagnasahan pero nawalan ako ng gana, crush lang naman pero masakit pa rin ano, sandali kaming nagkamayan at ako na ang bumitaw. "Kaya mo yan, go Arvin!" Pag-cheer ko sa kanya. "Huh?" Nagulat ako sa naging reaksyon. "Anong huh?" Pagtataka ko sa kanya. "Tinawag mo ako sa pangalan ko, kilala muna ako kahit hindi ako nagpapakilala sayo?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Tama ba 'yong narinig ko, natawag ko siya sa pangalan niya, anong sasabihin ko, na may crush ako sayo matagal na siguro mahigit four years nang makita kita dito kasi na love at first sight ako sayo, ga'nun? No way! Anong sasabihin ko, buti naman sa mga ganitong oras gumagana ng maayos ng utak ko. "Kilala sa buong campus, paanong hindi kita makikilala?" Palusot ko na lang na sana maniwala siya. "Ah, pero ikaw hindi pa kita kilala, anong pangalan mo?" "Cyrel Estrada," mabilis kong sagot, sana lang hanapin niya sa facebook yong name ko nang ma-add naman niya ako. "Ok Cyrel, ako nga pala si Arvin Feliciano." Nang laki ang mata ko sa pagpapakilala niya, teka lang tama ba 'yong narinig kong apelyido niya, ka-apelyido niya si Fraynard the mokong. Magsasalita pa sana ako ng unahan niya ako. "Pinsan ko si Fraynard," dugtong pa niya. Grabe ang liit nga ng mundo, ang layo nila sa isa't isa, ang bait nito kesa sa mokong na 'yon. Ang malas naman niya at sa dinami-dami ng maari niyang maging pinsan eh si Fraynard pa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD