The Bad boy's Pet

1474 Words
Isang linggo. Masasabi kong maswerte ako sa makalipas ng isang linggo, isa lang dahilan kong bakit, hindi na muna ako pumasok habang may sport fest sa paaralan namin, nagdahilan na lang ako na may sakit ako sa mga teachers ko kahit na kailangan na pumasok na wala ka sa mga maglalaro, pero wala akong magagawa ito lang ang magagawa ko para makaiwas sa gulo. Kasi pagnakaharap muna si Fraynard maamoy mo ang gulo, hindi ko naman kasalanan na mabunggo siya ang oa lang niya talaga, pero wala akong magagawa ni hindi ko rin nakita kong sino ang tumulak sa akin, isa pa mukhang hindi makikinig ng dahilan ang lalaking 'yon. Mas maganda na magtago na lang sa L7, katulad ng ginagawa ko  patago-tago sa mga naglalakihang, dahil bumalik na ang normal na klase namin, wala na akong dahilan na masasabi isa pa sa laki ng WA hindi naman siguro nila ako makikita diba. Nagkalat na rin ang mga estudyante sa buong WA, pasilip-silip ako sa bawat sulok ng WA pati ang mga nagdaraanan na estudyante malapit sa akin tinititigan ko talaga, mas maganda na ang maingat. Nang masigurado kong wala naman sila sa paligid, nakahinga ako ng maluwag as in gumaan ang pakiramdam ko, tumayo ng tuwid at inayos ang suot kong uniform, naglakad na ako palayo sa punong pinagtataguan ko. Pumasok na ako sa building kong na saan ang room ko, section 1 ako at proud ako sa bagay na yan, sa hallway pa lang pinagtitignan na ako ng mga babae roon, may masasama ang tingin samantalang wala naman akong ginawang masama sa kanila, akala mo sila 'yong nabuhusan ng gatorade last week. Bahala na nga sila sa mga buhay nila, mga oa at papansin. Wala pa ako sa room ko na ramdam mo ang tahimik nila, ang pagkakaalala ko maingay ang classroom namin lalo na kong walang teacher. Tuluyan na akong nakalapit sa classroom namin, tahimik nga sila, nang makarating ako, isa-isa silang napatingin sa akin, wala lang sabay balik sa ginagawa nila, ano ba talagang meron? Ang bawat classroom kasi namin ang mga upuan ay pataas ang arrange ng chair parang sa senihan ga'nun ang ayos ng upuan namin. Huminga na lang ako ng malalim, hindi na ako nasanay sa mga tao dito na talo pa ang climate change ang pagbabago ng mga kinikilos. Pero hindi pa ako nakakalapit sa upuan ko sa may second row ng makita ko kong sino ang tumayo roon, si Fraynard, na nakangisi, nakapamulsa ang mga kamay nito at nakabukas pa ang coat niyang uniform. Kaya pala tahimik, dahil may danger. Papalapit siya sa puwesto ko, pinagmamasdan lang siya ng mga classmate ko, kaya bago pa man siya makalapit umalis na ako roon sa kinatatayuan ko, lalabas na lang ako, pero pagdating ko sa pintuan biglang pumasok si Kent at tinulak ako papasok, kamuntik na akong matumba dahil sa ginawa niya. "Ano ba?" Hindi ko na naiwasan pang mainis, nakangiti lang si Kent tapos pumasok na rin si Jojan at Elven, teka ito na ba 'yong kinatatakutan ko. "Hello new pet," bumaling naman ako kay Fraynard na nakalapit na rin sa akin, tama ba 'yong narinig ko? Pet ako? Tao ako at hindi isang pet! Napakagat labi na lamang ako, tinignan ko ang mga ka-klase ko na parang natutuwa pa sa nakikita nila lalo na 'yong mga babaeng nahuhumaling sa L7, napapalibutan na pala ako ng apat na 'to, lumunok ako para na kasing nanunuyot ang lalamunan ko sa kaba. "A-anong kailangan ninyo sa akin?" Tanong ko sa kanila, isa-isa ko silang tinignan at muli kong binalik ang tingin ko kay Fraynard na nakangisi pa rin. "Alam mo bang hinahanap ka namin, akala mo nakalimutan ko na 'yong pagpapahiya mo sa akin." Aniya ni Fraynard. "Huh? Hi-hindi ko naman sinasadya 'yon ah, may tumulak sa akin, hindi ko sinasadya, hindi ko gusto ang nangyari, hindi ko talaga sinasadya, sorry," hindi ko na intindihan kong ano 'yong mga pinagsasabi ko sa sobrang kaba. Ngumuso naman si  Fraynard sa mga kasamahan niya, bigla na lang akong hinatak ni Jojan sa kanan kong kamay, pilit ko 'yon binabawi pero malakas siya, bigla naman hinila ni Elven ang isa ko pang kamay, naglabas naman si Kent ng dalawang bote ng gatorade, nang laki na ang mga mata ko. "Teka anong gagawin ninyo sa akin?" Walanh nakikinig sa mga tanong ko na paulit-ulit sa kanila, pilit ko pa ring binabawi 'yong mga kamay ko pero unti-unti na akong nanghihina, hanggang sa makita kong bukas na pareho ang bote ng gatorade na blue. Kinuha ni Fraynard ang dalawang gatorade mula kay Kent, lumapit siya sa akin ay binuhos 'yon lahat sa akin. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang lamig ng gatorade mula sa ulo ko hanggang sa mabasa na ako at pati na rin ang uniform ko. Wala man lang pumigil, pinagtatawanan pa nila ako dahil sa ginawa ng walang modong lalaking 'to, hindi ko naman talaga sinasadya, nang maubos lahat ng 'yon binato lang niya ang dalawang bote sa may paanan ko, binitawanan na rin ako ng dalawa. Napakagat labi na lamang ako, nang idilat ko ang mga mata ko, nakangisi lang siya sa akin habang ang tatlo naman ay tawa ng tawa dahil sa ginawa niya, nagtutubig na rin ang mga mata ko, gusto kong lumaban pero para saan? Para palalain lang nila ang sitwasyon, nakakainis talaga siya, sa sobrang inis ko naikuyom ko na lang ang mga kamao ko, para tuloy akong nag-iced gatorade challege ng wala sa oras. Muling lumapit sa akin si Fraynard, "nag-uumpisa pa lang ako nerd," saka siya lumayo at lumabas ng classroom namin, sumunod naman ang tatlo na para bang awang-awa sa akin na may halong ngisi sa mga labi. Tumakbo na rin ako palabas ng classroom namin, pagkarating ko sa girl's locker room, bumagsak ako sa sahig at umiyak, inis na inis ako, dapat lumaban ako, pero paano? Wala naman akong alam sa pakikipag-away, bwisit talaga 'tong buhay na 'to. UMABOT ako ng isang oras sa loob ng locker room na nag-emot, pagkalabas ko roon, nakabihis na ako ng pe uniform, wala naman akong extra'ng uniform eh, isa pa hindi na ako nakapasok sa una kong klase kaya humabol ako sa pangalawang klase ko na math. Napagalitan pa nga ako dahil hindi naman pe eh naka-pe uniform ako, tinanggap ko na lang 'yong pang sasabon niya sa akin, teacher siya at alam ko naman ang mali ko, pagkatapos ng mga sumunod pang klase dumating ang break time namin. Palagi naman akong may dalang baon kaya iisa lang ang pinupuntahan ko, ang hallway sa kabilang building sa labas ng library ako kumakain buti pa roon tahimik at walang naglalaging mga estudyante kong di ako lang. Nang makarating ako roon, umubo na ako at sinandal ang likod ko sa pader, nilabas ko na rin ang juice at sandwich na palaging pinapabaon sa akin ni mama. Bago pa man ako mag-umpisa nang may lumabas sa library malapit lang din ako sa may pintuan at sa kamalasan ko nga naman nasipa niya ang juice ko kaya tumapon lahat sa sahig. "Ano ba yan!?" Singhal ko sabay layo sa kalat, pati ng pagkain at bag ko. "I'm sorry," anya ng nakatabig ng juice ko, nakakainis talaga. "Anong sorry bayaran mo yan! Tinabig mo wala na tuloy natira! Ays kainis naman oh," pero nang tignan ko kong sino ang nakatabig nang laki ang mata ko sa gulat, "ay." Nakaramdam ako ng hiya sa lakas ng boses ko. Jusko nasigawan ko ang crush ko, nasigawan ko lang naman si Arvin. Parang gusto ko nang tumakbo palayo, nakakamot lang ang kamay niya sa batok na para bang nahihiya sa ginawa niya, naku po bakit ang gwapo kahit sanag angulo. Ang tangkad niya, ang tangos ng ilong, moreno, tapos ang ayos ng suot niyang uniform at buhok, walang kaarte-arte sa katawan, hindi katulad ng Fraynard na 'yon na walang modo feeling hari at may ari ng paaralan samantalang pare-pareho lang kaming mag-aaral dito sa WA, pagnakikita ko si Fraynard parang bumabagyo, pag-si Arvin naman ang nakikita ko umaaliwalas ang panahon, hindi nakakasawang tignan. "Hey," sabay pitik niya ng daliri sa harapan ko, saka ako nagising. "Huh?" Ilang minuto na ba akong nakatitig sa akin, nakakahiya ka Cyrel, tama na kalandian. "Ang sabi ko sorry, bibilhan na lang kita ng bago, ayos lang ba 'yon," ang amo ng boses niya ang sarap pakinggan. "Huh, naku wag na, kasalanan ko naman talaga kong bakit natapon, dapat sa lamesa ako kumakain at hindi sa sahig, kaya wag na lang, sorry kong nasigawan kita," nahihiya kong sabi ang mukha ko nag-iinit. "Sige na ayos lang, sumama ka sa akin sa canteen para mabilhan kita ng gusto mo," na una na siyang naglakad pero hindi pa rin ako kumikilos, totoo ba 'to, hindi naman pala pangit 'yong araw na 'to, jusko ang swerte ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD