Kabanata 2

2239 Words
"Cass, una na ako ah, maaga pa ang alis ni Kuya bukas kailangan ko siyang ihatid." Paalam sa akin ni Mira, kasama kong nagpapart-time-job sa isang Bar. Hindi naman malayo itong pinagtatrabahuhan ko sa aming bahay. Sa katunayan nga ay pwede lamang lakarin. Iyon ay kung masipag ka at nagtitipid. Pero kung katulad mo akong maarte at mainipin, sumakay ka na lang ng traysikel. "Sige, ingat ka!" Nakangiting sabi ko sabay kaway nang makalabas na si Mira. Ako na lang mag-isa ang natira sa kuwartong inuukopa ko. Ganito naman palagi kapag Saturday and Sunday. Ako ang nakatoka sa dalawang araw na iyon. Hindi naman kalakihan ang nakukuha ko sa pagtatrabaho ko rito, tama lamang sa panggastos namin nila Mama. Ang nakakatuwa sa trabaho kong ito, libre ang mga ginagamit ko. Make ups, outfits at marami pang iba. At isa pa, maraming pumupuntang gwapo, kaya nabubusog ang mga mata ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako lumabas ng kuwarto. Dahil nga sa isa itong bar at halos kilala na rin ako ng mga tao, ay hindi maiwasang makausap ko ang iba saglit. Nang matapos sa pakikipagkumustahan ay tumungo ako sa counter. Kita ko ang aking repleksiyon sa malaking salamin sa gilid. Napapangiting pinagmasdan ko ang aking sarili. Umaangat ang gandang taglay ko dahil sa suot kong damit. Ang aking buhok na hinayaan ko sa isang messy bun. Ang aking mukha na simple lamang ang make up. "Hey gorgeous." Napalingon ako sa lalaking tumayo sa aking tabi. He's wearing a playful smile. A certified playboy, I guess. "I'm sorry, I'm not interes-hey! Did you just touch me?!" Taas ang kilay na sabi ko. Oo malandi ako, pero never akong magpapahawak ng aking pang-upo sa kahit sinong lalaki! "Why? That's your job here. I have the ri-fuck!" Sabi niya habang hawak ang pisngi niyang sinampal ko ng ubod nang lakas. "I work here as a singer, not a prostitute you pervert!" Nangangalaiting sigaw ko bago ako umalis sa aking pwesto. Gago yun ah! Gawin ba akong pokpok! I looked at my watch, it's already six-thirty in the evening. May ilang oras pa ako para magperform at pagkatapos ay mag-ayos ng sarili para sa lakad namin ni John. "Hi!" Bati sa akin ng lalaking nadaanan ko. He doesn't look pervert, pero umiwas na rin ako. Baka mamaya katulad pala iyon nung lalaki kanina sa counter. Parang nakakatakot na tuloy lumandi. Tama! Para iwas bastos, si Sir Brick na lang lalandiin ko. He's a Professor, sa tingin ko naman mabuti siyang tao. At saka, kung tsa-tsansingan man niya ako, okay lang, crush ko naman siya eh. "Cassidy! Magready ka na raw sabi ni Manager. In five minutes mag-uumpisa ka na." Sabi sa akin ni Kuya Jake, ang isa mga bartenders ng Bar na pinagtatrabahuhan ko. Actually ang bar na ito ay hindi bahay ng mga prostitute. Malinis ang record ng bar namin. For fun lang talaga, para sa mga taong gusto magparty o magpalipas oras. Hindi nag-o-offer ng babae ang bar na ito. Kaya yung bastos na lalaking iyon kanina, malamang baguhan iyon! Naku, kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, baka nabugbog ko na iyon! "Cass, are you ready?" Tanong sa akin ng aming manager na si Kuya Ken. He's handsome, pero mas gwapo pa rin si Sir Brick. "Always, Kuya Ken." Nakangiting sabi ko sabay sukbit ng gitara at naglakad papunta sa stage. Hindi pa man ako nag-uumpisa ay bigla nang nagpalakpakan ang mga tao. Nakangiting inilibot ko ang aking paningin. Napatigil ako saglit, parang nakita ko siya? Nah! Hindi naman niya alam kung saan ako nagtatrabaho. Kaya imposible iyong sinabi niyang pupuntahan niya ako rito para pirmahan ang dapat niyang pirmahan. "Good evening everyone, so, I have the lists of most requested songs here. Lahat puro new songs. So I'm going to start with Perfect by Ed Sheeran." Nakangiting sabi ko sabay kalabit sa gitarang nakasabit sa aking balikat. Everyone started to sway when they heard my voice. I can feel someone is watching me. Pero hindi ko na lamang pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pagkanta hanggang sa matapos ang nasa huling lista. "You really have a wonderful voice." Papuri sa akin ni Kuya Ken habang pumapalakpak pagkababa ko ng stage. "In love ka na sa boses ko?" Taas ang kilay at nakangiting tanong ko sa kaniya. "Oo naman, ang ganda kaya." Nakangiting sagot niya sa akin. Pati yata mga mata niya ay nakangiti rin. "Eh sa akin?" Tanong kong nakangisi. "Tigilan mo ako, matanda ako sayo ng labing isang taon." Natatawang sabi niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa aking dressing room. "Age doesn't matter." Pagbibiro ko pa sa kaniya. Kita ko ang pagkaaliw sa kaniyang mukha. Naku, kung hindi ka lang matanda sa akin ng labing isang taon Kuya Ken, baka ikaw ngayon ang nilalandi ko hindi si Sir Brick. "Yes, age doesn't matter, but I won't marry a child." Nakangising sabi niya sa akin sabay gulo sa aking buhok. A child?! "Ang sakit mo naman magsalita! I'm already twenty-one, at isa pa hindi naman ako pandak, matangkad ka lang talaga sa akin!" Nakalabing sabi ko na tinawanan lamang niya. I like the sound of his laugh. Parang nakakagaan ng pakiramdam. Si Sir Brick kaya? Sa tingin ko gwapo rin ang tunog ng tawa niya. "Anyway, may pumunta rito kanina, hinahanap ka. Hihintayin ka na lang raw niya dahil may usapan raw kayo." Napatingin ako sa kaniya pagkapasok namin sa aking dressing room. Naghahanap? Baka si John. "Anong pangalan?" Tanong ko habang inaalis ang aking make up. Hindi naman kasi pwedeng lumabas ako ng naka-make up masyadong makapal iyon, baka mapagkamalan na naman akong prostitute. "I forgot his name, sorry. Lalabas na ako, para makapagbihis ka na." Sabi ni Kuya Ken bago ako iniwang mag-isa. "John or Sir Brick? Ay ewan, bahala nga silang dalawa!" Sabi ko habang hinuhubad ang aking damit pang-itaas. "Gusto ko nang umuwi! Ang sakit na ng katawan-shit!" Hindi ako magkanda-ugaga sa pagtakip ng aking katawan ng bumukas ang pinto at pumasok ang taong hindi ko inakalang papasok! What the hell is he doing here?! "You didn't lock the door?" Sabi niyang nakaigting ang mga panga at matalim ang tinging ipinupukol sa akin. "Seriously?! Tinatanong mo ako, eh nakapasok ka na!" Bigla kong nakagat ang aking ibabang labi nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Gosh! Cassidy, he's your Professor! "Oh." Sarkastikong sabi niya habang nakataas ang kilay. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Tumagal ang kaniyang mga mata sa aking dibdib. Napansin ko ang kaniyang paglunok. Ano Sir? Maganda ba? "What? Pagpipiyestahan mo na lang ba ako rito? Baka pwede ka munang lumabas?" God knows how much I want to strangle myself for saying those words sarcastically. "Wear your clothes, hihintayin kita sa labas." Sabi niya sabay tiim ang mga bagang na binuksan ang pinto. Biglang akong napangisi. Ewan ko kung bakit, basta feel ko lang ngumisi. Isang white blouse ang aking isinuot at isang shorts na hanggang kalahati ng aking hita. Mayroon pa iyong punit malapit sa laylayan na nagpaganda rito. Naglagay lamang ako ng kaunting pulbos at lip tint. Pagkatapos ay hinayaan kong nakalugay ang aking buhok na hanggang kalahati ng aking likod. "Perfect!" Nakangiting papuri ko sa aking sarili sa harap ng salamin. Napatingin ako bigla sa pinto nang may kumatok roon. "Naku, 'di yata makapaghintay ang aking Prince Charming." Nakangising sabi ko sabay kuha sa aking bag. Isa pang sulyap sa salamin bago ako tuluyang naglakad palapit sa pinto. "Ang tagal mo naman." Kunot ang noong reklamo ni Sir Brick. "Sinabi ko po bang hintayin niyo ako?" Matamis ang ngiting tanong ko sa kaniya. Muli kong napansin ang paghagod niya ng tingin sa akin. "Magpalit ka ng damit." Malamig na sabi niya sa akin. "Okay na po ito, komportable ako sa ganito Sir. Isa pa uuwi naman na ako eh." Sabi kong nakangiti kay Sir Brick. Isang malamig na titig ang ibinigay niya sa akin. "For Pete's sake Cassidy umayos ka naman! Kita na ang kaluluwa mo sa suot mo! Para kang-." "Parang ano?" Putol ko sa sasabihin ni Sir Brick. Parang prostitute ba? Ganoon ba ang tingin niya sa akin? "Wala." Tiim ang bagang na sagot niya sa akin. Masasapak ko si Sir Brick nang wala sa oras eh. "Prostitute?" Taas ang kilay na tanong ko. Hindi siya sumagot. Umiwas siya ng tingin at naglakad papunta sa backdoor. "Yun ba ang tingin mo sa akin Sir?" Tanong ko sa kaniya habang nakaharang ako sa kaniyang daraanan. "Ms. Tan-." "Hindi ko alam na ganoon pala ang tingin mo sa akin-." "Hindi mo ako masisisi." Malamig na putol niya sa sinasabi ko. Nakakaasar ang sinabi niya, pero bakit parang wala akong makapang asar sa dibdib ko? Baliw na yata ako. "Sir, malinis akong babae-." "Really? Bakit nakita kong lumabas si Ken sa dressing room mo? Bakit wala kang suot pang itaas nang pumasok ako roon?! Tell me, iyon ba ang malinis na babae?" Dapat napipikon ako sa sinasabi niya, pero bakit hindi?! What the hell is happening to me?! And wait, kilala niya si Kuya Ken? "You flirt with everyone, you're a bitc-." Hindi niya naituloy ang sinasabi niya nang sampalin ko siya sa kaniyang kanang pisngi. That's it, napuno na ako. I can feel my anger now. "Why? Ayaw mong marinig? You work here, ano sa tingin mo ang iisipin ko?" Nakaigting ang mga pangang sabi niya sa akin. "You're my Professor, sana man lang kilala mo ako." Walang emosyong sabi ko sa kaniya habang nakatitig kami sa isa't isa. "I know who you are, I know what you are. Sa tingin mo ba may mararating ka sa ginagawa mo? I wonder if you still a vir-." Muli ko siyang sinampal. This time, doble ang lakas niyon kumapara sa nauna. "Ano bang malinis para sa iyo?" Sarkastiko kong tanong na ikinatitig niya sa aking mga mata. "Iyon bang araw-araw na nagsisimba? May maamong mukha na ni minsan hindi nabahiran ng kahit anong kulay? Iyon bang kung manamit ay tinalo pa iyong nakabalot sa kumot? Iyon ba ang malinis para sa iyo?" "Cassidy." "Do you know why I'm doing this? It's for my studies, for me, for my Mom and for our future." Mariin ko pang dagdag na ikinaawang ng bibig ni Sir Brick. Isanh marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Teka bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo? Ano bang pakialam mo Sir?" "Let's go home." "Kaya ko pong umuwi mag-isa!" May diin kong sabi. "Uuwi ka mag-isa? O itutuloy mo ang lakad ninyo ni Reyes? I wonder kung saan mapupunta ang gabing ito—." "Hindi mo pala ako kilala Sir eh." Putol ko sa kaniyang pagsasalita. Alam ko kasing masama na naman ang lalabas sa kaniyang bibig. "Si Cassidy na malandi. Si Cassidy na bobo. Si Cassidy na papansin. Iyon ang kilala mo Sir, hindi ang totoong ako. Crush pa naman kita—ah hindi, gusto pala. Pero, below the belt na yung mga sinabi mo. Don't worry, I won't bother you anymore. Isa pa, tama si Elle, Professor kita. Masama ngang landiin ka." Bigla akong napangisi sa huling pangungusap na aking sinabi. Para saan yun? Bakit nasama yun? Kaloka, baka kainin ko mga sinabi ko. Pero sana hindi! Dahil totoong nasaktan ako sa mga sinabi ni Sir Brick! Mas gago siya kumpara sa lalaking bumastos sa akin kanina. "About doon sa pipirmahan mo, dadalhin ko na lang kay Luisa at papakiusapang siya na lang magpapirma sayo. Sige po Sir Brick, mauuna na ako." Paalam ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya naglakad na ako paalis. Bago ako tuluyang makalayo, narinig ko ang pagpakawala niya ng isang marahas na buntong hininga. Bakit? Naiinis ba siya sa akin? Nagagalit ba siya? I get my phone and dialed Elle's number. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong umiyak sa kaniya. "The number you have dialed is either-." Kaagad kong pinatay ang aking phone nang ilang ulit na operator lamang ang nagsasalita. Where is she? Tulog na ba siya? Lowbatt ba phone niya? I need her right now. Muli ko sanang tatawagan si Elle pero nagulat na lang ako nang may humila sa aking braso. "Ihahatid na kita, masyadong nakakaagaw ng pansin iyang suot mo." Matigas na sabi sa akin ni Sir Brick habang hila-hila ako papasok sa kaniyang kotse. "Kaya ko pong umuwi mag-isa. Hindi mo na po ako kailangang ihatid." Magalang na sabi ko habang hinihila ko ang aking braso. Pero mas hinigpitan niya pa ang hawak niya roon. "Alam kong kaya mo umuwi. Pero hindi kaya ng konsensiya ko kapag nabalitaan ko na lang na palutang-lutang ka sa kung saang ilog." Malamig na sabi niya sabay sara sa pinto ng kotse. Mabilis siyang umikot para makaupo sa harap ng manibela. "Sir-." "Shut up Cassidy! Matuwa ka na lang na ihahatid kita. 'Di ba ito naman ang gusto mo?!" Salubong ang kilay na sabi niya habang binubuhay ang makina. Gusto ko siyang sagutin, pero nanahimik na lang ako. Walang patutunguhan ang usapang ito kapag sinagot ko na naman siya. And besides, may punto rin naman siya. Teka ngayon ko lang napagtanto, nag-aalala ba siya sa akin? Fuck! What is wrong with me?! Kanina lang galit ako sa kaniya, tapos ngayon parang kinikilig ako. Peste! Ano bang nangyayari?! Mukhang kakainin ko nga talaga ang mga sinabi ko sa kaniya kanina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD