Sweet dreams become Nightmare

1433 Words
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa baba, malapit na sana kami sa canteen nang huminto siya kaya huminto rin ako, nagtataka akong tumingin sa likod niya, para ko siyang gustong yakapin ang gwapo pati likod, nagulat naman ako ng humarap siya medyo nakataas ang isang kilay niya, ngumiti naman ako pero bigla rin naman nawala 'yon. "Bakit ka na andyan sa likod ko?" Tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya nang muli siyang magsalita. "Nagmumukha kang aso, para ka ring tuloy alalay ko, dito ka sa tabi ko," wika niya. Hindi na aki nakaimik at nakagalaw sa kinatatayuan ko, grabe ang puso ko gusto nang lumabas sa bilis ng tibok ng puso ko, medyo masakit 'yong una niyang sinabi pero kami magtatabi? Hala, pwede na akong mamamatay sa sobrang kilig, concern ba siya sa akin eh nahihiya ako at dalagang pilipina, dapat may pakipot effect. Siya na mismo ang tumabi sa akin kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang ngumiti siya ng sobrang tamis. "Halika na," yaya niya Kosang sumabay ang mga paa ko sa paglalakad kasabay siya, nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng canteen, kita ko agad ang mga titig ng mga girls sa akin, bakit? Eh kasama ko lang naman ang isa sa mga hinahangaan nilang lalaki, plus kasama ko siya, ang swerte ko, wala namang pila kaya agad kaming nakalapit sa counter. Sa apat na taon ko rito at apat na taon na naging crush ko siya, ito ang unang pagkakataon na ililibre niya ako, kinausap niya ako at sinabayan sa paglalakad, pwede kayang mag-request na maglakad na lang kami habang buhay, parang ang sarap n'un, kaso wag na lang. "Anong gusto mo, pili ka na lang, ako na magbabayad?" Muli akong humarap nang tanungin niya ako. "Sigurado ka ba? Ayos lang kahit wag na," kunwari hindi ko gusto pero sa totoo lang kanina pa ako kating-kati na mahawakan ang libre niya. "Sige na pili na, ayos lang at saka yan lang ang kakainin mo, kaya ang payat mo," napasulyap ako sa sandwich ko na hawak ko pa rin hanggang ngayon, "sige ako na pipili ng pagkain para sayo wait lang." Hindi na ako nakaimik, jusko ko Lord, ano bang ginawa ko sa inyo at bakit ang swerte ko. Siya na nga ang pumili ng pagkain para sa akin, bumili siya ng juice ng katulad ng natapon niya kanina at isang cheese mac, nang mabilis niya 'yon agad niyang inabot sa akin habang nakangiti. "Yan sayo na yan, kumain ka na," anya. Magsasalita pa sana ako para magpasalamat nang magulat ako sa umakbay sa akin, pati rin siya parang natigilan at tumitig sa nakaakbay sa akin, teka sino ba 'to? Nang lingunin ko kong sino ang panira ng moment ko, si Fraynard, gusto kong makawala pero lako niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin, nakangiti siya ng nakakaloko kay Arvin saka binaling ang tingin sa akin, teka wag niyang sabihin ng bubulihin niya ako sa harapan ni Arvin? Oh no wag po kuya! "Hi baby ko, nawala lang ako saglit may nilalandi ka nang iba," nang laki ng mata ko sa sinabi niya. "Huh? Teka anong sinasabi mo, bitawan mo nga ako." Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang nasaktan sa sinabi ko, "ganyan ka na ba talaga sa akin?" Muli akong humarap kay Arvin na nagtataka sa mga nangyayari, "teka Arvin mali ka ng inaakala ano kasi---" "Arvin tama ka ng hinala, girlfriend ko si Cyrel, itong babaeng nilalandi mo, so back off, landiin muna ang lahat ng babe dito sa Williams Academy wag lang ang babaeng 'to," dahil sa mga sinabi ni Fraynard biglang naging ingay ang bulong-bulungan ng mga babae sa canteen, teka ano bang nangyayari dito? "Ok sorry pre hindi ko naman alam na girlfriend mo siya at wala akong ginagawang iba sa gf mo, hindi ko siya nilalandi, natapon ko lang ang juice niya kaya binayaran ko lang, that's it wala nang iba, kaya mali ka ng iniisip," paliwanag ni Arvin sa asungot na may hawak sa akin. "Ay ga'nun ba," sabay bitaw sa akin kamuntik pa akong matumba buti hindi nakakahiya sa harap ni Arvin my love. "Kong ga'nun edi ayos, wag ka nang lalapit sa babaeng 'to kong hindi makakatikim ka sa akin," pagbabanta niya. Magsasalita pa sana ako para ipabawi sa kanya ang mga sinabi niya nang hawakan niya ako sa kamay at hatakin palabas ng canteen, para mapaniwala niyang boyfriend ko siya sa harapan ni Arvin, jusko 'yong panaginip ko parang naging nightmare ng sumingit si Fraynard na mukha talagang singit. Hindi ko na alam kong saan ako dadalhin nito, bago pa man may mangyaring masama hinatak ko na ang kamay ko buti naman at nabitawan niya. Humarap sa akin, wala na 'yong nakakaloko niyang ngiti, seryoso na siya, ito na naman po tayo. "Ano bang trip mo ah, kanina binully mo ako tapos sinabi mo sa lahat na girlfriend mo ako, anong klase ka!?" Tumawa siya ng may halong pang-aasar, "ano naman sa tingin mo? Na totoo lahat ng sinabi ko, ulol, kadiri lang kinilabutan nga ako ng sinabi ko 'yon, kasama 'yon sa pang-bully ko sayo." Gusto ko sapakin pagmumukha niya! Ang sarap lang eh, epal kahit kailan, nakakabwisit na may halong pang gigigil ang nararamdaman ko. "Alam ko naman na hindi 'yon totoo pero dinadagdagan mo lang ang problem ko! Epal ka!" "Yon nga ang gusto ko 'yong mainis ka, isa pa wag ka nang lalapit sa lalaking 'yon gusto 'yon ng kaibigan kong si Corz, nangliligaw 'yon kay Corz kaya kong ako sayo wag ka nang lumapit, panira ka lang sa moment nila, isa kang malaking harang na kailangan alisin, alam mo ba 'yon ah nerd, para kang kalat, kaya kong inaakala mo na gusto ka n'un magising ka na dyan sa panaginip mo," para akong sinaksak ng paulit ulit sa mga sinabi niya. Bago pa man ako maka-reak umalis na siya sa harapan ko at iniwan akong mag-isa sa tahimik na hallway. Nalungkot ako bigla, si Arvin may nililigawan na iba at si Corz pa? Bakit hindi ko alam 'yon, kailangan ba magpasalamat pa ako kay Fraynard kasi sinabi niya sa akin. Nawala na rin ako ng gana, nilagay ko na lang sa bag ko 'yong baon ko, dumiretso na muna ako sa banyo, pagsulyap ko sa salamin, nakita ko agad ang sarili ko, may salamin, maluwag na damit na halos hindi na kita ang katawan ko. Hindi rin nasa ayos ang buhok ko, sino ba naman ako para malungkot? Eh ang pangit ko, hindi nga magkakagusto kahit na sino lalo na si Arvin, syempre kahit hindi niya sabihin naghahanap din 'yon ng cute at maganda katulad ni Corz, ngumiti ako ng mapait maa bagay sila, parang beauty and the beauty lang ang peg. Pero pag-ako naging gf ni Arvin magmumukha akong alalay niya, bagay na kami sa beauty and the beast, hayyy buhay, dapat hindi na ako umasa sa hindi na mangyayari. Natapos ang maghapon na klase, uwian na, ito lang naman ang masasabi kong magandang nangyayari sa buhay ko, ang makauwi sa bahay namin, walang Fraynard, walang L7 at walang bu-bully sa akin doon. Isa-isa nagsilabasan ang mga kaklase katulad ko eh tuwang-tuwa rin dahil uwian na, paglabas ko ng classroom namin, napapikit ako nang may magsaboy ng polbo sa mukha ko, isang malakas na tawanan ang naririnig ko, muli kong dinilat ang mga mata ko, pinunasan ko ang salamin ko na puros polbo na rin, mga baliw! Nag-aaksaya ng polbo para lang makakapag-bully.  Nang makita ko kong sino ang mga nagsaboy mga alipores lang naman ni Pantene ang grupo ng mga mean girls. Tawanan lang sila ng tawanan, bago sila umalis sa harapan ko, may ilang gusto akong tumulong pero katulad ko mahihina rin sila at baka madamay sa kamalasan ko kaya hindi na sila lumapit sa akin. Ito pa ang isang nakakainis dito, pagkaaway ka ng L7 lalo na ni Fraynard lahat ng babaeng nagkakagusto sa kanya kaaway muna na rin, parang Cyrel against the world lang ang peg ko. Pero may isang lalaki ang hindi ko inaasahan na lalapit sa akin, si Arvin, inabot niya sa akin ang banyo niyang asul na agad ko namang kinuha, tinitigan ko muna siya, naniniwala kaya siya kanina sa mga sinabi ni Fraynard, awa 'yon ang nakikita ko sa kanya, nakakainis nakakaawa na ba ako ngayon? "Kong talagang girlfriend ka niya hindi ka niya papabayaang apihin ka ng iba," wika niya bago siya tuluyang umalis, naiwan akong nakatitig sa likuran niya habang hawak pa rin ang panyong iniwan niya sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD