Meet the L7

1395 Words
Sigawan, hiyawan, tawanan at cheer ng bawat grupo ang naririnig ko mula sa field na umaabot kong na saan ako ngayon. Sport fest ngayon sa paaralan namin, pero imbes na makisali sa kanila heto ako ngayon nag-aaral, bitbit ko pa rin ang mga libro ko at gumagawa ng projects na ipapasa next week. Ano naman ang mapapala ko sa sport fest? Pagpapawisan tapos madadapa ako at masusugatan, wala naman akong alam na sport, kaya lahat ng hindi makakasali sa sport fest eh may project sa mga teacher namin which is ayos lang naman sa akin. Andito ako ngayon sa second floor ng building namin, nakaupo sa sahig, walang katao-tao, katabi ko ang malaking bag at mga libro ko habang kumakain ng gawang sandwich ni mama para sa akin. Hindi ko rin gustong makisalamuha sa mga ibang ka-schoolmate ko depende kong tungkol sa mga projects at school papers. Bakit nga ba ako iwas sa kanila, lalo na sa mga popular students ng Williams Academy? Simple lang, ayoko lang ma-bully lalo na ng mga mean girl at badboys ng paaralan namin. In four years of excistence ko dito sa WA, never akong nakipag-kaibigan sa iba, naalala ko noong una kong pasok dito eh agad akong sinabihan ng nga mean girl na wag akong lalapit sa iba dahil nakakahawa raw ang pagiging nerd ko, oh come on, ang talino nila para sabihin nila 'yon sa akin, dahil takot ako sa away, sinunod ko naman kahit wala namang logic 'yong mga sinabi nila, naging ayos naman ang buhay ko at walang nang-bully. Hindi ko naman masasabing nerd ako, dahil lang naman yan sa salamin ko at hindi pag-aayos tapos puro aral. Nerd na? Diba pwedeng wala lang akong pake alam sa sasabihin ng mga taong nakapaligid sa akin, malabo lang talaga ang mata ko simula noong grade 6 ako kaya kailangan kong magsuot ng salamin, gusto ko lang talaga galingan sa pag-aaral para walang masabi ang mga magulang ko, that's easy, pero walang nakakaintindi sa bagay na 'yon lalo na 'yong mga mayayamang nag-aaral dito. Saktong katatapos ko lang kumain, kinuha ko na ang bag ko at pati na rin ang mga libro ko. Dumungaw muna ako sa railings nang lalong lumakas ang ingay, mula sa field kitang-kita ko 'yong katuwaan ng mga manlalaro ng unit 2 kong saan naroon ang anim player na sila Fraynard, Kent, Elven, Adam, Kelly at Jojan. Sila rin 'yong tinitilian ng mga babae rito sa WA, dahil daw mayaman, gwapo, matatangkad, matatalino at higit sa lahat sikat, almost perfect, magbabarkada rin sila, kulang pa nga eh, si Chahicorz para mabuo ang LSE7VEN o sa madaling salita ang Lucky Seven. Kaya siguro naghihiyawan ang mga girls dahil nanalo ang team ng L7 sa soccer game, paalis na sila ng field pero kitang-kita ang tuwa sa mga labi nila lalo na 'yong Fraynard na team captain talaga ng soccer team ng school namin. Bakit ko ba sila kilala? Dahil madalas ko silang marinig sa mga ka-klase kong babae, na bukang bibig eh 'yong L7, kesyo na-iingit daw sila sa nag-iisang babae roon na si Corz, kesyo ang ka-gwapo raw ng L7, sa apat na taon ko rito at hanggang ngayon usap-usapan pa rin sila sa buong WA lalo na sa mga 4 yr students na katulad ko. Si Fraynard ang lider ng grupo ng L7, ok sabihin nating gwapo nga siya pero wala siyang dating kesa sa crush kong si Arvin, badboy siya at mahilig siyang mang-bully pagdumaan na yan sa hallway kailangan mo nang umiwas, para sa akin mayabang siya at walang modo. Si Corazon aka Chachicorz o Corz ang nag-iisang babae sa L7 kilala siya bilang Taylor Swift ng WA dahil sa dami ng naging boyfriend niya, mataray ang mukha niya masasabi kong pwede siyang isali sa mean girl. Si Elven ang cassanova o playboy ng grupo, masasabi kong badboy din siya, sunod-sunuran kay Fraynard at palaging kasama. Ga'nun din si Kent ang isip bata ng grupo, na madalas ding kasama ni Fraynard, maraming umiiyak kay Kent hindi ko alam ang dahilan basta mas malala pa siya kay Elven pero kong titignan ang pagiging isip bata niya parang layong ga'nun nga siya. Si Jojan isa rin sa mga badboy ng grupo, ang isang ito ang pinakamatindi hindi ko alam kong bakit pero siya ang hugotero ng grupo, seryoso ng mukha niya at madalas ding kasama ni Fraynard. Si Adam at Kelly lang naman ang parang naiiba sa kanila, mababait kasi sila at sila ang umaawat kong sakaling may binubully ang kaibigan nila, pero ang pagkakaalam ko magkakaibigan na sila simula pa elementary o sa madaling sabi magkababata. Umalis ako sa pagkakadungaw at bumaba sa second floor na yakap ko pa rin ang mga dala kong libro, na uuhaw ako at bibili ako ng iced tea. Sa hagdan pa lang rinig mo na 'yong ingay sa canteen, may mga babaeng naka-pe uniform ang nagtatakbuhan at nag-uunahang makapasok sa loob ng canteen. Malapit na ako sa pintuan ng canteen, tanaw ko na marami na palang naroon, pero hindi ko inaasahan na may malakas na pwersa ang tumulak sa akin para makapasok ako sa loob mismo ng canteen, hindi ko na kinaya at diretso akong pumasok sa loob, bumungo pa ako sa matiga pero malambot na bagay, 'yong mga yakap kong libro nahulog sa sahig, kasabay ng isang bote ng gatorade na bukas pa kaya ang laman n'un ay natapon sa iilang gamit na hulog ko. Para ring tumahimik ang buong paligid ko pero hindi ako tumingin sa paligid, pati ang ayos ng suot kong salamin tumabingi sa mukha ko. Sino ba 'yong nang tulak sa akin? Kukunin ko sana 'yong mga gamit ko at minamalas nga naman basa na, pero hindi pa ako nakakayuko nang may sumipa n'un para layo sa akin. Napaawang ang bibig ko sa gulat, nag-init ang mukha ko sa inis, "hindi ka ba tumintingin sa dinadaanan mo!?" Sigaw ng lalaking nasa harapan ko. Nang tignan ko kong sino 'yon at ayusin ang salamin ko. Para bang nawala ang dugo ko sa mukha ko, pakiramdam ko namumutla na ang buong mukha ko, 'yong inis ko nawala at napalitan ng kaba. Teka, hindi ako pwedeng magkamali, si Fraynard ang nabungo ko basa 'yong damit niya ng gatorade na bunggo ko siguro nong hawak niya kanina. Ang sama ng tingin niya sa akin na para bang gusto niya akong lamunin ng buo, isa-isa kong tinignan ang mukha ng mga nasa likod niya, si Kent, Elven, Adam, Kelly, Corz at Jojan na para bang sinasabi na hindi ako ligtas dahil sa mga titig nila. Mali 'to, baka hindi naman ako 'yong kausap, nilibot ko ang tingin ko sa buong canteen nakatitig silang lahat sa akin, may ibang ang sama rin makatingin at may ilang nagbubulungan dahil sa nangyari. "Kinakausap kita! Pipi ka ba ah?! O sadyang tanga ka lang!" Muli kong binaling ang tingin ko sa kanya, mula sa reaksyon niya mukhang ako nga ang may kasalanan nito sa kanya at ako nga ang kinakausap niya. "Hi-hindi ko naman sinasadya, may tumulak sa akin kanina," nanginginig ang boses ko sa hiya at kaba, paano ba ako aalis dito? Natatakot na ako sa pwede niyang gawin sa akin, badboy siya at bully, ayokong matulad sa mga pinaglalaruan niya sa school. Ngumisi siya sa akin, "hindi pala sinasadya ah," pag-uulit niya na may sarkastikong tono. Naglakad siya papalapit sa akin, hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko, hanggang sa makalapit siya, ang tangkad niya grabe halos balikat lang ako ni Fraynard, napalunok ako ng wala sa oras, akala ko kong anong gagawin niya kaya napapikit ako dahil inangat niya ang isang kamay. Ilang segundo ang nakalipas na wala naman akong naramdaman, dinilat ko ang mata ko, nasa harapan ko pa rin siya pero hawak na niya ang id ko na suot ko pa rin sa leeg, lalo siyang ngumisi na para bang may binabasa siya. "Cyrel Estrada pala ang pangalan mo," saad niya. Oh no, this is it! Ito na ang simula ng kalbaryo ko sa kamay ng isang badboy, magiging badboy's pet na ako. Binitiwan niya ang id ko at lumayo na sa akin, dumaan na siya sa gilid binangga pa niya ang balikat ko, sumunod naman ang mga kaibigan niya sa kanya, napayuko na lang ako sa kahihiyan, my god! Panaginip lang naman 'to diba? Hindi 'to maari, ayokong maging pet ng Fraynard na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD